Chapter 42

143K 8.5K 6.2K
                                    

"CHOOSE ME OVER HIM."


Napalunok ako at mahinang nagsalita. "S-sorry..."


Nakaupo si Jordan sa gilid ng kama. Kitang-kita ko ang pagbalatay ng sakit sa kulay tansong mga mata niya.


Masakit din sa akin na masaktan ko si Jordan, pero nag-aalala talaga ako sa kalagayan ni Isaiah. Hindi ko alam kung anong nangyari sa lalaki. Kinakabahan at natatakot ako dahil baka malala pala siya.


"Jordan, nag-aalala lang naman ako dahil nang huli naming pag-uusap ni Isaiah ay may mabigat siyang problema. Ngayon, naaksidente siya at nasa ospital. Please, gusto ko lang malaman ang lagay niya. Babalik din  ako-"


Nakatiim ang mga labi na umiwas siya sa akin ng paningin.


Nangatal ang mga labi ko nang magsalita. "Jordan, p-please..."


"Do you still like him?" Bagamat mahina ay malamig ang boses niya.


Napaangat ako ng mukha. Namimilog ang mga mata ko.


Bumuga siya ng hangin. "Fine, do whatever you want."


"Jordan, k-kaibigan ko lang si Isaiah..." Napahikbi na ako. "Gusto ko lang naman malaman iyong lagay niya..."


Tumango-tango siya at hindi na nagsalita. Nakayuko na lang. Ang mahahabang daliri niya sa kamay ay magkasalikop ngayon.


"Jordan, sorry. Mag-usap tayo pagbalik ko, please..."


Tumalikod na ako para umalis habang kaya ko pa.


Iniwan ko na si Jordan kahit ang bigat-bigat sa aking dibdib na alam kong masama ang loob niya. Pero saka ko na siya kakausapin. Basta maguusap kami. Sa ngayon ay kailangan ako ni Isaiah.


Paglabas ko ng pinto ay napatingin sa akin si Jillian na nakaupo sa sofa ng sala. Hindi siya nakasimangot at hindi rin nakangiti. May palagay ako na may ideya siya sa nangyari kanina sa loob ng kwarto ng kuya niya.


Napayuko sa hiya at naglakad na papunta sa main door ng bahay nila.


Bago ako sumakay ng jeep ay tumawag sa akin si Miko. Paalis na sila ni Asher dahil binungangaan daw sila ng mama ni Isaiah.


Pagkakuha ko ng pangalan ng ospital ay tinapos ko na ang paguusap namin ni Miko. Tumuloy na ako sa City of General Trias Medicare Hospital.


Balisa ako habang nasa biyahe. Ang morbid ng mga naiisip ko. Ang nasa isip ko ay baka nakaratay si Isaiah na parang lantang gulay sa hospital bed.


Natataranta ako sa takot at pag-aalala kasi hindi ko yata kakayaning makita siya sa ganoong sitwasyon. Mas okay na sa akin iyong lagi siyang gago kaysa magkaganoon siya.


Sa lobby ng ospital ay nakasalubong ko ang papalabas na si Vivi. Namumugto ang mga mata ng babae at mahinang humihikbi. Hindi niya ako napansin dahil tila wala siya sa sarili.

South Boys #2: HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon