My Note and Yours To Read

9.3K 410 137
                                    

Dear Goddesses/Gods of Olympus, 

First of all, thank you so much for the support sa lahat po ng stories ko lalo na sa SBF ko na pang teen (kuno) heheh.  Saya saya lang kasi naranasan niyang makasama sa Top 10 ng Teen Fic na hindi ko inaasahan.  Maraming salamat po talaga.

Okay seryoso na ito.  Somewhere Between Friends is about teenage love, alam nyo naman siguro iyan.  Dati patweetums pa, di ba kasi alangan namang lumandi agad at 12 ang tatlo.  They have crushes on those times, tuksuhan ganun but as they grow, nag-iiba sila.  

Louise and Mason's love came from friendship.  Kung baga, hinubog ng panahon yung love nila sa isa't isa pero sa isang banda, there's Cameron na special din kay Mason.  We can say that Mason is not just fond of her.  Pwedeng naging sila siguro kung wala si Louise.  (Mga Camson, huwag masyadong kiligin! ^_^)

Saan pumasok ang problema?  When Cameron initiated that thing between her and Mason which lead to her pregnancy.  But the fact that Cameron did that to the boyfriend of her best friend, big NO NO sa akin iyan. Pero syempre, malaking factor na nagpadala si Mason.  Nagpaakit ang loko, di na nakatiis. 

So ang tanong ninyo siguro, kung NO NO pala, bakit ko isinulat?  Simple, because it is happening in reality.  I know kids like that, wala silang pakialam kung nakakasakit sila.  Ang rason?  Nagmamahal sila kaya nila ginawa iyon. Which is totally B-U-L-L-S-H-I-T!!!!

Mga dyosa, alam kong napapansin ninyo na ang mga plot ng stories ko, about single moms, di ba?  Because I am a single mom and I am proud of it.  Hindi proud na ginawa ko iyon out of wedlock but I am proud because I survived all those trials in my life.  Kasi kung papipiliin pa rin ako, I want to get married with somebody whom I know, I can rely on...... whom I know will be responsible enough to be my partner.  Na sana nabuntis ako na kasal.  Nagkataon lang na hindi ganoon ang nangyari sa akin kaya nangyari ang mga bagay bagay na ganito.  Lumabas si Boy Itik na wala ang tatay niyang.....basta iyon na iyon! (hahaha!)

Being a single parent is not easy.  Nandyang pupulaan ka ng ibang tao, iyong kulang na lang tapakan ang pagkatao mo.....iyong magsisinungaling ka kapag hinanap ng mga kapitbahay mong tsismosa kung nasaan ang tatay ng anak mo......iyong maiiyak ka na lang kasi nag-iisa ka.....iyong balak mo na lang magpakamatay.  Yes, naisip ko iyon.  Kasi sobrang sakit eh.  Yung ipinapanalangin mong huwag ka nang magising.  Sana wala ka nang maramdaman.....sana maging manhid ka na lang.....sana tapos na.  Tapos nung maglalaslas ka ng pulso mo, naramdaman mong masakit pala kaya itinigil mo.

When I felt the pain of the blade, realization came to me.  Why do I have to force myself to a guy who doesn't want to take the responsibility of being a father?  Sabi ko, kaya ko naman eh, I have my family, I am surrounded by love. Then I prayed, cried out to Him, reached out to Him.  Pagkatapos nun, hindi ko man masabing naging okay na agad lahat, but at least, gumaan, iyon ang importante.

Alam kong hindi lahat ng tao, kayang dalhin ang pinag-daanan ko so I really salute those single moms out there who are doing everything for their children.  Alam kong maraming nakaka-relate sa mga pinagdaanan ng Heroines ko, yung iba, they are judging those woman kasi hindi iyon ang pinagdaanan nila.  Tanga.....oo, lahat naman tayo dumadaan sa pagiging ganun, iba-iba nga lang ang level.  Martir....kapag nagmamahal ka, you will give everything para masabi mong wala kang pinagsisihan.  Nasasabi nyong ang weak naman ng babaeng ito, konting lambing lang, bumibigay na kasi may mga ganung tao eh.....dumaan din ako sa pagiging ganun kaya ang mga heroine ko, inilalabas ko lang kung sino ako noong panahong nagmamahal ako.  I am giving more than one hundred percent of myself, walang tinitira ni katiting.  Ganun ako magmahal eh, you cannot judge me because of that.  But I learned from those weaknesses.  Naging strong ako inside and ang faith ko, hindi mo mabubuwag iyan.  Mas naging maganda ang bond ko kay God dahil sa pagkabigo ako nang paulit ulit.

Somewhere Between FriendsWhere stories live. Discover now