CHAPTER 22

20.5K 467 14
                                    

ELISE'S POV

Nalimpungatan naman ako ng may marinig akong nabasag na bagay sa labas.

"Sweetie!... open the door! What's wrong with you?!"  Rinig kong sigaw ni ma'am christine mula sa labas

"Cyrus open the door!" Sigaw naman ng daddy ni sir cyrus pero tuloy pa rin ang pagbasag ng kung anong babasagin sa labas.

Tumayo ako sa at nag tsinelas at lumapit sa pinto at idinikit ko doon ang tenga ko upang mas marinig ko pa ang mga sinasabi nila.

"Cyrus open this door! Bakit kaba nangbabasag diyan?!" Sigaw ng mommy ni sir cy... bakit nagbabasag si sir 'Dahil sayo' bulang ng utak.

Muntik ko na palang makalimutan ang nangyari kanina, umamin siya sa akin na gusto niya ako... at galit na galit at selos na selos siya nung makitang hinalikan ako ng josh.

Shit! Dahil ba to sa akin kaya nagwawala si sir sa kwarto niya?

"Leave me alone!!! ARGGG!!!" Rinig kong sigaw ni sir cy at nagbasag nanaman ito. Anong gagawin ko? Naririnig ko na ang nga katulong sa labas at para ako nalang talaga ang nasa kwarto ko pa.

Elise... bakit kase napakamanhid mo? Nanggigil ako sayo!!!... pinagsasawalang bahala ko lang ang mga ginagawa niya sa akin hindi ko alam may meaning na pala ang mga yun.

"I.SAID. LEAVE ME ALONE!!!!!!!" Sigaw ulit ni sir cy mula sa kwarto niya.

Ano bang gagawin ko, paano siya mapapatigil? Alam kong nasaktan siya sa nakita niya kanina pero hindi ko naman kagustuhan yun nabigla lang ako dahil hinalikan ako ni josh.

Biglang nag flashback ang sinabi sa akin kanina ni sir.

"Don't you notice that he likes you?! He likes you as his girl not a friend! You didn't notice that?! Huh?!"

Hindi ako gusto ni josh bilang kaibigan gusto niya ay... WTF parang ngayon lang nag sink in sa akin anh lahat.

Paano naman niya nasabi na may gusto sa akin si josh? Sweet lang siya sa akin alam ko naman na ugali na niya talaga yun.

Bakit ang gulo? Bakit parang walang pumapasok sa utak ko? Ano na ba tong nangyayari?

Ang dami kong katanungan pero wala namang sagot.

Talaga bang may gusto sa akin si josh kaya hinalika niya ako?... isa yan sa malaki kong katanungan na alam kong si josh lang ang makakapag sabi sa akin niyan.

"Cy what's wrong? are you ok? Bakit kaba nagwawala?" Sunod sunod na tanong ni ma'am christine at nahihimigan ko doon ang sobrang pagaalala niya kay sir cyrus.

Kahit ako ay nag-aalala na, ako nga siguro anh dahilan kung bakit siya nagkaganto, sorry sir hindi ko agad napansin at hindi ko naramdaman sorry kung napaka manhid ko yeah i'm a numb i'm f*cking numb!.

Mayamaya pa ay may biglang kumatok sa pinto ko, kaya naman dalidali akong nag ayos ng sarili ko at huminga ng malalim bago buksan ang pinto.

"Elise iha... bakit nagkakaganun si cy? May problema ba?" Alalang tanong ni ma'am christine... at napatingin naman ako sa paligid at hindi nga ako nagkakamali ay nandito lahat ng katulong.

Lumapit naman sa akin si ruby.

"Elise... alam kong ikaw lang ang makakapagpakalma kay sir cyrus" malungkot niyang boses...

"Please elise pasukin mo siya sa kwarto niya, baka kung anong mangyari sakaniya nagaalala na kami" nagaalalang wika ni ma'am christine, kapag pumasok ako dun baka magalit siya... baka galit pa siya sa akin hanggang ngayon? Pero hindi ko naman pwedeng hayaan si sir cyrus na ganun nagaalala na sila ma'am christine sakaniya.

My Possessive and Obsessed Boss (Tagalog SPG) |COMPLETEDOnde histórias criam vida. Descubra agora