Chapter 42: Donovan

2.8K 76 4
                                    

Donovan


Clifford's POV


Nasa byahe na kami papuntang Airport, dito ako umupo sa tabi ng bintana para masilayan ko ang kabuan nitong bansa bago kami lumipad pabalik ng Scotland. Katabi ko si Mommy na masayang masaya sa naging desisyon ko.

"Cliff sigurado ka naba talaga?" Nakailang ulit ng tanong si Ninong kung sigurado na ako, nag volunteer din siya na mag drive para samin ni Mommy.

"Isaac Hugo tigilan mo ang anak ko, nakapag desisyon na siya." Suway ni Mommy kay Ninong.

"Tigilan mo ako Georgina. Huwag mo kong tratuhin na parang hindi ko alam ang lahat." Nag umpisa na naman silang magbangayan.

Natawa nalang ako pero bigla kong naalala lahat.

Nang sinugod kami sa ospital dahil sa nangyari sa amin sa lumang building ay walang ibang choice si Ninong Hugo kundi tawagan si Mommy. Bilang ina ay karapatan niya na malaman yung kaligtasan ko pero dahil din doon nalaman na niya yung ginawa ko. Alam niya na nandito ako sa Pilipinas para mag aral, ang hindi niya lang ineexpect ay dito ako mag aaral sa Cuthbert kung saan malapit kay Donovan. Kaya ng araw na sinugod kami sa hospital ay nakatanggap ako ng tawag mula sa kanya, naghihysterical. Kinampihan pa daw ako ni Ninong at pinagtakpan sa kalokohan ko. Natatakot siya na iwan ko siya at piliin sumama kay Donovan, na malayong mangyari, ano bang karapatan kong iwanan siya pagkatapos nilang magpakahirap nila lola na alagaan ako.


Wala naman talaga akong balak umalis sa grupo, pero nagkataon nung araw na nasa ospital kami at nag uusap usap tungkol sa kwento ng buhay ng bawat isa ay nakareceived ako ng message from Ninong Hugo, si Mommy ay papunta na dito para idrop ako. Kaya napilitan akong mag quit. Oo mahalaga sa akin yung grupo pero may mas mahalaga paba sa pamilya? Kaya kahit hindi ko kagustuhan, nagpasya akong manahimik nalang at umayaw. Ayoko rin na malaman pa nila yung nakaraan ko. Ayokong kaawaan ako ng mga kaibigan ko. Ayokong isipin nila na pinipilit ko yung sarili ko sa ama na nag iwan sa amin.


Sinubukan ko silang iwasan, nagtagumpay naman ako pero hindi ko inaasahan na si Amber mismo ang pipigil sa akin. Gusto ko nang umatras sa nagpag desisyonan ko, pero kapag naaalala ko si Mommy lalo na sa miserable niyang kalagayan ay hindi ko na magawang baguhin ang isip ko. Kahit pa pigilan ako ng kauna unahang babae na nagustuhan ko.

Kaya lang naman ako lumipat dito ay gusto kong makilala si Donovan. Gusto kong makaharap yung tatay ko na inabandona ang mag ina niya para sa trabaho, gaya ng laging sinasabi sa akin nila Mommy.


Gusto ko siyang makaharap ng personal at marinig mismo sa kanya kung anong dahilan niya at kung hindi yon sapat, susumbatan ko siya sa lahat ng pagkukulang niya. Nangyari naman yon, nagkaharap kami pero hindi niya ako nabigyan ng sapat na dahilan. Hindi niya nasagot kung bakit niya ba mas inuna yung trabaho niya kesa sa sarili niyang pamilya.


Ngunit nakakatawang isipin na kahit kinamumuhian ko siya, nandito parin ako hanggang ngayon tumagal ng ilang taon na nakikita siya, nakakasalamuha, pero walang nagbago. Magpakita man ako ng hindi magandang ugali sa kanya, umaasa parin ako na kilalanin niya ako bilang anak, pero sa huli hindi parin nangyari, pinagkait niya parin sa akin.

Ang makilala lang yata ang MCC ang magandang memories na babaunin ko, pero yung pagkakaibigan namin hindi na yata maibabalik dahil sa ginawa kong pag iwan sa kanila sa ere. Binalewala ko ang lahat na para bang walang kahit na anong naganap. Nakakalungkot na kung sakaling bumalik ako dito, wala na akong mga kaibigan na babalikan dahil sa ginawa ko.

