Special Chapter 2-69

9.5K 767 1.5K
                                    

Akala ng lahat ay patay na si Bembieh. Pero sa totoo lang deds naman na talaga siya, kailangan ko lang ng another plot para sa Special Chapter 2.0, kaya yes, buhay na ulit siya.

Buhay si Bembieh kasi tsinelas lang naman pala ang natamaan ni Sicarie, hindi naman pala siya natamaan sa katawan, pati ako akala ko rin natamaan siya. #bEmBiEhSiNo?NgALinG!

Sinundan niya si Sicarie at napag-alamang namumuhay pala siya kasama ni Kibie. Meron silang mga anak pero nagtataka siya dahil mga mukha itong pwet. Lingid sa kaniyang kaalaman na kaya naging ganon ay dahil sa pwet ito dumaan.

Biglang natawa si Bembieh dahil sa mukha ng mga anak ni Sicarie ngunit nalungkot na ulit siya.

Nagalit si Bembieh. Super galit siya to the highest level. Gusto nalang ni Bembieh na maging tutubi na walang tinatagong bato at maglipad-lipad sa ibabaw ng basa na tubig.

"BUONG BUHAY KO, NGAYON LANG AKO NANGARAP NA MANGAGAT NG TAO! PERO ANONG GINAWA NIYO? HINDI NIYO AKO PINAKAGAT!"

Capslock para feel niyo ang galit ni Bembieh.

"INUUTUSAN KO ANG DAGAT NA MAG TSUNAMI AT INUUTUSAN KO ANG LUPA NA SUMAYAW NG PAMPARAMPAMPAM PARA LUMINDOL!"

Biglang lumindol ng sobrang napakalakas, biglang tumaas ang dagat, nagliparan ang mga isda at nag sipaglanguyan ang mga ibon.

Nagsigawan si Kibie at Sicarie, pati narin ang mga anak nito. Hindi na nila alam ang gagawin, sobrang lakas na ng lindol, paparating na ang tsunami, nag-iyakan na sila Kibie at Sicar- charot imagination lang talaga 'yan ni Bembieh, kasi di naman siya diwata.

Narinig ni Sicarie ang pagsigaw ni Bembieh.

Hinanap niya ito, sinubukang tumakbo ni Bembieh pero binaril ito agad ni Sicarie sa ulo.

*Broom *Broom *Broom

Tunog ng tatlong magkasunod na pagbaril.

Deds na si talaga Bembieh. Legit na, mas legit pa sa feelings ng ka-chat mo sa loob ng tatlong araw tapos mahal ka na raw niya agad.

Super duper end.

Bembieh, The Cute Zombieh (Completed)Where stories live. Discover now