Chapter 2

29 2 0
                                    


Reinah

"This...Is awesome!" Malakas kong sigaw na ikinagulat ng mga taong nasa silid.

Napakalas naman sa yakap ang dalawang mag-asawa at tumingin sakin ng may pagtataka.

"Ano ang iyong binanggit mahal kong prinsesa?" tanong ng hari 

"A-ah wala po iyon, wag nyo na lamang intindihin m-mahal na hari?" nagdadalawang isip kong turan, hindi ko naman alam kung ano ba ang itatawag ko sa kanila. Tutal matagal namang natulog ang katawang ito hindi naman siguro sila mag tataka kung nakalimutan ko na ang tawag ko sa kanila, diba?

Naiiyak na niyakap ulit ako ng dalawa.

"Tawagin mo kaming inang reyna at amang hari, aming prinsesa. Halos dalawang taon ka lamang noong nahulog ka sa puno, sa sobrang kalikutan mo ay iyon pa ang mag hahantong sa iyo ng maaga sa piling ng bathala, simula ngayon na nagising ka na ay hindi ka na muling maaaring umakyat sa mga puno." Saad nito

"Ha? N-ngunit amang hari paano ako nakaakyat sa puno gayong dalawang taon pa lamang ako?" Nagtataka ko namang turan dito. Wow it's imposible for me--I mean for the owner of this body to climb to the tree at the age of two. That's just impossible. Matatanggap ko pa kung marunong na syang mag sulat at maglakad ng tuwid ngunit ang umakyat sa puno? 

"Mahal kong prinsesa, tandaan mo itong aking sasabihin. Tayong mga Opiryans ay likas na malalakas ang pangangatawan at hindi ka kaiba saamin kahit na ituring kang isinumpa ng mga tao dahil sa kakaiba mong itsura. Tandaan mong kahit na ganoon, ikaw ay prinsesa at aming anak. Maglalaon ang panahon ay ikaw rin ang mag mamana ng trono, hindi magiging hadlang ang kaibahan mo sa lahat, walang maaring umapak sa iyo dahil ikaw ay may dugong bughaw. Huwag na huwag mong ibababa ang iyong sarili para sa iba. Hindi mo pa man nakukuha ang tiwala ng lahat tandaan mong hindi rin iyon magiging hadlang para sa iyo at sa iyong pamumuno balang araw." Mahabang saad nito. Napatango tango naman ako kahit hindi ko alam kung ano iyong sinabi nya hehe

Hinawakan ng inang reyna ang aking pisngi at mahinhing ngumiti sa akin, na para bang sinasabing magiging maayos ang lahat at hindi ko na kailangan pang mag alala.

Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa mga nangyayari ngayon o isa lamang itong panaginip. I can't understand why am I even here? Why did God let me here with my memories intact. He could've reincarnate me as a baby. 

Well, looking back I did said that I want to explore the universe but this is not what I'm pertaining too, you know. I don't know how to adjust to this new world, I don't know anything. 

May mabuti rin palang dulot ang pagiging overthinker ko at ang malawak kong imahinasyon dahil nakapag iwan pa ako ng mensahe sa mga taong naging parte ng buhay ko bilang si Reinah Mahalia de Vega, wait what's my name here by the way?

"Amang hari at inang reyna, maaari ko po bang itanong k-kung ano ang aking pangalan?" Ang hirap palang mag tagalog, lalo na at mukang malalalim na tagalog ang gamit nila dito. 

Napatitig sila sa akin at nagkatinginan. 

"Mahal, ang iyong ngalan ay Prinsesa Reyna Halia Maharlika." Sabi nito

Napatango naman ako. Coincidence ba na may pagkakatulad ang pangalan ko sa dati kong buhay at dito? Napailing naman ako at hindi na inisip pa iyon.

Bigla namang may pumasok na mga kababaihang may mahahabang damit at may hawak na mga kahoy na parang tungkod. Yumukod sila sa amin.

"Mahal na hari, maaari po ba naming tingnan ang kalagayan ng mahal na prinsesa?" Saad nito

Tumango naman ang hari ngunit ng paalis na ito ay hinawakan ko ang kanyang kamay. Sino ba itong mga ito? 

Una Familia: The Cursed PrincessWo Geschichten leben. Entdecke jetzt