First shine -

38 1 2
                                    

A/N:

hi guys!! this is the first chapter of my second story.. :D

enjoy reading guys!! :D

 **********

“Freya”

“Clarennce!”

“Kamusta na ang mahal ko?”

“Eto, hindi pa rin nagbabago. Malapit ng mamatay.” Nakangiti kong sagot kay Clarence.

“Freya…”

“Clarennce, hindi na natin mababago ang katotohanan.” nakangiti ko pa ding sagot kay Clarence.

“Pero Freya ang sinasabi ko lang naman huwag kang mawawalan ng pag-asa.”

“Hindi naman ako nawawalan ng pag-asa eh. Sinasabi ko lang ang katotohanan na hindi na maaring magbago pa.”

“Pero Freya kasi--- ”

“Clarennce…”

“O sige na” umupo si Clarennce sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko “Hindi na po” at tsaka niya ako hinalikan sa kamay at  pisngi.

Nginitian ko na lang si Clarennce.

Inaayos ni Clarennce yung dala niyang mga prutas sa bedside table ko.

“Clarennce”

“Hmmm?” tumingin si Clarennce sa akin at ngumiti “Bakit?” at tsaka binalik niya ang tingin niya sa inaayos niyang prutas.

“May dala ka bang chocolate?” sinabi ko yun kay Clarennce ng hindi nakatingin sa kanya. Patuloy lang ako sa pagtupi at paggawa ng mga stars na gawa sa papel.

“Freya… Alam mo namang bawal sayo ang chocolate.”

“Bakit pa magiging bawal sa akin ang chocolate? Mamamatay na din naman ako.”

Tumigil siya sa pag-aayos ng mga prutas sa bedside table ko, umupo si Clarennce sa tabi ng kama ko at hinawakan niya ang mukha ko. “Freya, alam ko ang nangyayari sayo pero sana hindi ka nagsasalita ng ganyan.” tsaka ngumiti si Clarennce, pero mahahalata mo pa din sa mukha niya na malungkot siya.

“Eh kasi naalala ko dati, lagi mo akong binibigyan ng chocolate. Tapos nung nalaman mong may sakit na ako, tumigil ka na sa pagbibigay ng chocolate.” Nakasimangot na sabi ko kay Clarennce.

“Huwag ka ng sumimangot. O sige ganito, sa susunod na punta ko dito magdadala ako ng chocolate.” Nakangiting sabi ni Clarennce ng hawak pa din niya and mukha ko.

“Promise?” masayang tanong ko kay Clarennce.

“Promise. Basta secret lang natin yun ha?”

“Sir yes sir!” sabay pang arte kong pag-salute.

Nagpatuloy lang siya sa pag-aayos ng mga prutas sa bedside table ko. Nung natapos na siya sa pag-aayos, umupo siya sa tabi ko at nagkwentuhan kami.

“Freya” tawag ni Clarennce sa akin.

“Hmmm?” sagot ko kay Clarennce ng hindi nakatingin. Gumagawa kasi ako ng stars na gawa sa papel.

“Para saan ba yang mga ginagawa mo?”

“Curios ka talaga kung para saan ito noh?” tanong din ang ibinalik ko kay Clarennce.

“Oo, kasi parang ang dami-dami na ng ginagawa mong ganito, tapos parang hindi ka natatapos sa mga ito.” sagot ni Clarennce sa akin habang nilalaro niya ang mga finish product na stars.

Tinignan ko si Clarennce at ngitian “Malalaman mo din.” At tsaka ko ulit pinagpatuloy ang ginagawa ko.

“Kailan?” tanong ni Clarennce.

“Pag patay na ako.” sagot ko kay Clarennce.

“Freya…”

“Joke lang! Ikaw naman, masyado mong sinseryoso yung sinabi ko.” sabay ginulo ko ang buhok ni Clarennce.

“Hindi naman kasi nakakatawa yung joke mo.” malungkot na sabi ni Clarennce, tsaka niya inayos yung buhok niyang ginulo ko.

“Opo, opo… Hindi na po ako magjo-joke ng ganun ulit.” tska ko siya hinalikan sa pisngi.

“Pero seryoso, para saan ba talaga yan Freya?” tanong ulit ni Clarennce.

“Malalaman mo din sa takdang panahon.” Sagot ko sa tanong niya.

“Kailan naman yung takdang panahon na yun?” tanong ulit ni Clarennce.

“Kapag…” napatingin ako kay Clarennce, bibiruin ko ulit sana siya kaso yung mukha niya biglang sumeryoso.

“Kapag natapos ko na itong mga ito.” Tsaka ulit ako nagpatuloy sa pagtutupi.

“Kailan nga iyon?” pangungulit na tanong ni Clarennce.

“Kapag nakumpleto ko na ito. Oh ayan na ha, nasagot ko na yung tanong mo. Huwag ng paulit-ulit.”

“Pag nakumpleto? Anong ibig mong sabihin? Ilan ba ang plano mong gawin na ganito?”

“Clarennce, nakakahalata na ako ha? Kanina mo pa pinagdidiskitahan itong mga stars ko, hehehe.” Pang-aasar na sagot ko kay Clarennce.

“A-ah… Hindi naman sa ganun, na----“ ‘di ko na pinatapos magsalita si Clarennce.

“Sige na nga, sasabihin ko na. Pero mangako ka sa akin na secret lang natin ito.”

“Promise!” sabay taas pa ng right hand si Clarennce.

Huminga ako ng malalim at tsaka ako nagsalita.

“Gumagawa ako ng one thousand stars.”

“O-one thousand stars? Para saan?” gulat na tanong ni Clarennce.

“Mag wi-wish kasi ako.”

“Wish? Bakit ang dami naman yata ng mga stars mo?”

“One hundred stars is equal to one wish.”

“One hundred stars is equal to one wish. One thousand stars ang ginagawa mo, edi ibig sabihin sampu ang wish mo?”

“Hindi, apat lang ang wish ko.” Nakangiting sagot ko kay Clarennce.

“Four wishes, edi dapat four hundred stars lang?”

“Hindi, one thousand stars.”

“Pero bakit ang----“ hindi ko pinatapos si Clarennce sa pagtatanong.

Nilagay ko sa labi niya ang point finger ko.

“Malalaman mo din. Huwag ng marming tanong ha?”

“O-o sige.”

“Salamat, salamat dahil nandito ka pa din sa tabi ko. Kahit alam mo na  ganito ang condition ko.”

“Mahal kita Freya. At kahit sampung taon o habambuhay pa ako maghintay para makasama ka ulit, maghihintay ako.”

Napangiti na lang ako sa sinabi ni Clarennce.

One Thousand Stars -- Slow UpdateWhere stories live. Discover now