Chapter 18

10.6K 329 54
                                    

CHAPTER 18

SINILIP ni Rysia ang mga pinamili. Mukhang kompleto naman na. Kailangan na niyang makauwi at baka magising si Lukan. Pinatingnan lang niya kay Yaya Luding ang anak habang namamalengke.

Sa totoo lang ay napapaisip siya at nagi-guilty. Sinabi niya sa sarili noon na palalakihin ang anak na hindi iaasa sa iba. Siya ang magpapalaki kay Lukan.

Pero kailangan na yata niyang tanggapin na may mga bagay na hindi niya kaya at kailangan niya ng tulong ng iba. Masama ang loob niya sa mga magulang noon at pakiramdam niya, pinabayaan siya dahil pinaalagaan siya ng mga ito sa iba.

At ngayon, nag-iisip siya na paalagaan si Lukan kay Yaya Luding dito sa Bulacan. Mag-iisang linggo na sila roon. Mag-iisang linggo na rin na si Chary--ang assistant niya--lang ang tao sa shop niya. Ilang clients na rin ang napapalagpas niya dahil hindi pa niya gustong mag-service ng photo shoot. Kapag may painting project ay kinakausap niya na lang via web cam at doon na rin sa Bulacan ginagawa ang mga portraits.

Kaya lang ay hindi puwedeng ganoon palagi. Mapapabayaan nang husto ang business niya at saan sila kukuha ni Lukan ng ikabubuhay? Hindi niya rin puwedeng ibenta ang bahay ng lolo at lola niya doon sa Bulacan, na matagal nang nailipat ang titulo sa pangalan niya. Paano naman ang Yaya Luding niya?
Tumanda na ito na caretaker ng bahay na naiwan ng kanyang grandparents. Tsaka, ayaw niya ring mawala ang bahay. Nandoon ang maraming alaala na masaya siya at mahal na mahal ng kanyang Lolo at Lola.

Napabuntong-hininga si Rysia habang naglalakad papunta sa sakayan ng jeep. 

“Kung ilipat ko na lang kaya ang shop dito sa Bulacan?” pabuntong-hiningang kausap niya sa sarili.

Nagpalinga-linga siya sa paligid. Mag-click naman kaya ang negosyo niya roon? Matagal bago nagtagumpay ang Paints And Pictures sa Makati at iyon ay dahil pa sa koneksiyon ni Linster. Karamihan sa may mga sinasabing kaibigan nito ay hinahakot sa kanya para magkaroon ng kliyente. Kung lilipat siya sa probinsya, sino lang mga mayayaman ang magkakainteres na ipapinta ang sarili? At napakarami na ring studio and photo printing shop.

Isa pang buntong-hininga at huminto sa paglalakad si Rysia. Mukhang kailangan niya na talagang ipaubaya si Lukan kay Yaya Luding. Pero kasi, ayaw niyang mawala sa tabi niya ang anak kahit isang araw lang.

Ngayon pa nga lang, gusto na niyang umuwi at nami-miss na niya si Lukan.

Pagkaalala sa pag-uwi, agad na nagtingin si Rysia ng masasakyan. Ang mahal mag-tricycle kaya magji-jeep na lang siya. Sa kabilang lane pa siya dapat sumakay. At dahil mabagal naman ang mga jeep, binalak na lang niyang sumabay sa lalaking nakikipagpatintero sa pagtawid. Gusto na talaga niyang makauwi at baka gising na si Lukan.

Nasa kalagitnaan pa lang siya ng kalsada habang sumusunod sa lalaki nang may marinig na malakas na ingit ng gulong ng sasakyan. Kasunod noon ang paghablot sa kanyang baywang ng kung sino at itinawid siya sa kabilang lane na balak niya talagang puntahan.

Hindi kaagad nakakilos si Rysia at parang noon lang nagising mula sa isang nakakatakot na panaginip.
Gimbal siya habang dumadaan ang pagkalaking delivery truck. Doon nanggaling ang malakas na ingit ng gulong. At kung hindi dahil sa kung sinong humablot sa kanya ay baka napisa na siya ng mga higanteng gulong.

“What the hell are you doing? Bakit ka tumatawid nang halos wala sa sarili?!”

Napaangat ang mukha ni Rysia dahil sa pamilyar na tinig na sinisigawan siya. Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ni Rysia.

A gorgeous man with his grim-looking dark face just appeared in front of her. Parang tumalon ang kanyang puso paakyat sa kanyang lalamunan at doon nagwala.

San Victorio Doctors 1: Almost (Published)Where stories live. Discover now