31

1.7K 31 0
                                    

Alaina Marano
11-20 06:00 PM

Alaina:
Hi crushie

Tapos na study sesh mo ng 5 diba?

Lindsay:
Uu, nagrerelax nalang aq

Alaina:
Sama ka ngayon?

Sponty gala lang kasi aalis kami for christmas kaya kailangan itake advantage habang nandito pa

Lindsay:
Kelan alis at balik niyo?


Alaina:
Dec 10 alis flight namin tapos after
new year pa babalik

Sama ka na, di tayo magkikita sa pasko at new year

Lindsay:
Sino ba kasama?

Alaina:
Convoy kasi 'to

Si Kuya Eliot tapos Ate Cana

Tapos sila Kuya Benj

Tapos kasama ko si Kuya Theo

Naisip ko kasi na pwede mo naman
isama si Silas if gusto mo

Parang road trip lang tapos drive thru experiments ganon

Lindsay:
Bawal si Silas eh

Alaina:
Gabi na naman eh, busy ba sya?

Para mapakilala mo na sakin, baka pag-uwi ko sa january di na kayo naguusap


Lindsay:
Tigilan mo ko jusko


Alaina:
HAHAHAHAHHA char lang

Sige na, sama mo na


Lindsay:
Bawal talaga siya kapag gabi eh



Alaina:
Allergic ba siya sa dilim?

Lindsay:
Alainaaa, di talaga pwede

Next time nalang, tsaka pahinga na din ako, itutulog ko nalang muna kasi stressed pa ako eh


Alaina:
Kelan next time?

Bar nalang? Gusto ata ng mga lalaki mag bar

Lindsay:
Gabi pa rin eh

Alaina:
Ano ba yang crushie mo, bampira tapos busy tuwing gabi para manghunting ng pagkain?

Lindsay:
ayaw niya lang magpuyat!

Alaina:
Kahit isang araw lang?

Baka ayaw ka lang kasama?

Lindsay:
Di nga kasi siya sanay

8 pa nga lang tulog na siya eh, di siya magtatagal sa bar


Alaina:
Edi matulog siya sa tanghali


Lindsay:
Alaina, di talaga siya pwede


Alaina:
Grabe naman yan

Lindsay:
Kapag araw nalang, next time talaga promise


Alaina:
Bago ako umalis??

Lindsay:
Oo naman, promise


Alaina:
At dahil dyan, special pasalubong ko sayo!!! 🥰🥰🥰

His Beating Heart (Epistolary) ✔️ Where stories live. Discover now