Chapter 12

66.5K 3.3K 1.6K
                                    

Chapter 12

Naging busy ako sa mga sumunod na araw. Kung hindi pa nagtext si Kuya kahapon at tinanong sa akin kung anong oras niya ako susunduin sa airport, malilimutan ko pa na hindi pa nga pala nila alam na nandito na ako sa Pilipinas. Hindi naman kasi ako nagpopost. Hindi rin ako lumalabas. Kaka-lipat ko lang sa apartment. Medyo mahal iyong renta ko dahil fully furnished na iyong kinuha ko. Ayoko rin kasi mamroblema pa sa mga appliance at furniture. Hindi ko naman din sigurado kung dito ba talaga ako titira. Kung may natutunan man ako sa London, iyon ay ang hindi mo kailangan manatili kung hindi ka na masaya. You can always leave—leaving will always be an option. Ang tanging tanong lang—kaya mo ba?

And I'd like to think na kaya ko na.

It's oddly comforting to know that walking away is now an option. Na hindi ko na kailangang magtiis kung hindi ako masaya. I could just... leave. And start again. Iyon siguro iyong isang upside ng wala kang attachment. Madali lang umalis. Wala kang iniisip na maiiwan.

"Anong oras flight mo?" tanong ni Kuya habang magkausap kami sa Whatsapp.

"Wala ka bang duty?"

"Laging meron, pero susunduin kita," sagot niya. "Send mo sakin 'yung details."

"Di ka ba papagalitan? Aalis ka bigla."

"Ako na bahala 'dun," sabi niya.

"Okay," sagot ko. "Sa Ortigas ako."

"Ortigas? May bagong airport ba 'dun?"

"Nasaan ka ba ngayon?" tanong ko sa kanya.

"Duty."

"Same ward?"

"Yes," sagot niya. "Teka, bakit Ortigas?"

Diretso lang iyong lakad ko. The hall of the hospital looked the same, but for some reason, it felt different. Siguro kasi ngayon, hindi na ako parang batang naliligaw na paikut-ikot lang at walang patutunguhan. Ngayon, alam ko na kung saan iyong destinasyon ko.

"Kuya," pagtawag ko nung makita ko siya na naka-talikod.

"Oh?"

I ended the call. "Kuya," pagtawag ko sa kanya. Tumingin siya sa paligid niya na parang hinahanap kung saan nanggagaling iyong boses ko. Finally, tumalikod na siya at tumingin sa akin. His eyes widened in surprise.

"Naka-uwi na ako last week. 'Di ko sinabi sa 'yo kasi maabala ka pa," diretso kong sabi. "Naka-lipat na ako sa apartment. Settled na ako. Punta na lang kayo ni Ate Niles mamayang gabi. Magluluto ako ng dinner."

Tahimik akong naghintay sa sagot ni Kuya. It took him a few seconds bago magsalita.

"Wow," sabi niya.

"Galit?"

"No. Just... wow," sagot niya. "You sounded all grown up."

"I am grown up."

"I know... it's just weird," sabi niya. "Sa isip ko, bata ka lang."

I shrugged. "So, dinner?"

"Magluluto ka?"

"Yes. If you want anything, sabihin mo na ngayon para makapaggrocery ako," sabi ko sa kanya. Nagvibrate iyong phone ni Kuya. I nodded at him. I knew the drill. "Text ko na lang sa 'yo 'yung address ko. Sama mo si Ate Niles," I told him.

He didn't nod or anything. Naka-tingin lang siya sa akin.

"May nag-iba sa 'yo," sabi niya.

"Ano?"

(Yours Series # 4) Zealously Yours (COMPLETED)Where stories live. Discover now