Prologue

137 13 0
                                    

"I am so sorry," paghingi ng tawad sa akin ni Zach, ang lalakeng pinakamamahal ko.

Parang ang sarap sa pakiramdam diba? Nakaluhod ang taong mahal mo sa harapan mo habang humihingi ng tawad sayo. Halata ang pagsisisi sa mukha. At sincero pa ang pagkakasabi.

Pero bakit iba ang nararamdaman ko? Bakit sakit ang nangingibabaw sa dibdib ko?

"Sis, okay ka lang?" untag sa akin ni Serena, kakambal ko.

Tinitigan ko siya ng mabuti. Bakit iyong ibang kambal, magkamukhang magkamukha? Iyong tipong magkakamali ang mga tao sa pagkilala sa inyong dalawa. Iyong pantay. Bakit sa amin, hindi? Bakit hindi na lang kami naging magkamukha?

Mabuti pa siya, masaya ang lovelife. Dapat sa kambal, pantay diba? Pero hindi, e. Hindi sa lahat ng pagkakataon, pantay kaming dalawa. Ay, hindi pala. Never pala kaming naging pantay. Parating lamang siya. Nakakatawa diba?

"Yeah," walang gana kong sagot. Ibinaling ko na lang ang paningin ko sa labas ng bintana. Dahil kung patuloy ko pa siyang titignan, lalong lalamunin ng insecurities ang puso ko.

"Iniisip mo na naman ba siya?" naramdaman ko ang pag upo niya sa tabi ko. Isa pa pala ito sa mga magagandang traits niya, masyado siyang mabait. At nakakainis iyon dahil lamang na naman siya sa akin.

"I want to be alone," mahina ngunit may diin kong utos sa kanya.

"Alright. But if you need someone, I'm here to listen." aniya na may tinig ng hinanakit. "And please, don't push me away. I'm your sister."

Mayamaya ay naramdaman kong mag-isa na lang uli ako. Bakit ba kasi umalis agad si Mama, e. Siya na nga lang ang may paborito sa akin sa bahay na ito, mawawala pa siya? Siya lang ang naging proud sa akin. Siya lang ang naging sandalan ko. Pakiramdam ko tuloy ay pilay ako dahil wala na siya.

"Babe, I want that!" parang kilala ko iyong boses na iyon, a. Pag lingon ko, tama nga ang hinala ko. Si Zach, kasama ang asawa niya. Tangina, ang sakit.

Tinalikuran ko sila para hindi nila ako mapansin. Pero ang swerte ko, dahil mayamaya ay narinig kong tinawag niya ako, "Monique."

Palihim kong pinunasan ang luhang tumakas galing sa mga mata ko at hinanda ang ngiti bago sila harapin. Tumikhim pa ako para lang mawala ang bikig sa lalamunan ko.

"Uy, kayo pala." kunwaring nagulat ako na nakita ko sila rito. "What a small world."

"Oo nga, e." Aniya.

Ang saya saya niya naman. Bakit sila masaya? Ako ba, wala nang karapatan? Kaisaisang tao na pinagkatiwalaan ko ng puso ko, babasagin lang pala. Tangna diba?

 

Natigil ako sa pagbabalik tanaw ng makarinig ng ingay mula sa kapitbahay. Parang drums iyon a? Hay nako, panira!

Agad akong lumabas at sinugod ang walang hiyang nanira sa pagbabalik tanaw ko. Alam ko, ang martyr ko. Pero tangna, ito lang ang paraan ko para muli ko siyang maalala.

"Hoy!" sigaw ko sa labas. "Hoy, lumabas ka!" kumuha ako ng bato at ibinato ng buong pwersa sa gate nila para makagawa ng ingay.

"Anong--, hoy ka rin! Anong problema mo at nambabato ka riyan?!" pagalit ding sigaw nung may-ari ng bahay.

Lumabas ito at tumambad sa aking harapan ang walang kasing kisig na lalake. Ang ganda ng katawan, kayumanggi ang balat, ang tangos ng ilong, ang ganda! Ang gandang lalake!

Pinilit kong itago ang nararamdaman ko, "Ang ingay mo kasi!"

"O, tapos?" nakataas ang kilay na tanong nito.

"Nakakabulabog ka kasi!" sagot ko at inirapan ito. Tumalikod na rin ako para magwalk-out.

Agad agad akong pumasok sa loob ng bahay at nagkulong. May pasilip silip pa ako sa bintana para tignan kung nandoon siya. Grabe! Nanghina tuhod ko don a. 

Napasandal ako sa pinto dahil sa panghihina ng tuhod ko. Huli na ng ma-realize kong, ngumingiti na pala ako.

Bound TogetherWhere stories live. Discover now