Chapter 21 (Birth)

328 21 0
                                    

Chapter 21
Birth

Zahara Rain's P.O.V
"Rain! Rain! Are you alright?! How are you feeling?! Why aren't you answering?! Rain!"

Napahawak ako sa ulo ko ng kumirot 'yon. Sinubukan kong bumangon ngunit nanghihina talaga ako. Napatingin ako sa paligid ko at nakita ang mga nag-aalalang tingin nila Kuyang Holdaper, Devin at Eros.

"Anong nangyari?" wala sa sarili ng tanong ko at sinubukang umupo. Inalalayan naman agad nila ako.

"You passed out." sagot ni Eros, nando'n pa rin ang pag-aalala sa mga mata niya pero pansin kong nakahinga na siya ng maluwag ng makitang ayos lang ako.

"How are you feeling? I'll call the doctor." sabi ni Kuyang Holdaper at aalis na sana ng hawakan ko ang kamay niya para pigilan.

"I'm fine. I'm just tired." nanghihinang sabi ko at ngumiti ng tipid, pakiramdam ko ay maging ang pagngiti ay kinukuha ang lakas ko.

"Sigurado ka?" hindi pa rin kumbinsidong tanong niya. Tumango naman ako at muling ngumiti. Umupo naman siya sa upuan katabi ng higaan ko.

"Napanaginipan ko sila." mahinang bulong ko kaya nagtaka sila.

"Who?" tanong ni Devin.

"Sila Chloe, Lei, Klei, Van, Prince ko, Hannah, Weinzey, Kuyang Runner slash Mysterious at Shanaia." mahinang bulong ko at natigilan naman sila.

"Are you alright?" nag-aalalang bulong ni Kuyang Holdaper.

"I feel relieved. Their deaths are hunting me for years. Nakokonsensya ako dahil pakiramdam ko ay namatay sila dahil sa'kin. But when I had that dream, it made me feel better. They assured me that it was not my fault." pagkukwento ko at doon na nagsimulang tumulo ang mga luha ko.

Hinawakan naman ni Kuyang Holdaper ang kamay ko at nagsimulang himasin para pakalmahin ako. Gumaan naman ang pakiramdam ko dahil sa ginawa niya.

"When I was on the paradise, they never made me felt that I was alone - that it is my fault, they talk like nothing happened - like they didn't died at all. Why I am so lucky to have you guys?" emosyonal na sabi ko.

Sinandal ako ni Kuyang Holdaper sa balikat niya at doon naman ako umiyak ng umiyak. Nang mahimasmasan ay inabutan ako ng tubig ni Devin na agad ko namang tinanggap at ininom. Nagpaalam naman si Eros para bumili ng pagkain namin.

Saglit kaming natahimik hanggang sa bumalik na si Eros. Kumain kami ng tahimik. Pare parehas kaming malalim ang iniisip.

'Kumusta na kaya sila Kai? Nakakain kaya sila ng maayos? Namimiss na ba nila ako? Huhuhu, hindi ko na sila nabibisita! Baka nagtatampo na sila. Babawi talaga ako, promise! Mag-uuwi nalang ako ng maraming pasalubong huhuhu!'

***

Isang buwan na ang nakakalipas ng mailibing na si Hannah. Dito na rin kami nanatili sa Pilipinas habang hinihintay ang araw na manganganak na ako.

Halos tatlo na silang nakabantay sa'kin. Kumuha nalang sila ng mga tao para utusan kapag may kailangan. Halos mapasapo ako ng noo sa tuwing maalala ko ang dami ng naging gastusin namin na pwede naman naming gawin ng kami kami lang.

"Rain, anong gusto mong kainin?" tanong ni Kuyang Holdaper.

"I want soup but color pink!" nakangiting sabi ko. Napaisip naman sila.

"Meron bang gano'n?" nagtatakang bulong ni Eros kay Kuyang Holdaper. Nagkibit balikat naman si Kuyang Holdaper. Sinamaan ko sila ng tingin sa inis.

"Sagot ko na kabaong niyong dalawa." nakangising bulong ni Devin sa kanila ng mapansin ang madilim na aura ko. Dahan dahan namang napatingin sa'kin sila Kuyang Holdaper at Eros at napalunok ng makita kung gaano kasama ang tingin ko.

The Queen of Trouble (Season III)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu