Groupmates: Part 1

4 0 0
                                    


Case 1: Carpe Diem Lodi Petmalu (#100)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Case 1: Carpe Diem Lodi Petmalu (#100)

Bibo kid na member ng burgis philantropy org or youth ministry, ganun. Maraming tanong sa teacher, tapos nag-e-exude ng Hallmark Movie extroversion towards their classmates.

Siya lagi ang bida sa group meetings, at ginamit niya ang kanyang Spiritual Altruism para naghanap ng Powerpoint template na mukhang ginawa noong 2003. The effort is saccharine, but deep inside you're thankful – wala namang magkakaroon ng initiative mag-contribute sa report otherwise.

Mahilig siya sa Disney movies at Instagram memes, mapa-lalaki man siya o babae o something in between. Most likely owns a pair white sneakers. Pagtanda niya, magiging frequent customer siya ng Mary Grace.


Case 2: "Missing Persons Report" (#1065)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Case 2: "Missing Persons Report" (#1065)

Poses a single question during your online brainstorming session, para lang masabing umattend siya ng meeting. Subsequently vanishes into thin air; parang tinalo pa lahat ng fuckboy at fuckghorl sa Tinder sa pag-ghost sa groupmates niya while the deadline inches closer.

Your group's report will never feel complete because of that big, sad space this person left on the Google Docs file. Hopefully, "missing" din ang grade niya sa peer evaluation, pero magically, magmamaterialize ulit siya sa reporting date. (P.S. kaibigan niya 'yung prof.)


Case 3: "Lord Sana (May Wi-Fi sa Langit)" (#777)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Case 3: "Lord Sana (May Wi-Fi sa Langit)" (#777)

Nakagawa ka na ng 5-page critical essay tungkol sa "Consequences of Glamorizing Leisure as an Escape from Estranged Labor" para i-callout siya, kaso hindi pa rin niya sinasagot ang passive-aggressive Facebook post mo sa group ninyo last week.

Baka namatay na siya, at nandito na lang 'yung multo niya para i-seenzone ka.


Case 4: "Ayala Gucci Versace" (#200km/h)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Case 4: "Ayala Gucci Versace" (#200km/h)

Nakatira sa high-rise condo 1.5 hours away from school and only travels by (luxury) car, so good luck sa pag-schedule ng in-person meeting with this person. The positive side is that may chance na pasakayin ka n'ya sa kanyang Ferrari or whatever (minsan may kasamang driver/yaya), in case mayroong field work ang group project ninyo. Maco-conscious ka, at pipili ka ng pinakamaayos mong damit – tila a-attend ng job interview, ganun. The Wattpad romance story writes itself.

Sa lahat ng groupmate na pwede mong landiin, mataa$ $iya $a li$tahan.


Case 5: "BS Org" (#1 sa Balota)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Case 5: "BS Org" (#1 sa Balota)

Iba-iba lagi ang pino-promote niyang org events sa harap ng klase, at paulit-ulit mong maririnig sa isip mo ang infectious cadence ng boses niya tuwing inilalabas ang buzzwords tulad ng "We Aim to Raise Awareness" at "We Have Freebies for Students Who Join Our Event," at ang kanyang makamandag na signature slogan, "Let Us Keep Learning Outside the Four Corners of Our Classroom."

Malaki ang chance na i-a-add ka niya sa Facebook. Hindi para sa group project, pero dahil tatakbo rin siya sa student council elections. Ah, ano ulit kinalaman nito sa pagiging groupmate? Tulad niya, nakalimutan ko na rin.


Case 6: "The Mom" (#888)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Case 6: "The Mom" (#888)

Magche-check-in sa group mates regularly, but in a caring manner kaya walang maaasar. Sa bahay niya ang group meeting, or sa restaurant/café of your choice. Bibili ng pizza o kape para sa group ninyo kung sa labas kayo para "mag-brainstorm," or ipagluluto kayo ng magulang niya ng meryenda at dinner sa bahay nila.

Baka siya 'yung witch sa Hansel and Gretel at kakainin lang niya kayong lahat pagtapos nito, or mabuti talaga siyang tao na deserve mabigyan ng regalo sa Christmas party.

Mga Groupmate na Makikilala Mo sa College: A Semi-Accurate ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon