Problem #35

1.2K 9 1
                                    

Problem: llo po! :) i accidentally saw your segment yesterday.. and i think you can help me .. :) btw, please just called me 'Cyanne' 17.. incoming 2nd year college.. so here it goes.. May friend po ako na girl, si Red.. 6mos. plang kaming magkaibigan.. then sa six months na yun, naging open kami sa isa't-isa.. lahat nasasabi namin lalo na yung tungkol sa mga crushes at love.. then one day, nagtanong sya sakin kung kakilala ko daw ba si Blue.. si Blue po, sya yung close friend ko na 3rd year na ngayon.. naging close ko sya kasi naging magkaklase kami ng 1st year college, 1st sem.. kaso nga nag-stop ako ng 1 year kaya nakasabay ko si Red.. then sabi ko po sa kanya oo.. kasi nga naging kaklase ko sya.. then sabi nya sakin, 'Alam mo crush ko yun! Ay hindi, mahal ko na nga ata eh.' Mula nung malaman nyang close kami ni Blue, sabi nya 'Tulungan mo naman akong mapalapit sa kanya. Close naman kayo di ba?' so syempre po, ako tong si kaibigan nya, oo naman ang sagot. So yun nga, tinutulungan ko syang mapalapit kay Blue..pero dahil nga mas close kami ni Blue, mas pinapansin nya ko..at napapansin yun ni Red.. sabi nya sakin 'Bakit ganun? Ako tong todo effort para mapansin nya tapos ikaw tong pinapansin?' So para makabawi, lagi kong kinkulit si Blue na pansinin nya lagi si Red.. wala namang sinasabi si Blue pero ginagawa nya naman yun.. hanggang sa dumating po yung COED WEEK, may nangyari po nun na ikinaselos ni Red. Inopen nya sakin yun,she even cried. Sabi ko po, wala namang meaning yung hug na yun at wala akong gusto kay Blue. Pero nito lang pong jan. narealized ko na meron pala, at huli na ng malaman kong mahal ko na pala si Blue.Ang problema, pano po si Red? Bago magvacay, iniwasan ko si Blue,para kay Red, then ewan ko everytime magkakasalubong kami ni Blue,wla na. Para kaming di magkakilala. At aaminin ko, nasasaktan ako kasi nasanay na ko na pinapansin nya ko. ano po bang dapat kong gawin? Itigil po yung nararamdaman ko kay Blue para di masaktan si red?

Or ituloy po pero patago? Di ko na po kasi alam yung gagawin ko eh.Naguguluhan na po ako. Isa pa po, gusto ko pong bumalik na lahat sa dati, yung dating kami.. yung kung anopo yung meron kami dati ni Blue..ngayon po kasi parang pareho naming iniiwasan ang isa't-isa.. di ko naman po masabi na may gusto din sakin si blue dahil alam ko pong may iba syang gusto.. at alam ko na po yun dati pa.. kaya lang.. di ko lang po maintindihan.. bago ko pa man po sya iwasan eh naramdaman ko pong parang nag-iba na sya..di na sya yung dati na sweet sakin,inaasar ako.. parang bigla pong nagbago lahat? sana po matulungan nyo ko.. alam ko pong sobrag kumplikado ng sitwasyon ko.. kaya sana po matulungan nyo ko. :)

-Cyanne (BIOSSA 2nd yr)

Advice: Dahil mahirap yang problem mo, nag-decide ako na wag na tong sulusyunan. Joke! Hahaba biro lang :) So, since iniiwasan ka naman ni Blue at nawala na ung pagiging sweet, dont you think na mas mabuting isipin mo ang kapakanan ng bestfriend mong si Red? Kase una sa lahat, alam mong may ibang gusto si Blue kaya pilitin mong pigilan yang nararamdaman mo para sakanya. Oo mahirap. Pero try. At sabihin mo din kay Red na may ibang gusto si Blue. Para di na din siya umasa. Para pareho kayong hindi umasa. Wag mo ng ipilit ibalik ang dati. Kase maibalik man yan, meron at merong magbabago. Maybe yung hug niya sau sa COED ? Goodbye hug siguro. I dont know pero parang ganun talaga ang dating nun saakin e. But anyway, ita your choice naman kung ano talaga gagawin mo.

(Sana nakatulong po ako!)

Mga Hugot Lines :D [Love Segment]Where stories live. Discover now