CHAPTER TWO

448 35 8
                                    

“She’s suffering from a Post-Traumatic Amnesia, Ryan.”
Matamang nakikinig ang binata sa eksplinasyon ni Dra. Tamayo matapos ang masusing pag-eksamin kay Ara. Nasa verandah sila ng doktora, kaharap ang meryendang inihain ni Manang Sion. “At liban sa bruises, scrapes, abrasions, and scratches ay wala na siyang ibang pinsala. Hindi rin siya biktima ng rape tulad ng unang hinala mo.”

“Gaano katagal bago bumalik ang alaala niya, Ynah?”
Nagpakawala siya ng malalim na hininga. Somewhat, he felt the relief. She was not violated.

Dra. Ynah Tamayo, isang matalik na kaibigan niya ito since college years. Kaya ito ang nilapitan niya para masigurong mananatiling sekreto ang nangyari kay Ara. Hanggang hindi pa wala pa itong naaalala sa nakaraan, mas maiging protektahan muna niya ang babae.

“I can not tell. Pero maaaring babalik agad o matatagalan. Pero may posibilidad  din na hindi na babalik kailanman.”

His jaw tightens. Kunot-noo itong bumaling sa dereksyon ng babaeng nasa hardin. Nagdidilig ito ng halaman gamit ang hose. “Alam mo kung bakit ikaw ang tinawagan ko para tumingin sa kaniya, Ynah.” His voice was serious. Nakatuon pa rin ang mga mata niya kay Ara na tila batang gustong maglaro ng tubig.

“You have nothing to worry, Ryan. Hindi ka nagkamali ng tinawagan. At isa akong Neurologist. It's my duty to help  patients like Ara.”

Napanatag ang binata sa assurance ng kaibigan. “Thanks, Ynah.”

Ngumiti ang doktora, “Don’t mention it.” Sinundan nito ang hinayon ng kaniyang mga mata. “She’s beautiful, Ryan. Pero…”  muli siya nitong tiningnan, waring nananantiya, “alam na na ito ni Lalie?”

Agad na nagdilim ang anyo ng binata. Umigting ang panga at inalis ang atensyon mula kay Ara. “She doesn't have to know, Ynah.”

Tumango-tango ito. “You are a man of his word, Ryan. Pero sana hindi dumating ang panahon na pahihirapan ka ng pangako mo. You're a good friend of mine. You're a brother to me, Ryan. Masasaktan ako kapag dumating ang panahon na iyan.”

Seryoso siyang tumitig kay Ynah. “You worry too much, Doktora. Nagtutunog girlfriend na kita.”

Malakas na tumawa ang babae at tinampal siya sa braso.

“Dream, Ryan. I like someone else.”

NATIGIL sa pagdidilig ng halaman si Ara nang marinig ang malakas na tawanan. Napatingala siya sa terasa at nakita ang dalawang taong masayang nag-uusap.

Maganda si Dra. Ynah, matangkad ito at maganda ang hubog ng katawan, maputi at makinis ang babae. Hindi siya magtataka kung girlfriend ito ni Ryan. Bagay na bagay sila.

Nang biglang lumipat ang atensyon ng lalaki sa kaniyang direksiyon ay agad niyang ibinalik ang atensyon sa mga halaman. Sa pagkataranta’y namali siya ng hawak sa hose at nabasa siya.

Napapailing niyang inilapag ang hose sa carpet grass at pinunasan ang damit gamit ang kamay. Puti pa man din kaya kitang-kita ang balat niyang bumakat sa basang blusa. Magpapalit na laman siya pagkatapos magdilig. Muli niyang dinampot ang hose at ipinagpatuloy ang ginagawa.

Mayamaya pa’y nakarinig siya ng ugong ng sasakyang palayo. Muli siyang lumingon sa terasa. Wala na roon ang dalawa. Baka umuwi na ang doktora, naisip niya.

“Sinong nagsabi sa iyong magdilig ka ng mga halaman?”

Halos mapatalon siya sa gulat nang biglang sumulpot sa tabi niya si Ryan.

“A-ako. Wala naman akong magawa kaya—”

“Hindi mo kailangang magtrabaho rito. Kung gusto mong makatulong, huwag mong abusuhin ang sarili mo. Hindi ka pa magaling at nagkikilos ka na rito sa bahay.” Matigas ang anyo nito pero sa tinig, kung di siya magkamali ay nag-aalala ito. Gusto niya itong pasalamatan, kung di lang nagsalitang muli.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 17, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

His Aloof HeartWhere stories live. Discover now