Mga Groupmate na Makikilala Mo sa College: A Semi-Accurate List*

12 3 0
                                    

*DISCLAIMER: May not at all be a semi-accurate list.

Sabi nila, only the dead have seen the end of war. I say, only delayed students have seen the end of the list of groupmates. Kayo na bahalang manghula kung na-delay ako o hindi, but I was in college for many grueling years (and years...), which is to say I've seen some shit.

Mga nagtatagong groupmate para maglaplapan sa McDonalds o para magkunwaring may sakit sila aside, may 3 classifications ang groupmates, in general: 

1. Mga pinili mo. Kadalasan kabarkada, minsan 'yung genius/masipag na kaklaseng bobolahin o susuhulan ninyong maging leader. Ingat sa pagpili ng barkada for major projects, dahil hindi lang ang grade ninyo nakasalalay... kundi ang friendship n'yo rin.

2. Mga pinili para sa 'yo ng prof. Swertehan na lang. Minsan kasi maayos ang premyo mo sa groupmate lotto, minsan naman hindi. May chance na sadyang ipagsasama ng prof ang pinakamatalinong estudyante sa mga pinakabobo sa klase: Iisipin ng prof na mabuti ang kalalabasan nito (read: hindi nakakahiya sa student records), pero ang mangyayari lang ay lalong sasakit ang ulo noong matatalinong estudyante dahil walang makikinig sa kanila. (And that student's name? Albert Einstein.)

3. Mga pinili mo, dahil walang choice. Sasabihin ng prof na "group yourselves into [insert number]," and your stomach will feel like a sinking ship kapag mahiyain ka o hindi mo ka-vibes ang mga kaklase mo. Kung kakayanin, mag-a-awkward small talk ka sa seatmate mo, tapos sasabihan ka agad na may groupmates na siya bago ka pa matapos magsalita. Kapag napilitan ang loners at misfits ng klase na gumawa ng sariling group, ang output nila ay maaring A) passable, or B) absolute disaster. Kung Wattpad story naman ang real life, magiging best friends silang lahat at magpapakasal sa isa't-isa sa Las Vegas.

Ito lamang ang classification ng groupmates, ngunit mas marami pang personalities ang makakasalamuha mo. Kaya naman, gumawa ako ng "Groupmate Lineup" of 15 people (whom I personally encountered, but feel free to add anyone I missed in the comments).

Nonetheless, lahat itong groupmate mo – and your endless cycles of brainstorming in a poorly arranged circle of chairs – will hopefully be decent enough, that any collateral conflict can be resolved with a good old passive-aggressive"RESPETO NAMAN GUYS, TAPUSIN NA NATIN ITONG PROJECT, GRADE NATING LAHAT ANG NAKASALALAY" message. Still, one wonders why that needs to be done in the first place.

In another world, maybe everyone can be friends...

Friends who still argue against each other in group projects, that is.

---

[Insert movie trailer music of epic proportions]

From the creator of "Limang Klase ng Beer Bottle na Pwede Ibato sa Lasing na Kumakanta ng 'My Way' sa Kalsada Ninyo" (released October 31) at "Sampung Uri ng Kamag-Anak na Hindi Mo Papansinin sa Family Reunion" (released December 24) comes...

"Mga Groupmate na Makikilala Mo sa College"

"Mga Groupmate na Makikilala Mo sa College"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Now with 1600% more ugly drawings!)

Mga Groupmate na Makikilala Mo sa College: A Semi-Accurate ListTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon