CHAPTER 5

2.7K 113 2
                                    

Bumalik ako sa playground kung saan ko iniwan yung tatlo kanina. Galing kasi ako ng restroom.



Naabutan ko silang naglalaro na may kasamang isa pang batang lalake. Napaka cute rin nito at mukhang magkakasing edad lamang sila.



"Kids? "



Napalingon sila sa akin.



Agad na lumapit sa akin si Haizen, "Mama! Wag muna po tayong umalis. " aniya.



Sinabi ko kasi kanina na pag bumalik ako aalis na kami agad. Mukha kasi silang mabo-bored nang iwan ko ang mga ito rito. Pero ngayon...



"Oo nga po. Hintayin muna po natin ang mommy ni Renren. Wala po kasi siyang kasama kapag umalis kami. " si Haizley din.



Lumapit ito sa mga bulaklak at pumitas ng tatlo. Aba! Anak baka pagalitan tayo niyan. Sa eskwelahan ang mga bulaklak na yan, mukhang magaganda pa.



"Haizley! Wag kang pitas ng pitas diyan baka pagalitan tayo. " suway ni Haizer habang nakakunot pa ang noo.



Pero mabilis na nagbago naman ang ekspresyon nang ibigay sa kaniya yung isang bulaklak. Hehehe marupok talaga ito pagdating sa mga kapatid niya.



She blushed and accepted the flower, "W-well, no one else saw you so maybe it's fine. "



Pumunta at umupo ako sa bench na di kalayuan sa playground. At doon pinanood ko silang naglalaro.



Binigyan din niya si Haizen na tuwang tuwa nang matanggap niya ito, "I love you, too, Haizley! " sigaw niya pagkatapos ay hinalikan sa pisngi si Haizley.



"For you. " ngayon naman ay yung batang kalaro nila ang binigyan niya.



"Pfft." pinigilan ko ang matawa nang makitang hindi na nakangiti sila Haizen at Haizer habang nakatingin sa bata at kay Haizley. Hindi ito nakikita ni Haizley dahil nakatalikod ito sa mga kapatid niya.



Natulala siya kay Haizley. Tapos ay napalingon kila Haizer na kung makatingin sa kaniya ay parang pinagbabantaan siya ng dalawa at gustong sabihing 'accept it or we're not gonna play with you anymore'

The Triplets DaddyWhere stories live. Discover now