Mahal Ko O Mahal Ako?

4.6K 27 6
                                    

I'll update this chapter as my POV, ekey? My own opinion :D Sariling pananaw ko to sa taong Mahal Ko at Mahal Ako. :* Makaka-relate kayo! ;)

MAHAL KO O MAHAL AKO?

**Mahal Ko!

Yung taong mahal ko? Napapangiti nya ako. Siya ang dahilan kung bakit ako gumigising araw-araw.

Hindi man nya alam na mahal ko sya, atleast masaya akong minsan nakakasama ko sya at napapasaya nya ako.

Konting ngiti lang nya, buo na ang araw ko. Kahit anino lang nya makita ko, masaya na ako.

Kinikilig ako sa tuwing napapansin nya ako. Tuwing binabati nya ako ng "GoodMorning" sa school.

Pero, ang masakit? May iba syang gusto. May iba syang mahal. At hindi ako yun. Sobrang sakit.

Walang araw na nagdaan na hindi ako napapaluha tuwing iniisip ko yun. Na yung taong mahal ko, may ibang minamahal. Yung taong mahal ko, hindi magiging akin.

Pero, sa bawat luhang pumapatak, may ngiting pumapalit ng dahil sakanya. Luha at ngiti. Pareho nyang hatid saakin.

**Mahal Ako!

Mahal nya ako kaso ayoko sakanya dahil may iba akong mahal. Kinukulit nya ako at parati din akong pinapatawa pag malungkot ako.

Sandalan ko sya sa kalungkutan at kasawian. Pinipilit nya akong patawanin kapag umiiyak ako.

Hindi ko alam kung bakit sa kabila ng lahat, mahal pa din nya ako. Kahit alam nyang may iba akong mahal, patuloy pa din sya sa pag-alalay sakin tuwing nadadapa ako.

Hindi ko sya ma-appreciate. Kase, ang mata ko ay nasa mahal ko. Pero sya? Palaging nakatuon ang atensyon saakin.

Binabantayan ako pag may sakit ako. Nandyan parati kapag kelangan ko sya.

Pipiliin ko? Syempre ung Mahal Ako. Dahil kelangan ko lang buksan ang puso ko para sa iba ;*

Ikaw? Mahal Mo O Mahal Ka?

Mga Hugot Lines :D [Love Segment]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant