1

1.1K 23 0
                                    

"Cut!"

"Good work everyone!"

Nag pack up naman na ang iba. Kakatapos lang ng shooting namin sa teleserye na ginagawa namin.

"Thanks direk! Una na po ako" pagpapa alam ko kay direk dahil nag text si Zai sa akin na nasa parking lot daw siya.

"Ok! Take care"

Naglalakad na ako sa parking lot. Excited akong makita ulit si Zai. Ilang days rin kaming hindi nagkita dahil masyadong busy ang sched naming dalwa.

"Loveee!" masayang sambit ko habang papalapit sa kanya. Niyakap rin niya ako.

"I miss you" humalik naman siya sa pisngi ko. Mahina ko naman siyang hinampas sa braso niya dahil nasa likod ko lang si Jelai, ang p.a ko

"Hi Jelai!" pagbabati ni Zai na nakangiti

"Hi Sir Zai! Miss na miss ka na niyang si Mam haha" pagbubuking nito

"Talaga? Miss na ko niyan? Tss. Hindi nga ako tinetext eh" pagpaparinig ni Zai habang naka ngisi sa akin. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Ahm Jelai--"

"Ok ma'm! Alam ko na po. Idri-drive ko yung kotse nyo sa condo at pwede na akong umuwi ngayon ng maaga. Got it!" pagpapatuloy nito sa sasabihin ko.

Natawa na lang kami sa sinabi ni Jelai. Umalis naman na rin siya agad at tumungo sa kotse ko. Tumingin naman ako kay Zai na nakangisi ngayon.

"Ngini-ngisi ngisi mo jan ha?!" nagtatakang tanong ko.

"Miss mo naman pala ako eh bat hindi ka man lang nag cha-chat or message?" nang aasar na wika nito

Hindi pa ako nakakasagot ng akbayan niya na ako at pinagbuksan niya ako ng pinto sa shotgun seat. Ngumiti naman ako sa kanya nang sinit-belt-an niya ako. Masyado nga lang ako nailang kaya tumingin ako sa malayo. Narinig ko ang pag ngisi niya at hindi pa ako nakakatingin sa kanya ng halikan niya ulit ako sa pisngi. At sinara niya na ang pinto. Feeling ko tuloy namula ako.

"Oh wag masyadong kiligin" pang aasar nito nang maka pwesto na siya sa driver's seat.

"Di kaya!" pagtanggi ko

"Okay. Sabi mo eh" saad nito pero halatang namang di siya naniniwala. Tss, bahala siya.

"Kamusta shooting?" tanong nito habang naka focus parin ang mata sa daan.

"Okay naman, nakakapagod. Pero alam ko naman na worth it yun" sagot ko habang nakatingin lang sa kanya.
"Ikaw?" balik kong tanong

"Okay naman, nakakapagod. Pero alam ko naman na worth it yun" pang gagaya nito. Sinamaan ko naman siya ng tingin kahit di niya naman yun makikita dahil naka focus siya sa daan.

"Baliw" saad ko

"Baliw sa'yo" dugtong nito

Hindi naman ako nakapag salita agad. Basta basta na lang kasing bumabanat. Feeling ko tuloy namula ulit ako sa sinabi niya.

"Uy kinilig ulit" pang aasar nito, tumingin naman siya saglit sa akin at agad ding nag focus sa daan.

"Di--"

"Di kaya!" pag gagaya ulit nito sa sinabi ko kanina. Argh! Kainis pati boses ko ginaya niya. Pero bat ancute nung sinabi niya yun ha? Tssk. May favoritism ata yung salitang yun ah!

"Bahala ka nga jan. Banat ka ng banat. Banatin ko yang buto mo eh" pagbabanta ko. Pero tumawa lang naman siya.

"Sa condo tayo,love?" malambing na wika nito.

Private RelationshipWhere stories live. Discover now