Chapter 17

148K 9K 5.6K
                                    

"WE SHOULD STOP."



Hirap na usal ni Jordan habang hinahalikan niya ako. Magkatabi kami sa kama at magkahinang ang mga labi naming dalawa. Maski ako ay hindi ko magawang lumayo kahit pa pakiramdam ko'y namamaga na ang mga labi ko.



"We really need to stop..." humihingal na sambit niya. But he was still kissing me, and this time his hot tongue was urging my lips to open so it can enter my mouth. 



Nang pumasok ang mainit na dila niya sa loob ng bibig ko ay napasinghap ako sa init. Napaso ako. Nakalikha ako ng mahinang ungol at doon napadilat si Jordan. Mahina siyang napamura saka lumayo.



"Darn it, I said we must stop." Tinakpan niya ng palad ang bibig ko.



Ang bibig ko talaga?! Tinabig ko ang kamay niya. "S-sino bang nanghalik diyan?!"



Sumimangot siya. "Hide your lips."



Tinakpan ko naman ang mga labi ko gamit ang kumot. Tumihaya si Jordan at nagpakawala ng sunod-sunod na buntong-hininga. Minasahe niya rin ng daliri ang kanyang sentido. 



"Kuha mo kong tubig, nauhaw ako," utos ko sa kanya.



Nakakauhaw naman talaga tuwing pagkatapos. Hindi naman siya nagreklamo. Bumangon siya at tumayo. Paglabas niya ng kwarto ay bumangon din ako. Para akong mababaliw na hindi maintindihan.



Kinapa ko ang mga labi ko na bahagyang namamaga. Nagkiss na naman kami ni Jordan. At dito pa talaga sa kwarto niya.



Ang lakas-lakas ng kabog ng dibdib ko. Kung hindi lang malakas ang control niya, malamang mauubos ako.



Nang bahagya na akong kumalma ay muli akong nahiga sa kama. Nakahiga ako habang hinihintay na bumalik si Jordan. Lumipas yata ang sampung minuto pero wala pa rin siya. Nasaan na ba siya? 



Bumukas ang pinto bago pa ako makapagdesisyon na sundan siya. Pumasok siya na bitbit ang isang baso ng malamig na tubig. Inabot niya iyon sa akin.



"Akala ko nadaganan ka na ng baso sa kusina niyo."



Hindi niya pinansin ang sinabi ko. Kinuha niya ang nakahanger na tuwalya sa likod ng pinto at pinunasan niya ang kanyang mukha at leeg. Malamlam lang na liwanag mula sa lampshade ang ilaw pero kitang-kita ko na basang-basa siya ng pawis.



Umiinom ako sa baso habang nakasunod ng tingin sa kanya. Ano bang ginawa niya sa kusina at pinawisan siya?



Pumunta siya sa closet at binuksan iyon. Sa may pinto siya ng closet nagbihis ng bagong t-shirt. Pagbalik niya sa tabi ko ay fresh na ulit siya. Amoy Irish Spring soap.



Bago siya humiga ay naglagay siya ng unan sa pagitan namin. Hindi ko napigilan ang paguhit ng ngiti sa mga labi ko. 



"Thank you, Jordan."



Natulala siya ng ilang segundo pagkatapos ay umiwas ng paningin. "M-matulog ka na."



"Okay. Matulog ka na rin. Good night." Tumalikod na ulit ako sa kanya saka pumikit. Naghikab ako at humalukipkip.



Siguro dahil sa pagod ko ay nakatulog na agad ako. Taliwas kanina na mabigat ang dibdib ko, nakatulog ako ngayon na magaan ang pakiramdam. Siguro dahil sa goodnight kiss, siguro lang naman.



Hindi ko matandaan kung anong oras na noong maramdaman kong bumangon si Jordan. Naramdaman ko ang paghila niya pababa sa suot kong shorts, dahil bahagya yatang umangat dahil sa aking pagkakahiga.



South Boys #2: HeartbreakerWhere stories live. Discover now