Prologue

2.4K 73 67
                                    

"Kailangan ba talaga akong sumama, 'Ma?"

Ayokong sumama.

Kung may choice lang ako, mas gusto ko pang magkulong na lang dito sa bahay at magcellphone maghapon.

Kaysa naman makipagsiksikan sa party na 'yon. At take note, children's party pa.

Alam naman nilang ayokong napapalibutan ng mga bata! Baka hindi ko ma-kontrol ang sarili ko't sungitan lahat ng taong nando'n.

"Birthday 'yon ng anak ng ninang mo, ano ka ba." Sumimangot na lang ako at tinuloy ang pagsintas ng sapatos ko.

Kainis. Palibhasa alam nilang hindi ako makakatanggi sa kanila.

Celebrate pa kasi ng birthday. Puwede namang ordinary day na lang sa kanila. Sino bang nage-enjoy sa kaarawan nila? Ang baduy.

"Saka anong kakainin mo kung magpapaiwan ka dito? Mamaya pa kami mamimili ng pagkain."

Hindi na lang ako sumagot at nilabas ang cellphone ko. Wala namang WIFI do'n sa lugar na 'yon! Wala pa naman akong sim card, anong gagamitin ko pang-FB doon? Panigurado mab-bore lang ako.

Okay, ilang oras na naman akong walang online. May mami-miss na naman akong chika.

Dala-dala ang earphones, lumabas na din ako ng bahay at nadatnan ang bunso kong kapatid saka si Papa sa tricycle. Sila lang ata ang excited, aba.

Ilang minuto lang din ay lumabas na si Mama kaya umalis na kami. Buong biyahe, nakasuot lang ako ng earphones at nagpapatugtog.

Sa kabilang bayan pa ang pupuntahan namin. Isa 'yon sa dahilan kung bakit ayaw ko sumama. Ayaw kong pumunta sa malalayo kasi nakakatamad.

Hindi pa nga kami nakakalayo ng bahay, gusto ko na kaagad umuwi.

Ilang oras kaming bumiyahe. Buong sandali ay naka-earphone lang ako. Puro tanong pa ang nakababatang kapatid ko na hindi ko naman pinapansin. Si Mama na lang kausapin niya.

Nang makarating, kaagad kaming bumaba. Hindi naman gan'on kaganda ang bahay, pero malawak. Nahilo kaagad ako sa dami ng tao.

Still, sinubukan kong maging presentable at formal. Nilibot ko ang mata ko sa paligid. Ang daming lobo, ang dami ding candy na nakakalat lang sa kung saan-saan na malayang kinukuha ng mga bata.

May nakita pa akong dalawang clown na nakikipagtawanan sa mga batang nasa harap nila. Kumunot ang noo ko dahil do'n. Mukhang mga tanga.

Dumeretso kami sa nanay ng may birthday, na nagkataong ninang ko. Malawak itong nakangiti sa'min kaya peke na lang din akong ngumiti saka tinanggal ang earphone na nakasuot sa'kin out of respect.

"Ito na ba ang inaanak ko?"

Wow, ang laki mo na, ha. Kada punta ko ba dito, lumalaki ako at paulit-ulit ang script nila?

Maliit ba ako dati?!

"Hello po." Ngumiti pa rin ako at nagmano. Nag-usap sila ni Mama. Nagsabi ako na maglilibot na muna, dahil nakikita kong may pupuntang bata sa puwesto namin.

Pumunta ako sa upuan na nakita ko. Malayo ito sa mga tao pero natatanaw ko naman sila mula dito kaya hindi na din ako magm-mukhang outcast.

Muli kong sinuot ang earphone ko at nagpatugtog na lang para hindi ko marinig ang mga ingay ng mga tao. Wala akong puwedeng gawin kun'di ang kalikutin muna ang cellphone ko.

Ay, wow, calculator. Paano 'to?

Ay, hala meron pala akong calendar?

Mukha na akong tanga. Bumuntong-hininga ako saka binaba ang cellphone ko, muling nilibot ang paningin sa paligid.

Huminto ang tingin ko sa taong nakatingin din sa'kin. Mukha namang hindi niya pa napapansin na nakatingin na ako sa kaniya kaya kinunutan ko siya ng noo.

