Chapter 6 (Ian & Hannah)

330 29 5
                                    

Chapter 6

Ian & Hannah

Zahara Rain's P.O.V
Agad akong nagtago sa puno na nakita ko ng matunton na ang location kung nasaan si Angeline. Nagsalubong ang kilay ko ng makita ang isang abandonadong building.

'Is Narouje sure about the location? Mukhang nagkamali siya. Pero impossible.'

Napatingin ako sa paligid at mas lalong nagtago ng lumabas mula sa building ang isang babae. Nakasuot siya ng pants, boots, t-shirt, cap at sunglasses. Lahat ng suot niya ay itim.

Nagsuot ako ng sumbrero at sun glasses para hindi niya ako makilala kung sakaling makita niya ako. Sumakay ito sa kotse niya at pinaharurot iyon.

Agad akong bumalik sa kotse ni Narouje at pinaandar ito ng ubod ng bilis. Halos paliparin ko na ito para lang masundan ang babaeng 'yon.

Nang huninto niya ang kotse ay nilagpasan ko ito para hindi ito makahalata. Nagpark ako sa malayo sa kaniya at saka bumaba ng makitang wala na siya.

Pumasok ito sa isang restaurant at doon kumulo ang dugo ko ng makita ang isang pamilyar na taong nakaupo sa isa sa mga upuan habang hinihintay siya.

'Allistair...'

Tinanggal nito ang kung ano mang nakaharang sa mukha niya at naupo sa tapat ni Allistair. Sigurado akong siya 'yon base sa built ng katawan nito.

Pupunta na sana ako roon ng mapahawak ako sa isa sa mga kotse ng makaramdam ng hilo. Napapikit pikit pa ako ng lumabo ang paningin ko.

"Rain?" tawag ng isang pamilyar na boses kaya minulat ko ang mga mata ko para tignan kung sino ang tumawag sa'kin.

"Ha-Hannah?" hindi sigurong tawag ko dahil hindi ko pa rin siya makita ng ayos. Napapikit ako ng tumindi ang hilong nararamdaman ko.

"Hannah, what happene - Rain? Shit, what happened?!" tanong niya at sinalo ako nito ng mawalan ako ng balanse.

Parang doble ang boses na naririnig ko at mas lalong lumabo ang paningin ko.

Binuhat ako ni Ian at pinasok sa kotse. Nakaalalay naman sa amin si Hannah.

Pinaharurot ni Ian ang sasakyan. Napapikit nalang ako ng makaramdam muli ng matinding hilo.

'What's happening to me?'

Ian's P.O.V
Agad naming sinugod si Rain sa hospital at naghintay naman kami ni Hannah sa labas ng emergency room.

"What do you think happened to her?" pabulong na tanong sa'kin ni Hannah.

"Poisoned? Been shot? But it's imposible. Matagal ng wala nag organisasyon." salubong ang kilay na sabi ko.

"Iyon din ang naisip ko. Matagal ng buwag ang organisasyon." sabi ni Hannah.

"Should we call them now?" tanong muli ni Hannah.

"Lucas and the others? Hintayin nalang muna siguro nating magising si Rain. Hindi natin alam ang sitwasyon nila ngayon. Matagal din tayong nawala." seryosong sabi ko.

Ilang minuto pa ang lumipas ng lumabas ang doctor. Nakangiti ito sa amin na ikinataka namin.

"Family of the patient?" nakangiting tanong niya sa amin.

"We are her friends, doc. What happened?" sagot ni Hannah.

"I have a good news. She is pregnant." nakangiting sabi niya na ikinalaki ng mata namin.

The Queen of Trouble (Season III)Where stories live. Discover now