Chapter 18

69.7K 3.8K 1.9K
                                    

Chapter 18

"Chloe," I said.

"Yeah?" sagot niya habang may ginagawa sa iPad niya. Magkasama kami ngayon. Kakatapos ko lang dun sa piece for exhibition next month. I had free time. Chloe said na magsabi ako sa kanya kapag may free time ako kaya nagkita kami.

"May alam ka bang pick-up line?"

Tumingin siya sa akin habang naka-kunot ang noo. "Pick-up line?" Tumango ako. "Para saan?"

"Intern," sagot ko.

Lumaki iyong mga mata niya. "Sinasabi ko na nga ba! D'yan pa rin ang bagsak mo. Marupok ka talaga, sis ko."

Nagkibit-balikat na lang ako. Marupok ba 'yon? Gusto niya ako. Gusto ko rin naman siya. Bakit pa kailangang gawing kumplikado? Maigsi lang ang buhay.

"Teka, bakit kailangan mo ng pick-up line? Ikaw ba nanliligaw?"

Umiling ako. "No. Nagsabi lang siya na gusto niya na nagtetext ako lagi sa kanya. Naubusan na ako ng inspirational quotes," sabi ko. Nagdownload na ako ng app na mayroong binibigay na inspirational quote araw-araw. Parang pare-pareho na lang iyong sine-send ko sa kanya. Wala naman akong ma-send na memes. Tinatamad akong mag-online. Mas gusto ko pang manood ng anime.

"Aba, at demanding pa," sabi niya.

Tumango ako. "May pick-up lines ka ba?"

"Meron," sabi niya. "Ano? Wholesome ba o medyo SPG?"

Kumunot ang noo ko. "Anong medyo SPG?"

"Gusto mo ng sample?" she asked. Tumango ako. "Tanungin mo ako kung ano pinagkapareho namin ng canned goods?"

"Ano?" I asked.

"Pareho kaming ready to eat," sabi niya sabay malakas na tawa. Napa-tingin sa amin iyong ibang tao sa coffee shop, pero wala namang pakielam si Chloe.

Napaawang iyong labi ko. "Hindi ako magsesend sa kanya ng ganyan," sabi ko na kinuha iyong cellphone ko na naka-patong sa mesa dahil baka biglang kunin ni Chloe at itext iyon kay Chase na nasa duty niya ngayon.

"Kaya nga binigyan kita ng option!"

"Yung wholesome."

Umirap siya. "KJ. Boring," sabi niya. "Nagkiss na ba kayo?" Tumango ako. "Aww. Dalaga na talaga si Marian. So proud of you, sis!"

Ilang minuto kami nag-usap ni Chloe bago ako pumayag sa pick-up line na binigay niya dahil parang extremes lang siya—either sobrang boring o sobrang bastos. Muntik na akong magsabi na 'wag na lang at magsesend na lang ako ng inspirational quote kay Chase ngayon. Ang naka-schedule ay 'The way I see it, if you want the rainbow, you got to put up with the rain.'

"Na-send mo na?"

"Sent na," sagot ko sabay lagay ng phone ko sa bag.

Around 5PM, napagod na rin si Chloe sa pagsasalita. May sasakyan naman siya kaya sinabi niya na ihahatid niya na lang ako. Pagdating ko sa apartment building, napa-kunot ang noo ko dahil bigla kaming nagka-salubong ni Chase. Papa-akyat na rin siya sa hagdan. Napa-tingin lang siya sa likod niya kaya nakita niya ako.

"Tapos na duty mo?" I asked.

Tumango siya. "Don't worry—I didn't drive," sabi niya.

"Okay," sagot ko. "Nag-early dinner na ako kasama si Chloe. 'Di ko alam na pupunta ka."

"It's fine," sabi niya. "Di ko rin alam na pupunta ako rito."

Kumunot ang noo ko. "Bakit ka nandito?"

(Yours Series # 4) Zealously Yours (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon