14

433 9 2
                                    

Dahan dahan niya akong inilapag sa sofa nang makapasok na kami sa condo. Umupo siya sa sahig at tumingin kay Jelai.

"First aid kit?" agad namang kinuha ni Jelai ito.

"Kaya k-ko" sambit ko nang inaalis niya ang pagkakabandage sa paa ko. Nakita ko pang may dugo na naman dahil sa pagtalon ko nga kanina sa kotse.

"You can't" tumingin naman siya sa akin ng seryoso. "Let me do it. Okay? Don't move"

Hindi naman na ako nag inarte pa. Totoo naman na hindi ko talaga kayang gamutin ang sugat ko. Pero bat niya pa kailangan gawin to sakin? Sa 'ex' niya.

"Don't move nga sabi eh" pag uulit nito nang galawin ko ang paa ko.

"Mahapdi kasi eh" nahihiya kong sambit na parang bata.

Hindi naman na siya nagsalita at nagpatuloy lang sa ginagawa. Tss. akala mo doctor.

"Done" sambit nito at dahan dahang nilapag ang aking kanang paa sa sahig.

"Thanks" wika ko at tumingala, saglit siyang tinapunan ng tingin.

"Ako na po bahala kay Ms. Dani,Sr.Zai. Salamat po"

Tumango naman si Zai at huminto sa paglalakad at lumingon sa akin. Napalunok naman ako.

"Be careful next time" hindi niya na ako hinintay pang makasagot. Lumabas na siya ng condo.

"Ma'm tulungan ko na po kayo" hindi ko naman na siya pinigilan dahil naka alalay na siya sa akin. Pumasok ako sa kwarto at nagpalit ng damit. Tsaka pumunta sa banyo para maghilamos.

"Pwede ka ng umuwi, Jelai" saad ko ng matapos na ako sa pagsisipilyo. Hindi na ako kumain, hindi naman ako gutom.

"Sige ma'm! Bukas na lang po ulit" sambit nito. Nagtigil naman siya sa paglalakad at lumingon. "Ma'm hindi ko po sinabihan si Sr. Zai na buhatin kayo. Ang totoo nga po nagulat ako nung sumulpot siya sa likod"

Hindi niya na rin hinintay ang pagsagot ko. Umalis na siya sa condo. Humiga na ako sa kama. At nakatingin lang sa kisame.

Akala ko ba sasabay siya sa dinner with casts and staffs? Eh bakit siya nandidito? Bakit niya ako binuhat? Nag aalala ba siya?

Ang daming tanong ng utak ko at hindi ko na rin namalayan na nakatulog na ako.

~

Dahan dahan kong minulat ang aking mata dahil sa sinag na tumatama sa aking mata. Sumakit naman ang paa ko nang tumayo ako para hawiin ang kurtina pero hindi naman na siya ganon ka sakit hindi tulad kagabi. Napatingin ako sa paa ko na ginamot niya kagabi.

"Good morning miss Dani! Okay na po ba ang paa niyo?" tanong ng mga staffs na nakakasalubong ko.

"Yeah. Hindi na siya ganon ka sakit tulad kagabi"

Dumiretso naman na ako sa dressing room at doon nakita sina direk at ibang casts.

"Anjan ka na pala Dani, kamusta ang paa?" sambit ni Tita Jen, isa rin sa mga casts.

"Ok na po. Hindi na po siya gaano masakit" pagsabi ko ng totoo.

"Good to hear that" singit ni Heather. Ngumiti na lang ako at umupo.

"Dinner tayo mamaya ah? Tutal hindi rin naman tayo kumpleto kagabi" sambit ni direk tsaka lumabas ng pinto.

"Sorry kagabi Dani" sambit ulit ni Angel.

"Ano ka ba. Kagabi ka pa ganyan. Sige ka kapag nag sorry ka ulit. Magagalit na ako" pagbabanta ko. Tumawa naman siya. 

Maghapon kaming nag shoot at masasabi kong isa ito sa mga nakakapagod na araw. Three days na lang ay matatapos na namin ang movie.

Private RelationshipWhere stories live. Discover now