Nasapak pa ako ni Dwayne. I really deserved that punched, especially a punch coming from Dwayne. Nung una ko palang makita si Amber ay gusto ko na siya, ako pa mismo ang kusang lumapit kay Dwayne noon para alamin kung sila ba, at swerte dahil magbestfriend lang daw sila. Araw araw kinukulit ko si Dwayne, nag papakwento ng mga alam niya tungkol kay Amber pero anong ginawa ko, pagkatapos kong maging honest kay Amber nang nararamdaman ko ay aasta ako na parang ako pa yung dapat na mang reject sa kanya.


Kagabi hindi ko sinasadyang maging mean, nainis ako dahil pinag isipan ako ni Amber na maaaring ako si Ahriman. Nasabihan ko siya nang masasakit na salita, ngunit sa huli nang magkausap kami ni Ninong Hugo narealized ko na kasalanan ko talaga. Nasa kalagitnaan na kami ng laro tas bigla akong nag quit ng walang valid reason. Wala man lang kahit isang sentence na nag eexplain kung bakit ako biglang umayaw. Pero huli na talaga, andito ako katabi ni Mommy, masaya siya dahil siya ang pinili ko. Hinihiling ko nalang na hindi ko to pagsisihan balang araw.


"Baby let's go, kanina kapa nakatulala dyan." Bakas sa mukha ni Mom ang pagkabahala dahil sa pinapakita kong emosyon.

"Ano Georgina natatakot ka na magbago pa ang isip ni Cliff?" Pang aasar ni Ninong sa kanya.

"Tigilan mo ako Hugo ipapaban kita sa Scotland." Banta ni Mommy.

"Aba mabuti dahil ayaw na kitang makita." Natawa nalang ako dahil wala yatang kumakaya kay Mommy bukod kay Ninong.

"Clifford!!!!" Napalingon kaming tatlo dahil may sumigaw ng pangalan ko.

Si Kenna kasama ang lahat, agad kong nilibot ang paningin ko, kasama nila si Amber. Ibig sabihin ba nito ay hindi siya nagtanim ng sama ng loob sa mga nagawa ko.

Nakalapit na silang lahat, pati si Chloe ay nandito rin pala, nakaupo sa wheelchair, itinakas yata ng mga loko.

Hindi ko alam anong magiging reaksyon ko na magkakaharap kami ngayon, nahihiya ako sa inasal ko sa kanila.


"Bakit nandito kayo? Kung iniisip niyo na mapipigilan niyo ang anak ko ay nagkakamali kayo." Mataray na sinabi ni Mommy sa mga kaibigan ko.

"Ma please stop, mga kaibigan ko sila." Saway ko sa kanya.

"Don't go...." Mahinang sinabi ni Amber, pero sapat na para marinig ng lahat.

Naging tahimik lahat dito sa parking ng airport dahil sa sinabi niya.

"At bakit hindi niya kailangang umalis?" Si Mommy ang sumagot para sa akin.

"Georgina." May pagbabantang saway ni Ninong kay Mommy na nag uumpisa na naman mag hysterical.

"I'm so sorry kung pinag dudahan ka namin, ikaw naman kase wala ka man lang naibigay na reason, kahit sana hindi valid eh atleast may reason diba?" Tinignan ako ni Amber pagkatapos ay itinuloy ang sasabihin niya.

"Pero.......naisip ko kagabi kung ako ba yung nasa kalagayan mo papayag ba akong ikwento sa inyo yung tungkol sa akin? Eh ang pride pride ko. I should atleast try to put myself on your shoes para alam ko diba? And to be honest maybe I'll do the same thing, family muna bago ang iba. At kung tunay mo kaming friends dapat nirespeto nalang namin yung pananahimik mo, dapat pinagkatiwalaan ka namin. Sa totoo lang we are also tired of this game, gusto na rin namin matapos to pero we need you here, kulang ang grupo kung wala ka. Please don't go." Malungkot niyang sinabi sa harap ko at sa harap nilang lahat.

Hindi na'ko nakapag salita dahil sa sinabi ni Amber. Alam kong siya ang naging boses ng buong grupo ngayon.

"Noooo...hija don't ruin my son's decision." Naghihysterical na si Mommy. Hindi ko alam kung anong dapat kong maging desisyon. Ayoko talagang umalis pero hindi ko kayang makitang miserable ang sarili kong ina.

"Georgina pabayaan mo kung saan masaya ang anak natin." Napalingon kaming lahat sa nagsalita. Si Donovan. Tinawag niya akong anak sa unang pagkakataon.

THE GAME: Cuthbert Academy Book 1 (Completed)Where stories live. Discover now