Second Shine -

77 1 1
                                    

A/N: Hey guys!! chapter 2 is now up.. :D

enjoy reading!!

don't hesitate to comment.. ;)

~~~~~~~~~~

“Freya…”

“Hmmm?”

“Ilang stars na ang nagagawa mo?” tanong ni Clarennce.

“Nine hundred na.”

“Wow! Nine hundred na? Edi ibig sabihin, three hundred na lang?”

“Oo…”

“Wow!” Hindi makapaniwala si Clarennce na nine hundred na ang nagawa ko. Nakakatuwa minsan si Clarennce, para siyang bata na tuwang tuwa kapag na-a-amaze.

“Freya, turuan mo ko. Tutulungan kita.”

“Hindi pwede.” Tsaka ako ngumiti kay Clarennce.

“Bakit?” medyo malungkot na tanong ni Clarennce.

“Ako lang ang pwede gumawa nito. Pwede kitang turuan gumawa nito, pero hindi mo ko pwede tulungan.” Seryosong sagot ko kay Clarennce.

“U-uh okay.”

“Mawawala na kasi ang meaning nito kapag tinulungan mo ko. Mas maganda kung pinaghihirapan natin di ba.” Pagkatapos kong sabihin yun, nginitian ko si Clarennce.

“Sorry Clarennce ha. Alam kong gusto mo akong tulungan.”

Hinawakan ni Clarennce ang kamay ko “It’s okay, naiintindihan ko. Tama naman ang sinabi mo. Syempre gusto natin makatulong sa mahal natin pero dapat naiintindihan din natin minsan kung bakit minsan tumatanggi sila sa tulong na inaalok natin.” At tsaka siya ngumiti.

Masasabi kong maswerte ako kay Clarennce. Kahit na nalaman niyang may sakit ako, hindi niya ako iniwan. Instead, mas nilapit pa niya ang sarili niya sa akin. Mas tinuon pa niya ang oras niya sa akin. Bahay, school at hospital lang ang naging routine ng buhay niya simula nung na-hospital ako. Matagal na akong nasa hospital, halos tatlong buwan na din ako dito at bagot na bagot na ako dito.

Sinabi ng mga doctor na malala na daw ang sakit ko, kaya agad-agad naman nila akong kinulong, sorry for the term. I mean cinonfined dito sa sa hospital. Sabi ng mga doctor kung mag che-chemotherapy daw ako, mapapabagal daw nito ang pagkalat ng cancer cells sa katawan ko, kaya once or twice a week ay nag che-chemotherapy ako. Nung una akala ko talaga wala na akong pag-asa, dahil chemo na lang ang nagpapahaba ng buhay ko pero sinabi ng mga doctor kailangan ko lang daw ng bonemarrow transplant. Kaya naman nag-search ako sa internet tungkol sa sakit ko, pero unti-unti din ako nawalan ng pag-asa dahil ayon sa nabasa ko sa internet ay napaka-rare kung may ka-match kang donor, dahil ang pinaka-tama at accurate na donor ay dapat manggaling sa pamilya mo.

Ang tangi  lang na nag-match sa DNA ko ay ang 16 years old kong kapatid na si Stephen. Hindi siya pinayagan ng magulang ko at ng mga doctor dahil minor pa daw siya at masyado daw delikado para sa age ni Stephen. Kaya nasa waiting list ako ngayon ng mga nangangailangan ng bonemarrow transplant.

Pero kahit maliit na chansang pag-asa, pinanghawakan ko pa din. Pero hindi na din ako umaasa pa na magkakaroon ako ng donor.

Kaya gumawa ako ng one thousand stars: 300 stars para sa magulang ko, 300 stars para kay Stephen, 300 stars para kay Clarennce at 100 stars para sa akin. Simula nung nalaman ko ang tungkol sa sakit ko sinimulan ko na ang paggawa nito. Gumawa ako nito para sakanila dahil gusto ko kung sakaling wala na ako, gusto ko maging masaya at ipagpatuloy pa din nila ang kanilang buhay. Gusto kong ituring nila ako pati na din ang sakit ko na isang maganda at masayang alaala. Kasabay nito ang  mga stars na ginawa ko para sakanila bilang remembrance.

Nung malapit ng gumabi pinauwi ko na si Clarennce dahil baka gabihin na siya sa daan. Mga ilang oras pa, dumating na si Stephen.

*Knock knock*

“Pasok…”

“Ate”

“Stephen”

Lumapit si Stephen sa akin. Niyakap at hinalikan niya ako sa pisngi.

“Kamusta Ate?”

“Eto okay naman.”

Nagpalingon-lingon si Stephen, na wari’y mo’y may hinahanap.

“Ate, si Clarennce?”

“Stephen, di ba sabi ko sayo Kuya Clarennce ang itatawag mo sakanya.”

“Eh Ate hindi ko naman siya kapatid.”

Pinagsabihan ko si Stephen. “Ke kapatid mo siya o hindi, ang point ko ay mas matanda siya sayo. Isa pa, boyfriend ko siya.”

“O sige na Ate, asan si KUYA CLARENNCE?” in-emphasize niya yung word na kuya.

“Pinauwi ko na siya, mahirap na baka gabihin siya sa daan.” Sagot ko sa tanong ni Stephen.

Di nagtagal dumating na sina Mama at Papa. At ganun pa din, hindi nawawala ang walang kamatayang “Kamusta?”. Buti pa ang word na “Kamusta?” hindi namamatay, samantalang ako… Malapit ng mamamatay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 15, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Thousand Stars -- Slow UpdateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon