18

66 8 0
                                    

18 ( bar )









***

Francine Miracle's POV

Hating gabi na pero hindi pa rin ako makatulog. Baling dito baling doon, kahit saan baling ko hindi ako makatulog. Tulog na sina Hanna at ako na lang ang gising, ano naman ang gagawin ko? Ako lang naman gising ngayon eh!

Bumaba ako at uminom ng tubig, bigla naman may pumasok sa utak ko. Well why not? Pumanhik ako pataas at nagbihis na, tapos ay dahan dahan naman ako umalis para pumunta.

Sa Bar!

Pag pasok ko naman sa bar ay narinig kona ang kaingayan, sa tao pa lang at sa lakas ng tugtog. Pumunta naman ako sa counter at doon naupo!

" Kuya! Isang beer nga, " utos ko dun sa bartender. Tumango naman ito at binigyan agad ako.

Tinungga ko na lamang iyon at nag request pa ulit. Sorry ah? Ito lang kasi pampatulog ko eh, lalo na at may isipin ako, pampatanggal stress.

Hindi naman ako mabilis malasing eh. " Kuya isa pa nga! " request ko ulit.

Pangatlong baso kona ito, and it's okay! Hindi pa naman ako nahihilo eh.

" Kuya may mas matapang ba kayong alak dyan? " tinanong ko naman yung bartender upang tumingin sakin.

" Po Ma'am? " nabigla naman ito kaya nagtanong sakin.

" Sabi ko may mas hard paba dito? " turo ko dun sa beer at umismid. " Gusto ko yung mahal ah? " saad ko kaya nag tanong nanaman yung bartender.

" Sapporo Space Barley or Samuel Adams pili kayo Ma'am? " at talagang pinapili pa ako ah? Pasalamat sya at may alam ako sa alak!

" Kahit alin don sa dalawa, salamat! " saad ko kaya tumango na lamang ito saakin. Kalaunan ay binigay na din nya yung alak.

Hawak ko yung baso habang napapailing, tinutungga ko iyon habang napapailing. Hindi ko nga alam kung nakakalasing ba itong iniinom ko eh.

Kalaunan naman ay naramdaman kona ang hilo ko, jusko! Makakauwi pa kaya ako nito? Syempre hindi pwedeng hindi. Sa dami ng baso ko binayaran kona ito.

Tapos ay pumunta na ako sa C.R. ihing ihi na ako! Speaking, ang lakas ng tama nung alak sakin! Nakakahilo.

***

Someone's POV

Nakalabas na ako sa C.R. nang may narinig akong humihingi ng saklolo, nung una ay hindi ko alam kung saan pero nalaman kona lang na sa cr ng girls iyon.

Doon may nakita akong lalaki.

Nirarape yung babae tengene! Mabilis akong pumunta sa gawi nito at sinapak ang lalaki. Batid kong lasing na din iyon dahil hindi na nakatayo.

" Ayos ka lang Miss? " saad ko at pinagmasdan sya sa bisig ko. Sino kaya ito? Ang ganda nya! " tumawag kayo bouncer bilis! " sigaw ko dun sa mga babae na nakadungaw sa pinto.

Mabilis naman nakadating ang mga bouncer at nilabas yung lalaki, humingi naman sila ng pasensya sakin dahil muntikan na marape ang girlfriend ko.

Eh hindi ko naman ito girlfriend eh!

" Miss? Gising, woi! " aisst! Saan ko naman kaya sya iiwan? Kinapa ko naman ang bulsa nya at wala akong nahawakan na cellphone.

Tinitigan ko naman yung babae.

Napaka ganda nya, inosente! Pero hindi ko sya kayang iwan dito. Konsensya kopa!

Wala akong nagawa kundi buhatin ito.

Taming Francine Miracle ( Sb19 Justin Fanfic ) - COMPLETEDWhere stories live. Discover now