Midnight Lover - 27

142K 2.1K 134
                                    

PLEASE CHECK OUT MY VLOGS! ❤️❤️❤️

RAVEN

"Ash..." humihikbing tawag ko sa pangalan ni Asher.

Nagising ako dahil sa bahagyang pagyugyog sa balikat ko. Nang imulat ko ang mga mata ko ay mukha ni Ash ang unang bumungad sa 'kin.

Mabilis na napabalikwas ako at niyakap siya ng mahigpit habang nakasubsob ang mukha ko sa pagitan ng ulo at balikat niya.

"What's wrong? Ilang beses mong tinawag ang pangalan ko. Nanaginip ka ba ng masama?" nagtatakang tanong niya. Makikita sa gwapo niyang mukha ang labis na pag-aalala.

Nang ilibot ko ang paningin ko sa paligid ay saka ko lang napagtantong nasa loob ako ng sarili kong kwarto. Magkatabi kami ni Ash sa kama habang may nakapatong na bulaklak sa ibabaw ng work table ko. It was the same flowers she gave to me nang magkita kami sa may Green Coffee.

Nakahinga ako ng maluwag nang mapagtanto kong panaginip lang pala 'yon. Panaginip lang ang aksidenteng kinasangkutan ni Asher.

Nang bahagya akong ilayo ni Asher sa katawan niya ay buong pagmamahal na pinagmasdan ko ang mukha niya. Wala akong nakikitang galit, poot o kahit ni katiting na pagkamuhi. Ang nakikita ko ngayon sa mga mata niya ay labis na pagmamahal at pag-aalala.

Buong pusong hinaplos ko ang mukha niya at binalikan sa isip ko ang totoong nangyari bago ako napunta sa nakaririmarim kong panaginip.

Ganito talaga ang totoong nangyari nang magkita kami sa Green Coffee...

Makalipas ang tatlong oras ay natapos rin ang story conference. Mabilis na tumayo ako upang kunin ang bag ko. Nagpaalam na ako kay direk, sa mga miyembro ng press at sa iba pa naming mga nakasama today.

Napangiti ako nang pagbukas ko ng celphone ko ay maraming messages ang isa-isang dumating nang i-on ko iyon. Kanina kasi during the press con ay in-airplane mode ko ang phone ko para walang maka-disrupt during the discussion.

I am reading one of Asher's texts when my phone rings, it was Asher calling. Agad na sinagot ko ang tawag niya.

"Hi, handsome! I miss you," masiglang bati ko sa kanya. Medyo nagtaka ako nang hindi siya sumagot sa 'kin ng I miss you too. "Are you alright?"

"Yeah. I'm just tired. Kakarating ko lang ng Maynila," narinig kong sagot niya mula sa kabilang linya.

"Oh, geez. Talagang sinundan mo ako dito sa Manila? And how did you even know that I'm here?" masayang tanong ko sa kanya.

"Sinabi ni Zeke sa 'kin," sagot ni Ash.

Medyo napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Sa pagkakatanda ko ay hindi ko naman sinabi kay Zeke na dito ako sa Maynila pupunta. Ang sabi ko nga lang ay aalis ako. But anyways, I'm too happy right now para isipin pa kung paano nahulaan ni Zeke na dito nga sa Maynila ang punta ko.

"Are you busy?" tanong ni Ash sa seryosong boses.

"No," sagot ko naman.

"Okay. Nandito ako sa Green Coffee sa Tomas Morato."

"Oh, great!" I snapped. "Nandito lang din ako sa Tomas Morato. Ako na lang ang pupunta diyan. I'll be there in ten minutes." Iyon lang at nagpaalam na ako sa kanya.

Dali-daling pumunta ako ng banyo at saka inayos ang buhok ko. Ibinalik ko ang hair extension na ginagamit ko habang nasa Javier ako at saka inilagay naman sa bag ang salamin sa mata na wala namang grado. Isa lang 'yon sa mga 'props' ko.

Midnight Lover [RATED SPG / COMPLETED]Where stories live. Discover now