Chapter 1

111 8 0
                                    

"O, ano na namang problema mo riyan sis? Mukha kang tangang nagtatago sa kung sino." puna sa akin ni Serena. Inirapan ko nalang ito at umupo sa sofa para manood na lamang ng TV.


Bakit ko nga ba kasi sinisilip silip pa iyong lalakeng iyon? As if namang pupunta iyon dito, ano. Bakit, sino ba ako para pag-aksyahan niya pa ng panahon? Hay nako, bwisit na lalakeng iyon! Nakakagulo ng isip. Bwisit!


"Sis, nag-da-drugs ka ba?" maya maya ay tanong ni Serena. Nilingon ko siya at nakitang mataman niya akong tinitignan habang hinihintay ang sagot ko.

"Hindi no!" tinignan ko siya ng masama. "Mukha ba akong nag-da-drugs?"

"Oo," sagot niya sabay ang sunod sunod na pagtango. "Sino pa bang matinong tao ngayon ang kakausapin ang sarili tapos may kasama pang pagtampal sa noo? Baliw lang ang ganon sis." iiling iling pa nitong dagdag. "Saka di'ba maraming nababaliw sa pagda-drugs?"

Napairap na lang ako sa kagagahan ng kapatid ko. "Tingin mo talaga sa akin drug addict, e, 'no?"


Tinalikuran ko siya at naglakad na ako papunta sa kwarto ko, magbibihis na lang ako para maka-alis na dito. Nakakairita talaga ang mag stay dito kasama ang kapatid ko na iyon.


"O, saan ka na naman magpupunta?" muling puna ng kapatid ko ng makitang palabas na ako ng bahay.

"Sa labas, ayaw kitang makita." sagot ko at dali daling umalis na. Hindi ko talaga matagalan ang babaeng iyon. Pakiramdam ko kasi ay masyado siyang perfect pag magkasama kami. At nakakainis iyon.


Pakiramdam ko talaga ang sama sama ko sa tuwing magkasama kami. Hindi lang dahil sa insecure ako kundi dahil iyon ang parating pinaparating sa akin ng karamihan magmula pa ng mga bata kami.


"Bakit hindi mo gayahin si Serena? Parating mataas ang nakukuhang score. Hindi katulad mo na mababa."


Naaalala ko pa ang linyang iyon ng teacher namin noong Grade 6 kami. Sobrang nasaktan ako at dinibdib ito. Pakiramdam ko noon ay napakabobo ko dahil sa mga salitang lumabas sa bibig niya.


At sa tuwing umuuwi ako ay si Mama ang parati kong nilalapitan at pinagsasabihan ng sama ng loob. Tapos isang yakap niya lang, gumagaan na agad ang dibdib ko.


"Okay lang 'yan anak. Lahat naman ng tao ay may imperfections. Alalahanin mo lang iyon. Pero kahit na marami kayong imperfections, mahal ko kayong dalawa. Dahil anak ko kayo, at nanggaling kayo sa akin. Parati mong tatandaan iyan anak."


Ang mga salitang iyon din ang parating sinasabi sa akin ni Mama, na lalong nagpapaganda ng tingin ko sa buhay. Kaya lang, tulad ng panahon, lahat ay lumilipas din. Nagbabago. Napapalitan.


"Anak, aalis lang ako. Pero tandaan mo, parati akong nasa tabi mo."


Ang mga huling salita ni Mama sa akin bago niya ako iniwan sa mundong ito na napakalupit. Iniwan niya ako ng dahil sa sakit niya. Minsan inisip ko, bakit hindi siya lumaban? Bakit niya hinayaang kunin siya palayo ng karamdaman niya? Why did she gave up?


Pero sino nga ba ako para magtanong ng mga ganoon? Nobody said life was fair. Because everything in this world is unfair.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 13, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bound TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon