Wattpad Original
Ada 2 bab gratis lagi

Episode 6

5.9K 281 231
                                    

NATARANTA AKO. HINDI ko alam kung ano ang dapat unahin, ang magsuot ba ng damit ko ang humiyaw na para bang minolestiya ako ni Stevan?!

Nang magtama ang mga mata namin ay may ilang segundong nanlaki ang kanyang mga mata. Pero mabilis din naman iyong bumalik sa bored look matapos ang ilang saglit.

“Hoy!” sambit ko habang tinuturo siya. “May tao! Mamaya ka na—”

“I will not stare at your body.” He smirked at me. “It’s not worth it.”

Aba’t—tarantado ‘to, ah! Hindi ko naman siya inaano, nang-aano siya? Kung anuhin ko kaya siya para malaman niya kung ano ang inaano niya?!

Pero talagang napalunok na lang ako nang buksan niya ang shower sa harap ng bathtub. Akmang huhubarin na niya ang kanyang towel nang mapabulalas na lang ako ng, “Hinto! Teka kase! Mamaya ka na, ako ang nauna rito, oh! Manners-manners din sana kapag may time!”

“This is my house.” His bored look never changed. “So, my rules always win.”

Akmang huhubarin na naman niya sana ang towel nang mapasigaw na naman ako. “Putcha naman, oo! Ang pangit mo namang ka-bonding! Masarap naman ang ulam natin kanina, bakit ka ganiyan?!”

Sa ginawa ko ay para bang ga-hibla na lang ng buhok ang kanyang pasensiya sa akin. Umigting ang kanyang panga at nakita kong nagsalubong ang makakapal niyang mga kilay.

“You choose; get out now or watch me get naked.” His stare was sharp and the way I see it, if glaring could only kill, nasa impyerno na ako at nagsasayaw ng Aserejé!

Hindi ako nakasagot. Napalunok lang akong muli dahil hindi ako makaisip ng desisyon. Kasi kung mananatili ako rito, hindi-hindi ko kakayaning makita siyang nakahubad habang naliligo! Kung aalis naman ako ay makikita niya ang hubad kong katawan. Boset siya, nasa pintuan kaya iyong bathrobe!

“Oh, sige! Lalabas na lang ako!” Napangiwi ako. “Pero paabot na lang nung bathrobe, please.”

“Don’t command me. I am your boss, and you are the maid.”

“Aba’t!” Napasapo ako sa noo. “Hindi nga ako, maid! Paulit-ulit ka naman—”

Tumalikod siya sa akin at bigla . . . hinubad niya ang towel kaya’t bumungad sa akin ang matambok niyang pwet. Nataranta talaga ako! Napatayo na lang ako sa bathtub at tinakpan ang pribadong mga parte ng katawan ko. Mabilis kong kinuha at isinuot ang bathrobe at may sa ninja akong lumabas sa banyo!

Putcha!

May sa demonyo talaga ang lalaking iyon!

Sa inis ay sinuntok ko ang pintuan. “Dapuan ka sana ng mahiwagang kati sa likod tapos hindi mo makamot, punyawa ka—”

Biglang bumukas ang pinto.

Bumungad doon si Stev. “What?”

Basa ang kanyang buhok. Ang tubig ay dumadaloy pababa sa kanyang matalas ng collarbone, hanggang sa malapad niyang dibdib, papunta sa matitigas na bahagi ng tiyan niya, umabot pa iyon sa kanyang v-line at . . .

Kusa kong hininto ang letse kong mga mata sa mismong baywang niya. Napapikit ako at pinili na lang na tumakbo patungo sa kwarto ko! Gusto ko na lang talagang maging kulangot sa pader dahil sa kahihiyan.

Ogag talaga ‘yang Stevan na ‘yan!

“AY SHET, MAALAB naman pala ang eksena niyo there, Lola.” Napapalakpak ako. Hindi ko kinaya! Rated SPG siya, nakakaloka!

“Well…” Lola was smiling at me in a proud manner.

Bigla ko siyang pinaningkitan. “Pero seryoso, hindi mo talaga nakita iyong sawa ni Stevan?”

Bumasangot si Lola. “Tarantada ka, siyempre hindi! Gaga!”

“Weh? Mamatay man ang kuko sa paa?” I stared at her as if she was the worst criminal alive. Iyong ini-interrogate ko siya at para bang may bumbilya ng ilaw ang gumagalaw-galaw sa taas ng ulo niya.

“Oo nga, gaga ka talaga.”

“Magka-ingrown man sa ngipin?”

Bumusangot lang siya sa akin.

Pero patuloy ang paniningkit ng mga mata ko. “Magka-uod man sa gums?”

Hinampas niya ako nang malakas. Doon ay napapangiwi akong hinaplos ang parte na hinampas niya. Gusto ko na lang magwala!

“Oo na! Aamin na, nangwa-warshock ka, ano?!” Ang kilay niyang mapagmataas at laging namimintas ay nagkasalubong.

“So, totoo nga? Nakita mo nga?” Ngiting aso ako.

Umirap si Lola at hinawi ang buhok. “Oo nga, paulit-ulit? Bingi ka?”

Hindi sinasadya ay nahampas ko siya nang malala. Hindi ko talaga napigilan ang sarili ko! “Ang landi mo talaga, Lola! Bakunawa ka!”

“Aray! Tarantado ka, masakit!” Hinampas niya ako pabalik.

“Pero, Lola, tapatin mo nga ako . . .” Tiningnan ko uli siya nang masinsinan. Ang mga mata niya ay naningkit na naman sa ikalawang pagkakataon. “Malaki ba? Malaki ba ang sawa ni Stevan?”

“UHM, MEDYO LANG,” sambit ko. Ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko. Alam kong ngayon ay pulang-pula na ito.

“Ay, da best ‘yan, mare!” bulyaw naman ni Paraluman. Isa siyang domestic helper sa katabing bahay namin. Nakilala ko siya nang utusan ako ni Tita Mara na mag-grocery. Nagulat nga ako na magkapit-bahay pala kami.

Ngayon ay nandito kami sa gate ng bahay ni Tita. Nakagawian ko nang makipag-chismisan sa kanya rito kapag sasapit na ang hapon.

“Prung shira, ‘wag ka nga!” Napairap na naman ako.

“Hindi mo ba alam, dati ko pa hina-hunt ‘yang Stevan na ‘yan?! Lagi ko iyang sinisilip mula sa bintana. Kako, kahit abs lang okay na ako pero ikaw?!” Nagulat ako nang hampasin niya ako. “Walang kahirap-hirap mong nakita ang talaga nga namang naghuhumindik na sawa niya?!”

“Gaga!” Napahalakhak ako.

“Pero, mahaba talaga?”

Umirap ako. Paulit-ulit naman ‘tong isang ‘to, eh. Nakakabwisit naman talaga, oo! “Oo nga, mahaba nga!”

Doon ay para na naman kaming tangang naghampasan ng braso.

“Partida, hindi pa iyon naka-standing ovation pero mahaba na agad!” Malakas ang loob kong ihiyaw iyon dahil puro mga Amerikano naman ang dumadaan sa harap namin.

“Paano pa kaya kapag—” Hanggang sa nagulat ako nang bigla akong makarinig ng nababasag na bagay sa loob ng bahay. Para bang may nagwawala roon! Nataranta ako!

“Hoy, dzai! Anyare?” Nataranta na rin si Paraluman.

“Si Stevan lang naman ang tao sa loob!” Putcha, ano siya? Parang iyong mga lasing lang sa Pinas? Iyong bigla-bigla na lang magwawala at manununtok ng kung sino man?!

“Ay shet, nagwawala si baby boy! Kailangan ko siyang pakalmahin!” Akmang tatabok na si Paraluman sa loob ng bahay nang hilahin ko siya sa damit.

“Sandale!” Umiling ako. “Ako na lang, gaga ka talaga. Kaya ko na ‘to.”

“Sure?” Bakas ang pag-aalala sa mukha niya.

I smiled as I nodded.

Ayaw kasi ni Stevan nang may ibang tao sa bahay nila. Sa isang linggo kong pamamalagi rito sa Brooklyn ay mabilis ko siyang nakabisado. He was that kind of a guy who wanted to isolate himself with a limited number of people. Nalaman ko ‘yan nang awayin niya ako dahil pinapasok ko si Paraluman nang minsang matae siya habang ginagamit ng amo niya ang banyo.

Mabilis na akong pumasok sa loob. Malakas ang kabog ng dibdib ko habang tinatahak ko ang bawat palapag ng hagdan. Ang malakas na tunog ng mga nababasag na bagay ay papalakas nang papalakas. Wala pang ilang sandali ay natagpuan ko ang sarili ko sa harap ng kwarto ni Stevan.

Kumatok ako. “Stevan? A-ano’ng nangyayari?”

Napatalon ako nang may nabasag na naman na bagay. And then there’s Stevan’s loud and harsh voice. “Just fucking go, you dipshit!”

Huminga ako nang malalim. Kung gago lang ako, iiwan ko talaga siya riyan matapos niya akong sabihan ng dipshit na timawa siya. Pero, hindi. Ipinagkatiwala siya sa akin ni Tita. Ako ang malalagot kapag may nangyaring masama sa kanya.

Pinihit ko ang seradura ng pinto at laking pasasalamat ko na lang talaga dahil hindi iyon naka-lock. May panghihina sa sistema ko nang pumasok na ako sa loob ng kwarto.

The room was a total mess. Maraming mga nabasag na bahagi ng trophy ang nasa sahig. Pati na rin ang iba’t bang babasaging bagay—mga bote ng alak, vase, at salamin.

Nakita ko si Stevan na nakatungo. Nakaupo siya sa sahig. Nakasandal ang kanyang likod sa kama.

“S-Stevan?”

Nawala ang tapang ko. Kingina, nanghina ang tuhod ko nang tumama sa akin ang matalim niyang mga mata. Tinusok niyon ang kaloob-looban ko. Naparalisa ako. Para akong estatwa na nakikipatitigan lang sa kanya.

“Are you fucking dumb? What part of ‘just fucking go’ didn’t you understand?!” His shout was . . . full of hate. Patuloy akong nanigas mula sa kinatatayuan ko. Sa isip-isip ko, kapag sinapak ako nito, baka hindi talaga ako makalaban sa takot.

Nakita ko siyang tumayo. Napalunok ako nang muntik na siyang mawalan ng balanse. At doon lang ako natauhan nang makita kong kunin niya ang frame ng picture nila ni Tita Mara sa side table niya. Akmang itatapon na niya sana iyon nang mabilis ko siyang nahawakan ang braso niya.

“Hey—” panimula ko pero hindi ako naging handa nang itulak niya ako. Natumba ako sa mga pira-pirasong basag na bagay. Hanggang sa napangiwi ako nang maramdaman kong tumusok ang isa sa mga iyon sa braso ko. Sa kirot ay hindi ko iyon naitago sa mukha ko.

“Fucking know your place.” Dinuro ako ni Stevan. Hanggang sa napapikit ako nang itaas niya ang kanyang palad.

Tangina, sasampalin niya talaga ako?!

Matindi ang pagkalabog ng puso ko. Napadasal na lang talaga ako kahit hindi naman ako relihoyosa!

Most Notorious JerkTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang