The Coffee Prince:Chapter Four

23 2 0
                                    

Lumabas si Carter.

Napatingin sya kay Hayle na nakahilata sa harap ng pinto nya,Calm lang sya.

"Ano nangyare dito?" Inayos nya buhok ni hayle na nakatakip sa mukha nya.Hinawakan nya ang wrist tinitignan kung may pulse.Meron naman,Syempre hahaha.

"Hayle?"

Nag Gasp si hayle ng O.A. yung tipong parang nasapian at bumangon sya at kumapit sya kay Carter.

"Ano kasi...Bigla akong nahilo pagkatapos ko kumain ng chocolate sa kitchen tas ayun,Andito na pala ako"

"Ha?" Napatawa nalang si Coffee Prince "Ikaw kasi,Ang takaw mo!"

Nagtinginan lang sila,Si hayle paawa effect,katumbas kasi ng apat na box ng chocolate eh.Si Coffee Prince naman,Nakangiti lang sa kanya.

"Tara na,Magpagaan ka muna.Dalhin kita sa Sala tapos kunan kita ng tubig,Okay ba?"

Hayle nodded.May ganito pala syang side?

"Sige,1...2...3..." Tinulungan na sya tumayo ni Carter pero nagkukunware padin sya na nahihilo ng sobra.Yung Kambal naman nakasilip sa kanila.

Inupo na nya si hayle sa sofa,pumunta si Carter sa kusina,Kinunan sya ng tubig at inabot sa kanya.

"Naiinitan ka ba? Gusto mo dalhin kita sa kwarto mo? Tas mahiga ka muna doon"

"Actually Coff-"

"Carter nalang tawag mo saakin,We live at the same house.Isn't it a bit weird?"

Natuwa naman si Hayle,Napangiti sya.Lumevel up nadin friendship nila."Carter" Napaisip pa siya kung ano itatawag nya."Nandun nga ako sa kwarto ko kanina,Masama na talaga pakiramdam ko eh"

"Oh? " Nagulat si Carter."Eh bakit ka pa kasi lumabas? Pwede mo naman ako sabihan ahh?"

Eh kasi naman hindi ka pasalita

Eh kasi naman lagi ka nakakulong sa kwarto mo

Eh kasi naman di tayo close

Eh kasi naman di mo ako pinapansin

Eh kasi may sign sa pinto mo na do not disturb

Ang daming rason ang pumasok sa isip ni hayle pero "Ayoko kasi makaistorbo" Yun nalang sinabi nya.

"Text mo lang ako,Okay lang naman saakin.Mahirap na baka mamaya mapano ka pa! Lagot ako kay kuya Harold"

"Ahh...Kasi...Wala akong number mo eh" Nahihiya na sinabi ni Hayle.Which is true,Wala silang number ng isa't isa.

"Ahh ganun ba" Tumawa si carter at napakamot sa ulo nya out off embarassment."Nasaan ba phone mo? Isave ko nalang doon"

"Nasa kwarto ko,Kunin ko lang" Napasaya si Hayle.Napansin ni Carter na parang okay na si Hayle.Tumino kasi ang mukha nya.

"Parang okay ka na ahh?" Sabi ni Carter.

"Okay na ako!" Tumayo na sya at pumunta sa kwarto nya.Bumalik sya sa sala at sinave na nya number ni Coffee Prince.

Hanggang sa nagkahiwalay na sila at bumalik sa sarili nilang mga kwarto.

The Geek,The Gangster,And the Coffee PrinceWhere stories live. Discover now