CHAPTER 24

21.1K 436 8
                                    

ELISE'S POV

Nandito ako ngayon sa tapat ng pinto ng kwarto ni sir, dala ko ngayon ang pagkain niya na nasa tray. Kumatok ako ng tatlong beses pero walang nagbukas.

Naisipan kong pihitin ang door knob kung bukas ba ito at pagkapihit ko ay bukas nga ito, kaya tuluyan ko ng binuksan ang pinto at pumasok na ako.

Pagkapasok ko ay sinarado ko naman ang pinto at naglakad papunta sa side table ng kama ni sir, natutulog pa ngayon si sir mukhang napuyat at napagod kakawala kagabi psh!

Nilapag ko ang tray sa side table ng kama niya at pinagmasdan ko ang mukha niya habang natutulog.

Anong bang ginawa ko at bakit nagustuhan aki ng boss ko?, dahil ba sa maganda ako? Aish! Assuming ka teh... basta ewan ko ang dami ko paring tanong.

Napailing iling nalang ako, bago ako lumabas ng kwarto niya, gagawa nalang muna ako ng gawaing bahay dito para naman may pagkaabalahan ako.

CYRUS'S POV

"Ahhhh" paguunat ko ng magising ako, at biglang nag falshback ang nangyari kagabi, i already confess my feeling to her... YES!!! FINALLY!!!

But ng maalala ko ang kaniyang hiling na 3 days, parang bigla akong tumlay but bigla din akong sumigla dahil malaya na akong makakagalaw ibang iba ang nararamdaman ko nung panahong hindi ko pa sinasabi ang feelings ko sakaniya parang palagi akong nagkakaproblema na hindi ko alam.

Pero ngayon umamin na ako ang saya saya na ng puso ko, parang tumatalon talon na to sa loob ng dibdib ko, iba na talaga to...

Napatingim naman ako sa side table ng kama ko at nakita ko ang isang tray na may lamang pagkain, lumapit ako at kinuha ang tray, af alam kong si elise ang nagdala dito nito.

Bakit hindi niya ako ginising? Hindi man lang ako nakapag good morning sakaniya hmp! Dibale mamaya makikita ko naman siya ehh hihihi...baliw kana talaga cyrus.

ELISE'S POV

Nandito ako ngayon sa garden naggugupit ng mga dahon ng biglang nagring ang cellphone ko, binaba ko muna ang panggupit ko at kinuha ko na sa bulsa ang cellphone ko.

Tinignan ko naman kung sinong tumatawag, si mama pala

"Hello ma?" Bungad ko sakaniya

"Anak may good news ako sayo" masayang sabi ni mama kaya napangiti ako, anong good news naman?

"A-ano po yun ma?" Tanong ko

"Naoperahan na si mica at nagpapagaling nalang siya ngayon" natigilan naman ako sa sinabi ni mama, n-naoperahan na si mica? T-teka saan naman sila kumuha ng pera pampaopera? Nung nakaraan 50K lang ang pinadala ko sakanila ehh alam ko mga nasa 100K ang pampaopera ni mica.

"Teka ma, s-saan po kayo kumuha ng pera pampaopera?" Tanong ko

"Ay anak hindi ko pala nasabi sayo... ano kase eh..."

"Ano po yun ma?"

"Sa boss mo anak, nung pumunta kayo dito kinausap niya kami at nagbigay siya ng tulong para maoperahan na si mica libre ang binigay niyang opera kay mica... nagpapasalamat talaga ako sa boss mo anak napaka bait niya" Wika ni nanay nahihimigan ko ang saya doon, ako naman ay napapanganga sa mga sinabi niya.

Nagbigay siya ng libreng opera kay mica? At bakit ngayon ko lang nalaman? Hindi niya manlang sinabi sa akin.

"At anak... sinabi niya rin pala na hindi pala siya boyfriend" nagulantang naman ako sa sinabi ni mama, loko loko talaga yun! Pagkatapos niyang paniwalain sila mama na boyfriend ko siya sasabihin niya rin pala ang totoo aish!

