Bembieh: The Last Mission 3

5.9K 444 419
                                    

Napahinga ng malalim si Bembieh dahil sa malinis na hanging sumalubong sa kaniya. Nang mailabas ang hangin sa kaniyang ilong, biglang may lumabas na sipon kaya agad niya itong pinahiran.

Naka-uwi na siya pero marami paring Zombiehz sa paligid. Hindi niya alam ang kaniyang misyon dahil tumanggi siya doon sa binigay na misyon ni God of Zombieh.

"Hi darling, you're so beautiful."

Bigla nalang siyang napalingon nang may magsalita sa likod niya. Paglingon sa likod, isa pala itong pader.

Nalaman niyang nasa gilid naman pala ang nagsalita kaya tumagilid siya.

Nakita niya si Kibie.

Biglang nag blur ang pananaw ni Bembieh at naka focus lang sa ma-among mukha nito ang pananaw niya. Dahan-dahang ipinasok ni Kibie ang kaniyang hintuturo sa ilong nito at nangulangot.

Pero hindi niya ito pinansin.

Bumagal ang paligid.

Lumamig ang araw

Uminit ang tubig.

Bigla nalang siyang may narinig na tugtog na siyang mas lalong nagpadamdam sa kasalukuyang sitwasyon.

"Paa, tuhod, ulo, balikat, ulo."

Hindi niya alam kung bakit naging dalawa ang ulo.

Niyakap siya ni Kibie, may pinahid pa ito sa kaniyang t-shirt pero di nalang niya ito pinansin.

"Hinintay kita, bakit ngayon ka lang?" naiiyak na tanong ni Kibie.

"Kasi tanga ako. Pasensya na, naging tanga ako."

"Hindi ka naman naging tanga pag dating sa'kin eh. Mahal na mahal kita."

"Amaw, literal kasi na tanga, kaya palagi akong namamatay."

"Tanggap naman kita, kahit ano ka pa, eh. "

Sanaol.

"Woy! Pinanggagawa niyo?!"

Bigla nalang may sumigaw.

Si Sicarie.

Kinuha nito ang baril.

*Putok

*Putok

*Putok

*Booggshh

*Ngennggggg

*Kokak

*Wawayo

*Kkkkekeeeeekkeke

Tumigil ang rotation ng Earth dahil sa nangyari.

"HINDDDDIIIIIIIIIII!"

Bembieh, The Cute Zombieh (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang