Scene 13: Farewell

179 5 0
                                    

"Kailangan mo ng mag move on Ron, wala ka ng magagawa pa sa iyong nakaraan. At isa pa, aksidente yung nangyari, 'di mo 'yun ginusto kailanman,"-payo ni Greg.

"Yun nga Greg, sang-ayon ako sa 'yo na hindi na natin kailanman mababago pa ang ating kahapon.", may halong pagsisising nabanggit ni Ron.

May mga desisyon tayong nagawa sa ating buhay na hindi na natin mababago pa. Magsisilbing parte ito ng ating kahapon na makapagbibigay ng aral upang maging gabay natin sa hinaharap. Ang kaya nating impluwensiyahan ay ang darating pa na mga pangyayari. Dapat lang ay maging positibo ang ating pananaw upang maging bukas tayo sa bawat oportunidad na darating.

"Maaari mong paghugutan ng inspirasyon ang mga mapait mong nakaraan upang bumuo ng magagandang liriko ng kanta."- mungkahi ni Greg.

Nang gabing iyon, pinili ni Ron na maglakad pauwi sa tinutulayan niyang boarding house. Pinasasabay siya ni Greg sa kotse nito subali't kaniyang tinanggihan. Malayo-layo rin iyong CC9 pero ng gabing iyon ay gusto niyang maglakad. May extra pa siyang energy na gusto niyang i-unwind upang pagdating niya sa tinutuluyang bahay ay diretso na siyang makapagpahinga.

Bumabalik sa isipan niya yung payo ni Greg na dapat na siyang mag move on habang papatid-patid na naglakad. Medyo pinagpapawisan siya pero 'di siya nakakaramdam ng pagod. Ganado siyang maglakad.

"Iba talaga kapag gusto mo ang ginagawa mo, magaan sa pakiramdam ang lahat"- bulong niya sa sarili.

May mga parte ng daanan na madilim dahil walang mga street lights, pero hindi siya natakot na tahakin ito. Dati, lagi niyang iniiwasan ang dumaan sa ganitong lugar, subali't ngayon ay tila handa siya sa kung anomang mangyari. Sa isip niya, kailangan talagang harapin natin ang mga bagay na ating kinatatakutan. Sa ganitong paraan lang natin mapagtatagumpayan ang anomang balakid na darating sa ating buhay.

May melodya na pumasok sa kaniyang isipan habang binabaybay ang maliwanag na parte ng kalsada. Mula sa intro na "Tonight I say goodbye to you", nagtuloy tuloy ang daloy ng mga liriko na habang pauwi ay natapos niya ang kantang "Farewell"

Ang mga ilaw sa mga poste na malapit sa kaniyang boarding house ay malalakas na led lights. Nagmistulang stage ang kalsada kung saan na-imagine ni Ron na kinakantahan siya ni Greg ng "Farewell". Ang banda ni Greg na B-Friends ang tumutugtog sa likuran.

Ang kanta ay tungkol sa paglimot ni Ron sa malulungkot niyang nakaraan.

FAREWELL

Tonight I say goodbye to you
I'll be a new person in the morning.
Dark past I leave you all behind
I'll clear the burdens in the corners of my mind

I will reach for my star
Beyond sky, there's no limit
I'm not chasing rainbow
No pot of gold where they end.

I will never let this negativity to make me fall
From now on, I will say farewell to them all

Farewell, this time has come to say goodbye
And to forget what's pulling me down
Farewell to the darkest days of my life
I realized life is worth living.

There'll be rain, there'll be storm
But they can't keep me from standing

Another day, another chance
A chapter close, a new door opened
This journey takes me here to know
The harder I fall, the deeper the learning.

Masayang nakauwi si Ron, nakabuo siya ng isang magandang kanta na nag-uudyok kung paano siya mag mo-move on. Base 'yon sa advice ni Greg.

"Tama si Greg. Paano nga ako makakarating sa aking pangarap kung may dala-dala akong mabigat na bagahe sa aking paglalakbay".

"Ipapa-arrange ko 'to agad kay Polo at baka pwede kong ipakanta kay Greg,at sana ay magustuhan niya. Sigurado ako na babagay ang kanta sa istilo ni Greg. Siya ang dahilan na nagawa ko 'tong kantang ito", sambit niya sa sarili.

Hulog Ng Langit (Wattpad Pop-Musical)Where stories live. Discover now