27

79 9 0
                                    

27 ( first day on being in a relationship )









***

Justin's POV

Magtatanghali na, at kumakain kami ng tumawag naman sakin girlfriend ko. Siguro lunch break na din nila? Hm, baka nga! Sinagot ko naman iyon kaya umukit nanaman mga ngiti ko saking bibig.

Itong nasa tabi ko naman nabibitter!

Ano kayang nakain nito at bitter na bitter? Ay baka naman nakakain ng ampalaya!

" Hello babe? " ako unang nagsalita at syempre nakangiti ako. Nawala tuloy paki ko sa paligid haha!

{ Hi babe, kumakain kana? } saad nya at nagtatamong din at the same time.

" Yes po! Ikaw po ba? " pag sangayon ko sa sinabi nya at tinanong din ito. Syempre! Ayokong malipasan ng gutom ang girlfriend ko!

{ Hm opo, kumakain na kami! Saan pala kayo kumakain? }

" Sa canteen po, kasama ko sila at si Hanna! "

{ Kaya pala hindi sinasagot ng impakta, ang mga tawag ko! Lumalandi pala?! } natawa naman ako sa sinabi nya. Aba! Yung girlfriend ko ah haha!

" Grabe ka naman sa impakta babe HAHAHAHA?! " natatawang saad ko naman sakanya.

{ Eh paano, hindi sinasagot tawag ko eh! Pakisabi na pumunta sya dito. May pag uusapan kami eh! }

" Sige babe noted, "

{ After ng practice nyo may gagawin paba kayo? }

" Wala naman, unless eh magkaroon! Minsan nga ay may dumadagdag sa sched namin. " nakanguso kong saad.

{ I see pwede ko bang hiramin time nyo? Nagpapatulong, kasi samin itong manliligaw ni Christine eh! }

" Osige sige! Sabihin ko sakanila hehe. Gusto mo ngayon na? Puntahan namin kayo! "

{ Nako mamaya, uwian! Take your time lang okay? }

" Sige po, i love you! "

{ I love you too! } nako hindi lang yan may tunog papo yung kiss nya. Kacute lang haha!

Masaya ko naman ibinaba ang cellphone ko, tas nakita ko katabi kong nakangisi sakin. Gurang talaga ito kahit kelan! Wala lang jowa eh?!

Nag wink ako dito at akmang hahalikan sya nang, " Ano ba naman yan Jah kadiri ka! "

" Jusko! Yan ba nagagawa ng inlove? Grabe, nakakabaliw pala yan! " saad ni Stell. Wushu! Masarap kaya mainlove kung alam nya lang haha!

Samantala ako--

" HAHAHAHAHA!! " natatawa lang sa isang tabi. Kita ko naman na umiiling si Josh habang naka iwas tingin.

Natatawa pa rin talaga ako sa ginagawa ko haha! Nawala lang tawa ko ng ma-alala ko yung mga pinapasabi ng girlfriend ko.

" Nga pala, Hanna bakit hindi mo daw sinasagot tawag ni Francine? May sasabihin ata syang importante sayo, " saad ko dito. Tumango tango lang ito sakin tapos tinignan din ang phone nya.

" Nga pala guys, mamaya hapon deretso tayo sa ' Tea and Cake shop 'magpapatulong satin girlfriend ko. " naka ngiti kong saad sakanila.

Syempre, ano pa nga ba? Game silang lahat! Tulungan daw namin sila. Ayan sila mga matutulungin!

G na G eh haha!

" Nga pala Justin! " pag seseryoso na sabi ni Stell sakin. Napatigil tuloy ako sa pagkain!

" Bakit? Ano yon? " nagtatakang saad ko dito habang ngumunguya.

" Nakapag pa-alam kaba sa erpats ni Francine, para ligawan ang unica hija nya? " saad ni Stell, well hindi naman sya nanakot pero tama naman din sya.

Taming Francine Miracle ( Sb19 Justin Fanfic ) - COMPLETEDKde žijí příběhy. Začni objevovat