Chapter 49: MCC's History (Part II)

2.6K 74 4
                                    

MCC's History (Part II)

Wesley's POV

"Cliff sa palagay ko magkakilala din si Daddy at ang Dad mo." Sabi ni Kenna kay Clifford.

Bigla akong nakaramdam ng kakaiba sa mga sinabi ni Kenna. Ayoko munang magsalita mas mabuti pa sigurong pakinggan ko muna ang lahat kung paano nga ba sila napunta sa Cuthbert at kung paano nabuo ang MCC.

Sumagot si Clifford sa sinabi ni Kenna. "Talaga? kung magkakilala si Dad at ang Daddy mo pwede rin na kakilala ni Daddy mo si Mr. Prodigious?" Napaisip si Kenna sa sinabi ni Clifford.

"Hmmm hindi ko sure eh pero kilala yata ng asawa ni Mommy Quia si Mr. Prodigious. Nabanggit lang ni Mommy na schoolmate yata sila." Hindi parin siguradong sagot ni Kenna. Habang tumatagal lalong lumalabas ang koneksyon ng bawat isa.

"Yung tinatawag mo bang Mommy Quia is yung bestfriend ng Mommy mo? yung sinasabi mong nag alaga sayo after your.... alam mo na." Hindi maituloy ni Amber yung sasabihin niya dahil masyadong sensitibo.

"Yes after mamatay ni Mommy sa panganganak sa akin si Mommy Quia na yung nag alaga sa akin." Nakangiting sagot ni Kenna kay Amber na biglang nailang dahil sa tanong niya.

"Asan na yung asawa ni Mommy Quia mo? hindi mo ba nakilala?" Tanong naman ni Ms. Laura kay Kenna.

"Paminsan minsa lang kasi siya umuwi dati tapos namatay siya nung seven or eight years old ako, hindi ko na talaga maalala siguro may one year after namin magkakilala ni Craig." Naguguluhan niyang sagot.

"Hindi naman kasi siya masyadong nakikita ni Kenna, madalang siyang umuwi sa bahay nila dahil sa trabaho kaya hindi sila naging malapit ni Kenna." Si Craig na ang sumalo kay Kenna para magpaliwanag.

"Ibig sabihin nakilala mo siya Craig?" Nakangiting tanong ni Ms. Laura

"Yes, I know everything about her. Mahigit twelve years na kaming magkakilala so probably nakilala ko halos lahat ng nakapaligid sa kanya." Sabi niya kay Ms. Laura.

"Wow Dude! really? you're something else." Tumatawang sinabi ni Dwayne, kaya bago pa mauwi sa iba ang usapan ay nagsalita na ako.

"So Kenna paano kayo napunta sa Cuthbert ni Craig?" Tinitigan ko siya sa mata habang tinatanong to, lahat yata ng maririnig ko tungkol sa kanya ay may kinalaman kay Craig.

"Kasunod naming lumipat si Clifford, pasukan ka na ng grade 11 lumipat diba?" Tanong niya kay Cliff, tumango ito bilang pag sang ayon.

Nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Kami naman ni Craig second sem na ng grade 11, okay naman kaming dalawa sa dati naming school kaya lang hindi maiiwasan na hanapin pa kami ng media." Malungkot niyang sinabi.

"What do you mean?" Pagpapatuloy ni Amber sa kwento.

"May mga panahon kasi na nahaharass ako, hinahanap kung nasaan na nga ba yung bastarda ng mga Malcolm at gaya ng sinabi ko sa inyo ako yung bastarda na yon. Kilala kasi sa Europe yung pamilya ni Dad at alam nang lahat na may anak siya na hindi tanggap nang mga Malcolm. Si Craig naman galing sa pamilya ng Mackenzie, kung susubukan niyong alamin kilala rin yung family niya kaya hinahanap din siya, hinahanap kung nasaan na yung nag iisang tagapag mana nang lahat dahil nga wala na ang buong family niya. Siguro akala ng iba masaya kami na buong buhay namin hinahanap kami at hinahabol ng media, naisip ni Mommy Quia na hindi kami safe kaya nag suggest siya na mabuti pang dito nalang kami mag aral." Aniya habang nagsusulat ng kung anu-ano sa buhangin, ginagawa niya to para mapigilan yung emosyon na maaaring kumawala dahil sa pag alala ng nakaraan.

"Feeling ko ginawa talaga yung Cuthbert para sa mga kagaya natin." Kumbinsidong sinabi ni Amber sa sarili niya.

"Kung ganoon Craig pumayag yung guardian mo na lumipat ka sa Cuthbert gaya ng suggestion ng Mommy ni Kenna?" Pagkukumpirmang tanong ni Sir Blair.