"At hindi mo ba alam na may gusto sayo ang boss mo? Sabi pa niya soon to be boyfriend mo daw siya ayieee kinikilig naman ako sainiyo" wika ni mama

"Ikaw talaga mama"

"Siguro alam mo na dahil ganyan ang reaction mo, ano sinagot mo na ba siya o nanliligaw pa lang, nako anak wag mo na siyang pahirapan, napaka bait niyang bata at matulungin boto na ako sakaniya kaya wag mo ng patagalin" pangungulit ni mama

"Si mama talaga...hindi ko pa po siya pinapayagang manligaw sa akin... pinagiisipan ko pa po"

"Oh sige anak hindi kita pipilitin, basta boto ako sa boss mo ayieee..." natawa naman ako sa sinabi niya

"Oh sige na ma, magtatrabaho pa po ako" paalam ko sakaniya

"Oh sige anak magpahinga ka rin ha?" Paalala niya

"Opo ma bye po i love you pakamusta nalang po ako kay papa at kay mica" wika ko

"Sige anak bye i love you din" wika ni mama at binaba ko na ang tawag, bumuntong hininga nalang ako bago tinuloy ulit ang trabaho ko.

Salamat sir cy... sa wakas ay naoperahan na ang kapatid ko...

Halos mapatalon naman ako ng bigla may yumakap mula sa likod ko, naamoy ko ang pabango niya at sigurado akong si sir cy to...

"Good morning" nakiliti naman ang tenga ko sa pagbulong niya, ipinatong naman niya ang babae niya sa balikat ko.

"Where's my good morning?" Tanong niya, napalunok muna ko ng ilang beses bago magsalita

"G-ood morning d-in po sir" ngiti kong wika at naramdaman kong humigpit ang yakap niya sa likod ko.

"Bakit ikaw ang natatrabaho niyan? did you forget what I said?" Tanong niya at napalunok naman ako nung maalala ko yung sinabi niya na hindi ko ito trabaho.

Pero kase madali lang naman ang trabaho ko sakaniya at naboboring din ako minsan kaya ginagawa ko na ang mga gawain dito.

Inalis ko naman ang braso niya sa bewang ko at humarap sakaniya ng nakayuko.

"Hindi mo naman kailangang gawin to ehh... diba nga personal maid kita so dapat ako lang ang tinatrabaho mo inaalagaa mo iaasikaso mo... hindi naman kase sayong gawain niyan" mahinahon niyang pagkakasabi

"Eh kase sir... m-medyo nabobored kase ako m-medyo lang" nahihiya kong sabi

"Ow...hmm nabobored ka pala...hmm sige lalabas tayo" ngiti niyang sabi

"P-Po?" Takang tanong ko

"Mamamasyal tayo" ngiti ulit niyang wika

"Talaga sir?" Gulat ko namang wika

"Yeah, change your clothes" ngiti niyang sabi sa akin kaya mas lumapad ang ngiti ko, haysss buti naman at mamasyal kami miss ko na ring mamasyal ehh

"S-sige po sir" paalam ko sakaniya at akmang aalis na ako ng hawakan niya ang braso ko.

"I have a rules before tayong mamasyal" seryosong sabi niya

"A-ano po yun sir?" Takang tanong ko naman

"Don't talk to other men" duro niya sa akin

"O-ok sir... but may paalala lang po ako sainyo... hindi pa po ako pumapayag na ligawan niyo ako" ngiti kong sabi sakaniya at halatang natigilan siya, naramdaman ko namang lumuwag ang pagkakahawak niya sa braso ko kaya sinamatala ko na yun patakbo na akong umalis... at pumunta na ako sa kwarto ko para magpalit ng damit

CYRUS'S POV

"O-ok sir... but may paalala lang po ako sainyo... hindi pa po ako pumapayag na ligawan niyo ako" Natigilan naman ako sa sinabi niya...

Oo nga pala hindi pa pala niya ako pinapayagang manligaw sakaniya... aish!  Ok lang 3 days lang naman ang hinihingi niya ehh so sasamtalahin ko ang pagkakataon na ito, papasayahin ko siya ngayon at sisiguraduhin kong papayag na siyang ligawan ko siya... i'm so excited!.

___________________________________

Author: This is it! Do your best cyrus!

PLEASE VOTE GUYS, THANKS!

My Possessive and Obsessed Boss (Tagalog SPG) |COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon