Midnight Lover - 06

255K 3K 101
                                    

RAVEN

Wala na si Asher sa tabi ko nang magising ako kinaumagahan. At sa halip na sa lapag ay nasa ibabaw na ako ng malambot kong kama. Parang timang na napangiti ako nang maalala ko ang huling nangyari bago kami tuluyang tangayin ng antok ni Asher kanina.

Tandang-tanda kong tumagilid ako paharap sa kanya at saka walang babalang inilapat ang isa kong kamay sa tapat ng dibdib niya. Noong una ay gusto ko lang namang maramdaman ang tibok ng puso niya sa pamamagitan ng palad ko. Pero dahil na rin sa alak na nainom ko, mas naging mapangahas ang mga kamay ko.

Mula sa ibabaw ng dibdib niya ay kusa iyong naglakbay pababa sa katawan niya. Naalala ko pang gumawa ako ng maliliit na circles sa may bandang pusod niya habang nararamdaman kong sunod-sunod ang nagiging paghinga ni Asher.

Alam kong hindi pa siya tuluyang nakakatulog at marahil ay pinapakiramdaman lang ang kapangahasang ginagawa ko sa katawan niya. Mayamaya lang ay naramdaman kong inabot ni Asher ang kamay kong 'yon na patuloy na gumagawa ng circles at saka inilagay sa ibabaw ng suot niyang shorts.

Agad na naramdaman ko ang naghuhumindig niyang pagkalalaki pagkalapat na pagkalapat ng palad ko sa ibabaw ng shorts niya. Hindi ko alam kung paano iyon naging ganoon katigas gayong wala namang akong ginagawa sa bagay na ‘yon!  Noong una ay magkapatong lang ang dalawa naming kamay sa ibabaw ng shorts niya. Nang tignan ko ang mukha niya ay nakita kong nakapikit pa rin ang mga mata niya bagama’t bahagyang gumagalaw ang kamay niyang nakapatong sa kamay ko. Nagtutulog-tulugan?

At kung kelan nakahanda na akong pagpalain ang parting iyon ng katawan niya, saka naman niya hinila ang kamay niya kasama ang sarili kong kamay at saka iyon itinapat sa labi niya. He planted soft kisses on my hand before resting it again on top of his beating heart.

Mayamaya lang ay narinig ko siyang nagsalita. “Tulog na tayo, may pupuntahan tayo mamayang hapon.”

Ipinikit ko ang mga mata ko at pinilit na makatulog kahit na sobrang hirap gawin niyon lalo na at aware akong sobrang yummy ng lalaking katabi ko.

Nang matapos sa pagliliwaliw ang utak ko ay bumangon na ko sa kama at nag-iinat na lumapit sa bintana na nakaharap sa isang malawak na garden. Tirik na tirik na ang araw dahil mag a-alas dose na ng tanghali.

Wala na ang mga pinag-inuman namin kanina ni Asher so I presumed na niligpit niya muna 'yon bago siya umuwi sa apartment niya. How sweet.

Kumuha ako ng towel sa closet ko at saka dumiretso sa banyo. Habang nagtatanggal ng damit ay bumabanat naman ako ng kanta ni Taylor Swift na Blank Space na siyang song of the month ko.

Nasa kalagitnaan pa lang yata ako ng paliligo nang makarinig ako ng yabag ng mga paa na alam kong patungo sa kwarto ko. Pinatay ko ang shower at saka nakiramdam sa paligid. Nakahinga lang ako ng maluwag nang marinig ko ang boses ni Asher sa likod ng pinto ng CR.

Midnight Lover [RATED SPG / COMPLETED]Where stories live. Discover now