Chapter 2

723 26 0
                                    

[ Hilaga ]

" Jam bat parang pinagsakluban ka ng langit at lupa jan? " Taas kilay na tanong ni Clever kay Jam,

Andito kami ngayon sa may cafeteria,

" Eh pano ba naman, yung bagong prof namin ang sama ng ugali! " Inis na sagot niya

" Ano ba ginawa sayo? " Tanong ko naman

" Ikaw ba naman tadtarin ng questions tapos kala ko tapos na ng tumunog yung bell, shutaa pinagbuhat pako ng libro niyang parang may ginto sa bigat.. " sambit niya at ipinatong sa mesa yung kamay niya at tsaka sumandal dito

" May elevator naman eh! " Sambit ko rin sa kanya at uminom ng juice

" Yun nga sana kung elevator eh shutaaaa!! Sa hagdan ba naman ako palakarin kasi daw ayaw niya ng may kasabay sa elevator! " Inis niyang sagot at agad naman akong nabulunan sa iniinom

" Jam! " Singhal ko ng makabawi

" I. Hate. Her.!!! " Sambit niya

Tiningnan ko naman si Clever na malikot ang mata at parang tinuturo yung likod ni Jam, agad naman akong napatingin dito..

It was Miss Alvarez with Miss Avi and the girl kahapon, Sahara ba yun?

" Sino ba kasi yan? " Tanong ko sa kanya,

At bakit papalapit sila dito samin?

" That Prof. Taylor! I hate her! Ayokooo naa!! Kala mo naman hmp! " Singhal niyang sagot sakin at nakapikit

" Did I just heard my name to be called? " Tanong nung babaeng nasa likod na ni Jam ngayon

Napamulat naman ang mata ni Jam at napalaki, kamangmangan niya

" M-miss. " Utal niyang sambit habang unte unting lumingon sa likod niya

" As what I heard Fuevos, you hate me? " Taas kilay na tanong nito kay Jam,

Nakakaintimidate pala pag naging cold tong si Sahara

" Ahh! Joke lang po yun miss, actually nga po niyan ang galing niyo po eh, tsaka idol po kita oo.. diba hilaga sinabi ko yun? Idol ko tong si Miss Taylor.. " sambit ni Jam at pinandalitan ako ng mata

" That's not what you said earlier.. " panglaglag ko dito kaya sinamaan niya ako ng tingin,

HHAHA

" Yun kaya! " Biglang singhal ni Jam tsaka tumayo at lumapit sa inuupuan ko,

Umupo siya katabi ko tsaka kinurot ako sa tagiliran ng palihim,

" Hilaga naman eh! " Sambit niya,

" Hi bae! It's nice to see you again.. " biglang ibang ekspresyon ni Miss Taylor,

" Upo po kayo muna mga Miss.. " sambit ko, nagsitanguan naman sila tsaka nagsi upo, yung dalawa na si Miss Avi na iba ang tingin kay Jam parang papatayin ito at si Miss Alvarez na malamig na nakatitig lang din sakin

Sa gitna nila si Miss Taylor na nakangiting nakatingin sakin ngayon,

Naka couch style kasi tong table namin eh, bale good for four nga each couch dito eh, yaman ng EU noe?

Sa kanan ko si Clever tsaka sa kaliwa ko sa Jam,

" Prof ka po pala? Sorry po kung diko kayo nakilala kahapon. " Hinging patawad ko kay Miss Taylor at nginitian ito

" Actually I was just new here, sayang nga at nasa engineering dep ako eh, I won't have a chance na makita ka.. " she said and smiled

" Sakin parang papatay tapos pag kay hilaga ang bait? Unfair! " Rinig kong bulong ni Jam sa tabi ko

Bed Of Roses • La Fuentes University [ Completed ]Where stories live. Discover now