85

1.2K 21 0
                                    

Kuya Sam
04:00 AM

Lindsay:
Hi Kuyaaaa, dito na po kami!

Nakahiga na ako actually😌

Parang di ko kaya matulog agad, grabe ang gugulo nila kanina lalo na si Ate Wellsy kaya lang pinigilan nalang ni Kuya Ranford tapos inuwi na ako sa bahay niya para makapagpahinga na daw ako

Ang laki ng bahay nila😭 yung kwarto ko ngayon dito pinagsamang kwarto na natin kuyaaaaaa

Tapos di pa ako nakakapasok sa bahay nila Silas pero literal na katabi lang!! Halos magkasing-lawak din, pero mas malaki kina Silas

Excited na ako pumasok sa bahay nila pero parang di ako belong😭sobrang laki talaga!

Akala ko mabilis lang tatawidin para makapunta kay Silas, may lalakadin pa pala pagkapasok sa gate nila. Parang ang hirap tuloy tumakas dito

Samuel:
Tumakas??

Lindsay, kakarating mo palang kalokohan na agad nasa isip mo. Itulog mo nalang muna yan

Lindsay:
Magka call kami ni Silas hehe

Maya na ako tutulog

Samuel:
mga adik

Lindsay:
Shempre dumadaldal ako tapos nagpaplano ng gagawin namin dito! Ang daming pupuntahan kuyaaaa

Samuel:
Mag tipid ka!

Patay ka kay Mama kapag isang linggo mo palang dyan hihingi ka na agad bagong allowance

Lindsay:
Sus, kahit naman gustuhin ko gumastos laging si Silas nagbabayad ng mga ginagamit namin pang-date

Eh araw-araw ata kami magdadate dito, edi araw araw ako walang igagastos

Tsaka sabi ni Kuya Ranford magsabi lang daw ako sa kanya kapag kailangan ko daw ng cash, ako pa naman kuya eh, edi nagsabi agad ako kanina para hindi na ako magpapapalit agad ng pera or magwiwithdraw


Samuel:
Wag kang humingi ng humingi kay Ranford!


Lindsay:
Loh wala ngang pakialam si Kuya Ranford eh, nagtanong agad kung mag-kano di na inusisa kung para saan

Samuel:
Ang pasaway mo, alam mo yon?

Dapat sakin ka nalang humingi! Ma-issue ka pa dyan eh

Lindsay:
Hindi yan, Kuya

Mas parang kapatid ko pa nga si Kuua Ranford kesa sayo eh

Char, di kita pagpapalit

Samuel:
Talaga lang ah

Lindsay:
Hehehe pagiisipan ko

Ramdam ko naman na walang mangaaway sakin kasi may tatlo na akong backup, si Kuya Ranford, Ate Wellsy, at shempre si Silas

Kalma ka lang dyan, comfy ako dahil sa kanilang tatlo

Samuel:
Okay, mabuti naman

Lindsay:
Kiss mo si Mama para sakin!!

Bye byee, lalandi muna ako kay Silas

Samuel:
Oo na, daming alam

His Beating Heart (Epistolary) ✔️ Where stories live. Discover now