The Coffee Prince:Chapter Two

41 2 0
                                    

First day of Classes:

Dahil first day,Hindi muna pumasok si Hayle dahil...She has

She Has...

Moan.Moan.Moan pa more.Yun ang maririnig mo galing sa kwarto nya.

"Masakiiiiiiiit!" Nakadapa sya sa kama nya,Sinusuntok suntok ang unan nya.

*tok tok* "Hayle,Ayos ka lang?" Tanong nung kambal sa kanya na napadaan sa harap ng kwarto nya."HINDI! Gusto ko kayong sapakin sa sobrang sakit!" Gumugulong gulong na sya sa kama nya na parang timang.Namimilipit na kasi sya sa pain."Ano ba ang masakit?" Tanong ni Ken.

"Hindi nyo maiintindihan!" Sabi ni Hayle."Ahhh!" Nagets na nung kambal."You have noh?" Sabay nilang sinabi."Oo,I have,Meron ako kaya umalis muna kayo please!"

Sumunod naman yung Kambal.

"Lord,Bakit ba kasi naging babae pa ako? Bakit Hindi nalang lalake? O kaya pagpalitin mo nalang kami ni Jong,Mas babae pa yun saakin eh" Nakatitig sya sa pader.Ng bigla syang nag crave sa chocolates.

Lumabas sya ng kwarto nya,Nakahawak na puson nya.Dumiretso sa Kitchen at nakita na ang kambal na nakaupo sa stool na parang seryoso ang pinaguusapan.

Dumiretso sya sa Ref.Kinuha nya ang box ng chocolates.At nakiupo sa Kambal.

"Ano pinaguusapan nyo?" Sabay ng pagkagat.

"Kasi si Coffee Prince,Lagi nakakulong sa Kwarto at may sign na 'do not disturb'  Tapos naisip ko lang...Paano kung may ginagawa syang masama sa loob?" Sabi ni Kyle.

"Wala naman siguro,Nagbabasa,nanonood o kaya nagdra-drawing lang" Sabi ni Hayle,Sabay napahawak nanaman sa puson nya.

"Ako naman may napansin" Sabi ni Ken,Na pasimple na humablot ng chocolate "Wala syang kaclose saatin,Si Kuya Harold lang dati.Kaso wala na si Kuya Harold...Kaya ayun,Nadagdagan ang oras nya sa loob ng kwarto nya"

"What if nagdradrama sya sa loob ng kwarto nya? Namimiss nya si Kuya Harold? " Napataas na ang boses ni Ken.

"BAKLA PALA SYA!" Sabay nilang sinabi at sabay din silang tumayo.

"Shh! Marinig nya kayo!" Pinaupo sila ni Hayle

"May isa pa akong naisip eh...Kasi may Kambal din yan siya,Tulad namin ni Kyle...Tapos never namin sila nakita na nasa iisang kwarto!"

"Oh tapos? Bakit kami ba ni Batman nakita nyo sa iisang kwarto?" Hayle said in a sarcastic tone.

"Paano kung iisa lang silang dalawa? Oh my gosh.Eh di may gangster pala dito sa loob ng bahay natin tapos kahit anong oras pwede nya tayong iboxing!" Napatayo nanaman si Ken.

Makulit talaga at masyadong curious ang kambal na to.

"Hindi sila IISA! Kambal nga diba?" Naiinis na si Hayle.

"Prove it!" Sabi ni Ken.

"Paano ko ipro-prove? Eh di ko nga makita kita yung kambal nya na yun eh!"

Napafacepalm ang kambal.May konting pity na naramdaman para kay Hayle.

"Lumabas labas kadin minsan ahh,Namimiss mo ang action eh!" Sabi ni Ken

"Oo nga,Parang nung bago mag christmas break binully nila si J-" Hinampas ni Ken si Kyle,Nadulas sila.Naluwa ni Hayle ang chocolate na kinakain nya.

"Nabully si Jong? Nino? Bakit?" Grinab nya ang shirt ni Ken

"Sinayawan ni Jong si Minah ng K-Pop tas binully sya,Pinagtawanan hangga't sa kumalat na bakla sya,Pero si Minah naman...Hinug sya kaya points padin kaya wag mo sabihin kay Jong na nadulas ako"

Binitawan sya agad ni Hayle.Kumulo bigla ang dugo nya.Meron sya eh,Mas madali mag init ang ulo.

"Alam mo ang name ng group nila?" Tanong ni Kyle.

"Oo alam ko pero di ko sila kilala or ang itsura nila,Kasi wala akong pake.Kasi,Hindi nga ako palalabas ng room"

"Sila ang GRAY,Di ko alam bakit Gray basta daw sila ang Gray.Tapos ang palatandaan or ang symbol nila ay ang color gray na panyo na nakabalot sa wrist nila.So kapag nakita ka nila na may Gray na panyo na katulad sa kanila,Mag tago ka nya at papahiyain ka nila na parang walang bukas" Sabi ni Ken.

Hindi nakaramdam ng takot si Hayle.Dahil ba meron sya? O dahil hindi lang talaga sya natatakot.Hindi naman kasi siya palaban sa mga ganun.

"Okay,So mga tao sila na walang magawang matino sa buhay nila.Great!" Sabi ni Hayle na nagpatuloy nalang sa pagkain.

"Ang astig kaya nila! Ang daming may gusto sa kanila,Nagagawa nila ang mga gusto nila tapos basta astig sila.Tapos,Walang Pure filipino sa kanila tapos kahit ganun sila kasama.Top sila sa Classes nila" Sabi ni Kyle.Na parang idol na idol ang GRAY.

"Except sa Isa,Ang leader nila.Si Cutter,Kambal ni Carter" Sabi ni Ken.

Nung narinig yun ni Hayle,Naging interesado na sya.Ang daming tanong ang nag pop sa isip nya.

Cutter? Parang inassume naman ng parents nya na he's gonna grow up like this

Carbon copy ba sya ni Coffee prince?

Baka naman mabait din sya?

"Masama syang Tao" Biglang sinabi ni Ken."Kahit sino sa GRAY ang magustuhan mo,Wag lang sya" Tahimik lang si Hayle.Habang tumatagal nagiging seryoso na ang usapan.

"By the way,May plano kami ni Ken...Papayag ka ba na magcooperate?" Tanong ni Kyle.

"Isasama nyo ako sa kalokohan ninyo? Wag na!" Sinara na nya ang box of chocolates at binalik na nya sa Ref.

"Bibilhan ka namin nyan" Sabi ni Kyle.

Napangiti si Hayle Ang desperado ng mga eto ahh

"Dalawang Box" Sabi ni Ken.Humarap sa kanila si Hayle."Apat na box,At hindi ako magcocomplain,Deal?"

"Sige deal!" Hindi nya  inaasahan na kakagat sila sa deal.It just proves kung gaano sila kadesperate.

The Geek,The Gangster,And the Coffee PrinceWhere stories live. Discover now