CHAPTER 7

10.5K 294 2
                                    


CHAPTER 7

"I'M TAKING a walk. I won't get too far."

Kinabahan si Matthew pagkakita sa sticky note na nakakapit sa nakasarang tent ni Rysia.

Siya ang nagtayo ng tent ng dalaga pero natapos at natapos niya iyon, hindi siya pinapansin ng dalaga. Inaya niya itong kumain ng hapunan pero tinanguan lang siya. The next time he knew ay mag-isa na itong nag-dine in sa pinakamalapit na kainan.

Matapos iyon ay bumalik na ulit sa tent nito. Nakabukas ang tent nang makita niya na nakahiga ang dalaga. Naiinitan siguro. Mainit din namang lalo sa cottage dahil wala ngang kuryente sa isla kaya 'di niya ito maayang sa cottage na matulog.Hinayaan na lang niya ito sa trip nito.

Pagod na din naman siya kaya pinili na maidlip na. Palilipasin muna niya ang sumpong ni Rysia. Alam naman niya na nalilito ang dalaga sa mood na pinapakita niya at hindi siya nag-aabalang ipaliwanag ang sarili. At siguro, okay na din iyon. Baka mapundi na ito sa pagsusungit niya at iwan siya sa isla.

Okay.

Urong-sulong pa din siya sa ideya na kasama si Rysia sa pagtakas niya sa mundo kahit sandali. Nakakalimutan kasi niya na may iniinda siya kapag kasama ang dalaga. Mabuti iyon na masama.

Dahil 'di ba ang problema at sama ng loob ay hindi dapat takasan kundi dapat na harapin. Gusto niyang makipag-deal sa sarili na mag-isa. Makapag-isip ng maayos at timbangin ang sitwasyon. And here is Rysia who was willing to be with him, maybe to hear him out.

Nah!

Palagay niya, kakaunting oras palang siyang nakakaidlip nang mairita sa init din sa loob ng tent. And decided to check on Rysia again. Pero sticky note na nga lang ang unang tumambad sa kanya.

Hindi pa siya kumbinsido sa sticky note at binuksan ang tent. Wala nga doon si Rysia. Asar na napamura siya habang lumilinga sa paligid. Napakadilim at ang emergency lights lang ng ilang nag over night ang tanglaw. Nilalamon na tuloy siya ng matinding nerbiyos. Tahimik na tahimik ang lugar. Tulog na ang mangilan-ngilang tao sa dalawang open cottages, di kalayuan sa kanila. May isa pang tent sa 'di kalayuan na tahimik na din. Saan puwedeng magpunta si Rysia? At sa ganitong oras sa lugar na hindi naman nito kabisado?

Alas-onse ang sinasabi ng armwatch niya.

"Damn it, Rysia!"

Nagwawala ang dibdib niya sa matinding pag-aalala habang isinasarado ang mga cottages nila. Naghanap na din siya ng flashlight na mabibitbit sa paghahanap.

Hindi siya makapagdesisyon kung sa kanan o kaliwa pupunta. Tinakbo na lang niya ang lugar kung saan may mga tindahan.

Pero mga sarado na din ang mga iyon. Tahimik at madilim ang lugar, kung hindi dahil sa flash light at liwanag ng buwan, wala na siyang makikita sa buong paligid.Lalo tuloy dinaga ang kanyang dibdib. Binuhusan siya ng napakatinding pag-aalala. Saan puwedeng magpunta si Rysia?

"Damn! Where are you, Rysia?!"

Lakad-takbo si Matthew habang hindi magkamayaw sa pagtawag sa pangalan ng dalaga. Maliit lang ang isla pero ang nakakatakotay baka may nangyari na sa dalaga at hindi pa niya namamalayan. Estranghero silang lahat sa isa't-isa at anong malay niya kung may mga halang ang kaluluwa sa mga kasama nila sa isla at nabiktima si Rysia.

That woman!

Magkahalong galit at matinding pag-aalala ang bumabagyo kay Matthew. Gusto niyang sisihin ang sarili. Bakit hindi niya namalayan ang pag-alis nito?

Nang sa 'di kalayuan ay may matanaw siyang liwanag at pamilyar na pigura. Ganoon na lang ang pagsasal ng puso ni Matthew at mabilis na tinakbo ang kinaroroonan ng pigura.

San Victorio Doctors 1: Almost (Published)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant