Chapter 19

373 18 0
                                    

[ Hilaga ]

" Pafeeling inosente toh nameet naman na pala si Miss Akiera, " sambit ko ng makita si Jam na nakaupo sa may mesa na umiinom ng juice,

Bigla naman niyang naibuga yung iniinom niya,

" Easy Jam.. " mapang asar kong ngisi sa kanya,

" We're drunk okay? " Sabi nito tsaka ako inirapan, tumawa lang ako sa kanya,

" Ikaw din kaya, you know Krieshan, " sabi niya na nakapag patigil sa pagtawa ko,

" They're acting weird.. " sabi ko, ayoko pag usapan yung nangyare kahapon,

" Right, bat naman kaya sila pupunta sa lugar na pag mamay ari ng kalaban nila? " Tanong ni Jam,

Pumunta ako sa ref tsaka kumuha ng juice tsaka tinapay,

It's afternoon now, half day lang kami kaya andito kami sa bahay ngayon,

" Maybe there's something they want.. or should I say someone? " Patanong kong sabi,

Naalala ko kasi yung sinabi ni Miss Krieshan kahapon,

" Someone? " Tanong ni Jam, nakakunot ang noo nito,

Binigyan ko siya ng tinapay na kinuha ko,

" Yes, sabi kasi ni Miss Krieshan kahapon kay Miss Alvarez is andun sila para sa kaibigan nila, I don't know who.. " sagot ko dito,

Kaninang umaga grabe na yung bulong bulongan about dun sa pagbisita ng mga Raixen sa LFU kahit sa ibang university

" Hmm, Holfera tayo? " Tanong ko sa kanya at straight na ininom yung juice na kinuha ko,

" Sure.. matagal narin nung huling makapunta ako dun, " sabi niya at ininom yung natirang juice sa baso niya tsaka tumayo at tumungo sa lababo,

Nauna na akong pumunta sa taas kasi huhugasan niya muna daw yung mga ginamit namin,

Pagkarating sa kwarto ay hinanap ko lang yung black jeans na may white line sa magkabilang gilid tapos isang sports bra and crop top white shirt

Magbabike nalang siguro kami papunta dun,

Pagkatapos ko makapagbihis ay lumabas na ako para ihanda yung bike kong kinalawang na sa tagal ng hindi na nagamit,

" Sure ka magbabike tayo? " Biglang sulpot ni Jam sa may pintoan,

" Tara na.. " sabi ko nalang at hindi na siya sinagot pa,

Wala na rin siyang nagawa at kinuha nalang din yung bike niya,

Sabay din kaming nagpadyak paalis, ngayon ko lang napansin na naka white jeans at sports bra lang siya,

Hindi lagpas ng sampung minuto ay narating na namin ang Holfera Park, bumaba na agad kami sa entrance kasi bawal magbike sa loob yung naka sakay ka,

Bitbit ang bike namin ay pumasok na kami, bumungad agad ang amoy ng iba't ibang mga street foods sa entrance palang,

" Shake tayo Hilaga.. " sambit ni Jam at tumango lang ako,

Tinungo naman namin ang nagbebenta ng shake tsaka bumili,

Avocado Strawberry sa kanya tas sakin Mango Graham

" Sa fountain tayo.. " sambit ko pagkatapos namin makuha ang binili namin,

Bitbit ang bike sa kanan at shake sa kaliwa ay tinungo namin ang fountain area ng park,

Kahit ilang beses ka talaga pumunta dito ay mamamangha ka sa ganda ng Holfera,

" May gagawin kaba this weekend? " Tanong ni Jam ng makaupo na kami, nasa gilid lang namin yung bike namin na nakasandal sa bleacher ng fountain

Bed Of Roses • La Fuentes University [ Completed ]Where stories live. Discover now