#WabiSabiMM - 70

1.4K 105 166
                                    

Text Message

Loki:kuys san ka

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Loki:
kuys san ka

Lope:
Kinuha ang module ni Luci. At bibili na rin ako ng bagong SIM card. Ibibigay ko sa kanya itong cellphone. Nagyayaya rin siyang mag-Jollibee. Mamaya pa kami makakauwi.

Loki:
naks iphone na rin sya
😔 cge
uwian nyo ko sundae, jolly hotdog, spaghetti with 2-pc chicken, large fries (hingi dame ketchup) large iced tea

Lope:
Bakit? May problema ba?

Loki:
kelangan ko ng kausap

Lope:
Anong nangyari?

Loki:
yung kay bb mika kuys
alam nya na yata...
ang lamig na kasi magchat
tas nasendan ko pa ng art rate ko buset
maleee
e ang kwento ko sa kanya nung ako ikaw e ikaw yung illustrator
💔💔💔😢

Lope:
Alam mong mangyayari iyan pero hindi mo pa rin itinama.
Sino ang dapat sisihin?
Ikaw na rin ang gumawa ng paraan para malaman niya ang totoo, hindi mo nga lang sinasadya. Gamitin mo na iyon na pagkakataon para magpaliwanag.

Loki:
alam ko naman mali e nag-enjoy lang naman ako kausap sya 😭

Lope:
Masaya nga siyang kausap pero hindi ibig sabihin niyon ay kailangan mo siyang lokohin na ikaw ako. Pwede ka namang magpakilala bilang ikaw.

Loki:
kaya nga unti2x na sana sa messenger kaso puta small world

di ko inexpect na LTU alumna din sya
feeling ko naliwanagan sya sa reunion dahil lagi ka pinag-uusapan ng batchmates mo hay akala nila ako ikaw

baket kase ko na-late ng 1 yr e di sana ako yung pinag-uusapan nila kasi mas gwapo naman ako sayo jk

Lope:
Magpaliwanag ka na lang sa kanya. Mukha naman siyang maintindihin dahil mabait naman siya.

Loki:
cold na sa chat kuys e

Lope:
Humingi ka ng tawad. Magsimula ulit. Magpakilala ka bilang ikaw.

Loki:
e pano wag wa epek? pag ayaw pa rin?

Lope:
Respetuhin mo ang desisyon niya dahil ikaw ang may kasalanan.

Loki:
help mo ko sa Plan B ha 🙏🏻
i like her kuys

Lope:
Gusto ko nga|
(Deleted)

Magpapaliwanag lang ako sa nangyari. Hanggang doon lang.

Loki:
oks na yun
maraming tenkyu
yung take out ko ah

Lope:
k daw kuya loki sabi kuya lope

Next update for #WabiSabiMM is after my recovery from giving birth this morning 🥲 😁 Pilitin nyong mag-update sina Ran at Nana kahit walang update si Mika!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Next update for #WabiSabiMM is after my recovery from giving birth this morning 🥲 😁 Pilitin nyong mag-update sina Ran at Nana kahit walang update si Mika!

Thank you for reading #YChronicles 💖💙💛
We looove to read and quote your tweets. Don't forget to use our hashtag!

Also read:
Siklab na may Sakdal Laya by pilosopotasya
Raspberry Nights by cappuchienooo

WABI SABI (Epistolary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon