Scene 1: Awit Ng Pasasalamat

1.4K 23 3
                                    

Ang sarap ng kape sa umaga.

May mga ala-alang sumagi sa isipan ni Ron habang tinititigan ang bawat patak ng maitim at makintab na likido na pumapatak sa coffe maker. Magkahalong arabica at robusta na mula sa Baguio ang gamit niya. Namana niya ang hilig sa matapang na kape sa kaniyang Nanay Nila.

Parang kape ang tagumpay sa buhay- mapait pero masarap. Bago mo makamit ang tagumpay, daranas ka muna ng mga pagsubok, mapapait na karanasan. Sa totoo lang, mas mapait ang karanasan, mas masarap ang tagumpay.

"Nay, apat na kutsarita po ba yung timpla nyo? Hindi ko yata kaya ang tapang.", monstra ni Ron habang inihahanda ang instant coffee.

"Anak, masasanay ka rin. Kung talagang coffee drinker ka, walang halo ni anuman."-sagot ni Nila.

Ang kape na gustong-gusto ni Nila ay walang creamer o asukal, basta pure coffee lang. Para sa kaniya, nasisira ang lasa ng kape kapag nahaluan ng kung anuman.

Ang mga magulang ni Ron ang naging inspirasyon nya ng isulat ang kantang- "Awit Ng Pasasalamat".

Matapos mag agahan ay pumunta si Ron sa ipinagagawa niyang musoleo.

Kung sana ay buhay pa sila ngayon. Ngayon na tinatamasa na niya ang tagumpay. Itong magarang musoleo na lang ang kaniyang mai-aalay sa kanila na mabilisang tinatapos sa kaniyang harapan. Sa musoleo ay inawit niya ang "Awit Ng Pasasalamat".

AWIT NG PASASALAMAT

Hindi ko kailanman malilimutan
Mga aral na turo at mga payo n'yo
Salamat sa buhay na 'yong inalay
Tanglaw sa 'king landas sinag ng ilaw n'yo.

Matatag kang haligi ng tahanan
Isang halimbawang dapat ay tularan ko
Salamat sa 'yong tiyaga at sipag
Sa pagsisikap kong tila walang kapaguran

Maraming maraming salamat po
Sa inyong wagas na pagmamahal
Na hindi ko matutumbasan ng kahit anopaman
Kailanman ako sa inyo'y walang maipagmamalaki
Ang lahat ng tagumpay ko'y aking tinatanaw
Utang na loob na kailanman ma'y walang kabayaran

Ang tanging maisusukli ko lamang
Ay pagbutihin 'tong hiram kong buhay

Salamat at ako'y inyong iminulat
Pinatibay ang loob ng inyong karunungan
Maraming maraming salamat po
Sa inyong wagas na pagmamahal

Subali't hindi na nila ito maaring marinig pa. Halos walong taon na rin ang lumipas nang sila ay sumakabilang buhay. At ito ang isa sa pinakamasakit na pangyayari sa buhay ni Ron.

Kung minsan may maririnig tayong hinanakit ng mga magulang dahil hindi pinahahalagahan ng kanilang mga anak ang kanilang pagsusumikap. Alam ni Ron ang hinanakit sa kaniya ng kaniyang mga magulang.

Ang kay Ron ay paghihinakit sa sarili dahil hindi na niya kailanman mapapatunayang maari siyang magtagumpay sa pinili niyang landas. Pumanaw sila na dala ang paniwalang isang "loser" si Ron.

Ang Awit Ng Pasasalamat ay handog na rin ni Ron sa mga magulang na nagsusumikap iraos ang kinabukasan ng kanilang mga anak.

"Ron, anak, kailangang magtapos ka ng pag-aaral. Huwag kang mag focus masyado sa hilig mo sa musika, walang pera dyan". -ang pangaral ng kaniyang Ama ng minsang iparinig niya ang ginagawa niyang kanta.

Sa una pa lang ay dini-discourage na ni Ben si Ron na magkaroon ng interes sa musika. Ipinagbawal nga niya ang anumang musical instrument sa kanilang bahay.

"Hayaan mo nga si Ron, Benjamin. Malay mo swertehin siya at sumikat. May tiwala ako sa kakayahan n'ya. Mana siya sa kaniyang Lolo Juanito na isang mahusay na composer. Kaya lang hindi nga lang sumikat kahit magaganda ang kaniyang likha."- wika ni Nila.

"Buti pa si Inay, malaki ang kaniyang tiwala sa kakayahan ko. Sabi nga n'ya sa akin na s'ya ang number 1 fan ko."- bulong ni Ron sa sarili.

Si Nanay Nila ang laging nagpapalakas ng kaniyang loob. Si Tatay Ben kasi ang gusto n'ya ay laging yung conventional- magtapos ng pag-aaral at maghanap ng trabaho. Para sa kaniya ay distraction lang ang musika.

"Ang nais ko lang eh, gayahin n'ya ang kaniyang Kuya Joseph na nag-aral ng mabuti upang makapag-tapos ng Chemical Engineering. At ngayon ay isang matagumpay na na Engineer."- dagdag ng kaniyang Ama.

Ang kuya niyang si Joseph ang laging inihahambing ni Ben kay Ron.

"Anong magagawa ko, magkaiba talaga kaming dalawa ni kuya", depensa ni Ron.

Parte yun ng mga alaala nung buhay pa ang kaniyang mga magulang.

Sumakay si Ron sa kaniyang magarang kotse, isang sports car. Sa passenger seat ay nakaupo ang babaeng kaniyang pakakasalan na kaniyang pinagpa-alam sa puntod ng kaniyang mga magulang.

Hulog Ng Langit (Wattpad Pop-Musical)Where stories live. Discover now