#WabiSabiMM - 109

596 61 21
                                    

Text Message



Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Loki:

kuyz kong p0gi xe kamukha ko
tenkz sa pagjoin saken
dabest ka talaga
nakakaiyak
hihi
kahit naguluhan ako lalo xD

lam u naman limited lang braincells ko ahahaha
di ko alam kung respect decision na lang o tuloy pa rin nang walang hinihintay na kapalit
gulo mo magpayo e no
choz
jkkkk


grabehan talaga walang reply
o logtu na u?
tulog ka na nga?
walanjo
seym seym ka pa rin talaga sa alak
antukin kahit light lang
wala itu
weaaaak
jk hahahahahaha

sige kuyz sleep u mahimbing
ako hindi e pero keribum naman
tenkz again
mwah mwah






morning kuyz
maaga ako umalis
may utos si ina magenta
tas deretso ako work
alam kong di kita dapat iupdate
noted with thanks
morning kay beybi!!!!!1💕💕💕






kUyz:
Nakatulog ako kagabi. Pasensya na at ngayon lang ako nakasagot. Mag-ingat ka.






Loki:

kuyz tinatanong ni mama yung birthday ni beybi
ano ba plano mo?
nakadecide ka na ba?
sabihin ko?
nagpapagawa na pala kasi si mama ng cake ni beybi saka iba pa nyang regalo
pero sabi ko naman, tama na yun
tayo na kako bahala sa iba






kUyz:
Ano sa tingin mo ang dapat gawin? Hindi ako makahindi kay lola. Pero kailangan niya raw mamalagi sa ospital nang ilang araw para ma-obserbahan siya nang maayos.






Loki:
ampochi kasi ni papa
nautakan na naman si lola hay
di ba talaga magbibigay sina tita?






kUyz:
Hindi ko kinausap pero ang sabi ni lola ay hindi sumagot sina Tita. Malamang ay hindi na magpapahiram ng pera ang mga iyon.






Loki:
shete
naalala ko nga palang di maayos kausap sina tita tsk tsk
uungkatin na naman nun past ahahaha
walangya
sasabihin na naman nag-away tas nagbalikan tas naghiwalay ulit sina mama kaya nagka-luci
na parang kasalanan pa ni luci!!!!!1


pigilan mo q! pigilan mo q!
yun sungay ko lumalabas amp
22o naman pero mabibingi na yata ako pag narinig ko na naman yan
di uso move on ahahaha
ang us2 ko lang sabihin ay di rin ako makapagisip kuyz haha






kUyz:
May mensahe ulit si lola, tinatanong ang desisyon ko. Ayos lang naman daw sa kanya kung hindi. Pero ayokong humindi. Walang ibang tutulong sa lola.






Loki:
cge cge
sundin natin ang nasa puso naten kuyz
support kita
fighting!!!!1!!!






kUyz:
Ayos lang ba talaga sa iyo na baka mahuli ng isa o dalawang linggo ang selebrasyon ng kaarawan ni Luci? Sa tingin mo, hindi siya magtatampo na hindi sa eksaktong araw ng kaarawan niya natin siya maipaghahanda?






Loki:
luh sya
overthinker
hahahaha

nukaba kuyz
it's the count that thoughts
jk!
it's the though that counts!

jabee muna natin siya sa mismong birthday nya
super happy si beybi nun sure na sureee
tapat naman yun ng sahod day
kaya natin yan nukaba
tumanggap din ako maraming art projects






kUyz:
Pasensya ka na. Pasensya na kayo sa akin.






Loki:
woi
tigil
stahp
walang ganyan ganyan

aba
dalawa tayo dito kuyz
di mo dapat solohin

dami mo na nga rin trabaho
tumanggap ka na rin ng critic sa thesis diba?
prof, eshop, fh pa anopa
lahat na hahaha

di na yata talaga tayo magkaklablyp neto tangina ahaha
pero ayos lang basta masaya si beybi hihi






kUyz:
Baka tanggapin ko rin yung offer sa aking maging adviser ng diyaryo. Titingnan ko pa.






Loki:

grabe naman po opo
journalism! yie namiss nya kaya kinoconsider

hays kambal talaga tayo
dami nating talents
ahahha






kUyz:
Loki, hindi tayo maaaring magkasakit.






Loki:
lam ko po boxsz map4gm4h4l hihi
kaya kaw den
hinay hinay tayo






kUyz:
Salamat sa iyo.






Loki:

back 2 u!
tenkz 2 u 2

kuyz matatapos din to
mababawasan din tong maraming pagod at sacrifices mo
pangako ko yan
konting tiis na lang 🙂






kUyz:
Huwag kang gumamit niyan. Hindi bagay.






Loki:
hmP!
🙂🙂🙂
🙂🙂🙂
🙂🙂🙂
🙂🙂🙂
🙂🙂🙂
🙂🙂🙂


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
WABI SABI (Epistolary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon