64

328 16 1
                                    

L for lover
Active Now

Ganito kasi yun

Alam mo naman siguro yung
pamilya ko diba?

May problema lang kami

Nasabi ko naman na siguro sayo
na hindi maganda ang buhay namin.
Hindi maganda ang relasyon ko
sa mga magulang ko

Lubog na sila sa utang at gastos, kaya
napilitan akong magtrabaho muna
kasi naaawa ako sa kapatid ko

Kung hindi para sa kaniya, matagal
na akong umalis sa bahay na yun

Hindi ko na kaya yung pressure

sorry, I'm sorry.
hindi mo naman kailangan
magpaliwanag kung hindi mo pa
kaya, Luis. i mean, wala ka
namang dapat ipaliwanag na

Pagod na pagod na akong maging
panganay kasi lahat na lang,
iaasa sakin

Kung aalis ako sa bahay na yun,
paano na yung kapatid ko? Gagawin
lang siyang pang-shield nila mama
sa mga bayarin nila

Tangina

Gustong-gusto ko nang maglaho na
lang

magpahinga ka din, Luis.
naiintidihan ko na. sorry, sa
pagiging selfish

Gustong-gusto ko nang mawala
na lang pero iniisip ko si Lucas

Iniisip ko kayong dalawa kaya hindi
pa din ako sumusuko. Pero gusto
ko nang magpahinga

Dapat masaya tong araw na to e

Birthday na birthday ko tapos
maririnig ko lang silang mag-usap
tungkol sa hiwalayan na parang
wala man lang sa kanila yun?

Bakit ba ang daya-daya nila, Tyler?

Ginawa ko na nga lahat para matulungan
sila at hindi na maghiwalay para sa
kapakanan ng kapatid ko, pero kung
mag-usap sila kanina, parang wala kami
sa harap nila

Nakakatangina sila

Gusto ko nang huminga. Gusto
ko nang sumuko, pigilan mo ko
please

Hindi ko na alam ang gagawin ko, Tyler

Hindi ko na maintindihan lahat

Pakiramdam ko, iniipit ako ng lahat

nasaan ka? pupuntahan kita
Seen

Luis, nasa'n ka? pupunta ako,
'wag kang gumawa ng kahit
anong masama sa sarili mo
Seen

shit nasa'n ka sabi!

Wag na Tyler :>

Masaya pa rin akong nakausap kita
ngayong gabi at naipaliwanag ko
ang nangyari :>

Matulog na lang tayo. Matulog ka na lang

Sorry ulit, sa lahat ng nagawa kong mali

papunta na ako

Goodnight, Tyler (●♡∀♡)

I love you!
Seen

Paper Rings (Epistolary)Where stories live. Discover now