"Yes, mas natuwa nga siya dahil lumipat ako dahil sa Cuthbert naman daw ako nababagay." Napaisip ako sa sinabi ni Craig, ano kayang ibig niyang sabihin? hindi na muna ako nagtanong dahil may point naman siya, kagaya ni Dad sinabi niya rin na sa Cuthbert ako nababagay, tama rin si Amber na ginawa talaga ang academy para sa mga kagaya namin na anak ng mga hindi basta bastang personalidad.

"Paano pala kayo naging batch ni Kenna? mag na-nineteen palang si Kenna. Twenty kana diba Craig and six months from now twenty one kana." Tanong ni Dwayne sa kanya.

"Nang patayin sa harap ko yung buong pamilya ko tumigil ako mag aral ng dalawang taon para sumailalim sa therapies. Ayon din yung panahon na nakilala ko si Kenna." Sinagot ni Craig yung tanong ni Dwayne pero hindi na niya to sinundan ng isa pang tanong dahil narin siguro sa pagkailang sa naging sagot ni Craig.

"Ikaw Chloe? bakit mo naisip lumipat sa Cuthbert and eighteen ka palang diba? matagal tagal ka pang mag na-nineteen." Si Chloe naman ang tinanong ni Ms. Laura, ginawa niya para malipat ang atensyon ng lahat.

"Accelerated po kasi ako kaya pwede na akong mag college ng kahit hindi ako umattend ng secondary school, pero masyado pa akong bata noon kaya ng lumipat kami sa Japan dahil sa business nila Mommy ay naisipan nilang ipasok ako sa art school tutal ay mahilig akong mag paint dahil nga po kaya kong tandaan sa isip ko yung mga nakikita ko, doon ko rin nakita si Chuck Lars, schoolmate kami dati pero hindi niya ako natandaan." Si Chuck Lars yung lalaking magaling sa prosthetics pero sinayang ang talento para maghiganti.

"Paano ka tatandaan nang isang yon kung puro paghihiganti yung nasa isip niya." Tama si Dwayne sa sinabi niya, pagka puro paghihiganti ang nasa isip mo marami ka ng hindi napapansin na nakapaligid sayo.

"Then after two years ko sa art school naisip ni Mommy na dito nalang ako sa Cuthbert, dahil may nakapag sabi sa kanya na mag eenjoy ako dito at the same time ay safe. Hindi kasi ako kayang iwanan ni Mommy mag isa after nga nung nangyari sa amin nila Dwayne noong bata pa kami." Malungkot niyang sinabi. Nakita ko na hinawakan ni Dwayne yung kamay ni Chloe, pinapatatag yung loob niya.

"Bakit Chloe ano nga bang business niyo at saka asan yung Daddy mo?" Tanong ni Ms. Laura sa kanya.

"May mga travel agency kami sa iba't ibang bansa at maraming connection si Mommy sa mga airlines sa parteng North America. Si Daddy naman hindi ko na nakilala namatay daw siya nung four years old ako, sad to say wala akong maalala na kahit ano sa kanya, ang pinaka naaalala ko nalang sa childhood ko ay simula sa nakilala ko sila Dwayne, epekto daw ng counseling at therapies na napagdaanan ko, pero ang pinaka nakakalungkot lang kaya ako nagka Hypethymesia ay dahil sa nangyari nga sa amin noon."

"Ibig sabihin Chloe hindi inborn yang Hyperthymesia mo?" Tanong ni Amber sa kanya.

"Nope Amber effect siya ng mga theraphies na napagdaanan ko after namin makidnap. Instead na makalimutan ko ay tumatak na sa isip ko. Siguro nga iba iba ang epekto sa tao ng mga therapies. Hindi lahat nagiging successful." Paliwanag niya.

"Kung ganoon Chloe taga North America ang parents mo?" Tanong muli ni Ms. Laura

"Hindi rin po, actually si Mommy lang ang taga North. Sabi niya nang mamatay daw si Daddy ay isinunod na niya yung surname ko sa kanya. Maddox." Kung ganoon parehas pala si Clifford at Chloe nakasunod ang apelyido sa kanilang mga ina.

"Buti nalang pala lumipat ka, nagkita kayo ni Dwayne hahaha." Asar ni Clifford sa kanila.

"Ikaw naman Wesley bat ka napunta sa Cuthbert kung sa Walter ka naman galing parang Cuthbert din naman doon may grade 13 to 15." Tanong ni Amber sa akin, alam na nga pala nila kung saan ako galing na school bago ako pumasok sa Cuthbert dahil nakalaro namin sa volleyball sila Arkin noong unang araw namin dito.

"Dahil gusto ni Dad, sinabi niya rin sa akin na dito ako nababagay at saka matalik silang magkaibigan ni Mr. Prodigious." Bakas sa mukha nila ang pagkagulat dahil sa binunyag ko pero hindi ko sinabing lahat, hindi ko sinabi na si Mr. Prodigious mismo ang nakiusap kay Dad para mag aral ako sa Cuthbert. Pakiramdam ko mas nararapat na wala munang makaalam.

THE GAME: Cuthbert Academy Book 1 (Completed)Where stories live. Discover now