CHAPTER 2

3.2K 142 1
                                    

Sa sobrang kaba dahil sa tanong nila inantok ako bigla at bago ko pa man sila masagot nawalan na ako ng malay.



Sorry mga anak. Hindi ko alam kung ano isasagot sa inyo. Dahil wala akong maalala!



I woke up because someone was shaking my arm. When I opened my eyes I saw Haizen standing next to our seat. "Bakit, Haizen? Saan ka pupunta?"



"Mama, the bus stop. And I need to pee. " ay.



"Sasama ak-" gusto ko sanang samahan siya pero nang linungin ko ang mga kapatid niya ay nakita kong tulog pa ang mga ito at sa akin nakasandal. Nakakandong pa sa akin si Haizley na mahimbing pa ang tulog, "Ah eh anak... kaya mo bang pumunta ng hindi kasama si mama? " tanong ko pero hindi ko maiwasan na mag alala dahil hindi ko naman kaya na hayaan siyang umalis ng mag isa.



"Nevermind. Siguro dadalhin ko nalang itong kapa-"



But he stopped me, "No, mama. Kaya ko na po. Don't worry, babalik po ako agad. " 



"Pero-"



"Haizen? " nagising si Haizer dahil hindi ko sinasadyang maiangat bigla ang braso ko.



"Ah- s-sorry Haizer! "



"It's fine, mama. I'm okay. Pero saan po pupunta si Haizen?" nilingon niya si Haizen.



"I. Need. To. Pee. " madiin na sagot naman ni Haizen. Ay naku, mukhang hindi na kaya.



"M-mabuti pang samahan mo ang kapatid mo Haizer. Gusto kasing mag cr. "



"Sure po. Let's go Haizen if you can't hold yourself any longer. " sabi ni Haizer na hinawakan ang kamay ng kapatid upng hilahin na ito paalis.



"Bumalik kayo agad pagkatapos, okay? " pahabol na bilin ko sa mga ito na sana ay narinig nila.



Mukhang kanina pa niya yun tinitiis at sobra ang pagmamadali ng batang iyon para mag banyo. I sighed. Hope they come back soon.

The Triplets DaddyWhere stories live. Discover now