Problema nito?

Nakita kong parang may binulong sa kaniya ang kaibigan niya kaya ito natauhan. Umiwas siya ng tingin sa'kin at bumulong din sa kaibigan niya. Mas lalong kumunot ang noo ko nang tumingin din ang kaibigan niya sa'kin saka tumawa.

Tangina ng mga 'to, ah. Gusto ba nila ng away?

Hindi ko na lang sila pinansin pero nac-conscious ako dahil nakatingin pa rin siya sa'kin. Pinaglaruan ko ang kamay ko nang makitang tumayo ito sa upuan niya.

Umangat ang tingin ko sa kaniya nang tumayo ito sa harapan ko. May sinasabi ito pero hindi ko maintindihan kaya tinanggal ko ang earphones ko.

Kaurat, ako pa nag-adjust.

"Ano?"

"Ah..." Awkward pa itong tumawa saka tiningnan ang kaibigan niya. Nagsenyasan pa silang dalawa na parang mga siraulo. "Ano daw po pangalan niyo, pinapatanong ng kaibigan ko, hehe."

PO?!

Mukha ba akong matanda para i-po?!

"Bakit daw? Wala akong planong sumali sa gang niyo."

"Po?"

Po, po, po, potangina.

Hindi ba 'to nakakagets ng sarcasm? Kawawa naman.

"Bakit kako? Anong kailangan niya?"

Kumamot ito sa kaniyang batok saka nahihiyang ngumiti kaya kumunot ang noo ko. Magsasalita na sana ulit ako nang tawagin ako ng kapatid ko.

Tumayo na ako kaya napatabi ang lalaki. Mas matangkad lang siya nang kaunti sa'kin. Sa tingin ko, nasa 5'7 siya. Ako kasi ay 5'5. In-assume ko na kaagad na mas matanda siya sa'kin nang ilang taon. Pero kung maka-po, papasang santo.

Naglakad ako palayo saka muling sinuot ang earphone ko. Mukhang nagsisimula na silang kumain. Ang kapatid ko naman ay nakihalubilo na sa mga bata.

Bahala siya.

Habang kumakain, nakita kong madapa ang kapatid ko kaya nanlaki ang mga mata ko at tatayo na sana nang may tumulong na dito. 'Yong lalaking kumausap sa'kin kanina.

'Yong kapatid ko naman, imbes na umiyak, tumawa pa na akala mo'y hindi nadapa. Nag-usap silang dalawa at nakita kong itinuro pa ako ng kapatid ko sa kaniya.

Natigilan ang lalaki at napatingin sa'kin saka muling may binulong sa kapatid ko. Kumunot ang noo ko dahil doon. Sumagot naman ang kapatid ko sa pamamagitan ng pagbulong din.

As if maririnig ko silang dalawa!

Nakita ko pa ang paglawak ng ngiti ng lalaki at ang pagtango-tango naman ng kapatid ko. Inuuto niya ba 'yan?

Pinanood ko ang pag-abot niya dito ng lollipop, ginulo niya pa ang buhok nito. Tumakbo naman ang kapatid ko ngunit nanatiling nakapako ang tingin ko sa lalaki.

I cringed when he waved his hand to me and even winked. Umiwas lang ako ng tingin saka nagpatuloy sa pagkain.

He's a creep, seriously.

Inabot kami ng hapon do'n! Madalas, nakikita ko pa ding tumitingin sa'kin ang taong 'yon pero hindi ko na pinansin. Minsan pa nga, lumalapit pero nagpapanggap akong hindi siya nakikita.

Hanggang sa makauwi na kami! Finally, 'di ba?

Kaagad akong nag-connect sa WIFI para mag-open ng account. Sabi ko na, nag-usap na naman ang dalawang mga timawa na 'yon habang wala ako, 'e!

Nag-reply lang ako sa kanila saka nag-open ng RA. May iilang chat sa GC, pero hindi ko na in-open. Mukha namang hindi importante.

I scrolled through the requests, and a user caught my attention. Pamilyar ang display photo kaya kaagad kong ini-stalk para makumpirma.

Kumunot muli ang noo ko dahil siya nga 'to.

Luis Cruz Perez sent you a friend request.

Paper Rings (Epistolary)Where stories live. Discover now