KABANATA I. Ang nawawalang wallet

792 74 15
                                    


JIMIN.

Alas siete y media na ng umaga at nakatambay lang ako sa loob ng classroom. Tuwing huwebes, sanay na kame ng mga kaklase ko na laging nahuhuli yung unang Professor sa umaga kaya may pumapasok ng maaga para matulog sa room, may pumasok ng late na nauuwi sa biglaang pag absent at ako,

maagang pumapasok dahil magpapa print sa labas ng campus, habang maaga pa.

"Taehyung, please?" Hinawakan ko naman ang braso niya. Minasamaan naman niya ako ng tingin saka hinila ang kamay niya palayo sa akin.

"Ano na naman bang kailangan mo? Ikalma mo yang saging mo Jimin nako, ang aga aga pa oh!" Sagot niya.

"Tae! Sa labas lang naman eh! Sobrang lapit lang nun! Ano, tara?" Ngumiti naman ako, nagbabakasakali na mapasabay ko siya.

"Hindi ako sasama." Umupo naman siya sa upuan niya, saka nagtulog-tulugan.

"Mas okay naman kase talagang magpa print ng ganitong oras," Paliwanag ko. Hindi parin siya humaharap sakin mula sa pagkakayuko niya.

Tangina mo talaga, Taehyung.

"Ililibre kita ng lunch, sagot ko na rin pati meryenda mo ngayong araw." Suhol ko sa kanya. Agad-agad naman siyang tumayo saka kinuha ang cellphone niya at naglakad palabas ng room. Huminto ito sa bandang pintuan saka tumingin sa akin.

"Ano pang tinatayo tayo mo jan?"

Natawa naman ako kaya agad na rin akong tumakbo papunta sa kanya, sabay lakad palabas ng campus. Nasa pinaka dulong bahagi ng campus yung building namin kaya napadaan na rin kame ni Taehyung sa cafeteria, bago makalabas ng school.

"Sinasabi ko sayo Jimin, yang katangahan mo kay Jungkook, walang schedule." Sambit niya habang mabilis na naglalakad.

"Alam mo namang wala akong printer sa bahay diba? Kung hindi lang nasira 'yon, baka—"

"Baka nagka photo album ka na ng crush mo, tama?" Inirapan naman niya ako saka naglakad muli. "Hindi yun ang point ko Jimin. Ano ba kasing gagawin mo sa mga litrato na yan, ha?"

Napatigil naman ako habang tinitignan siyang naglalakad palayo sakin. "Hanggang litrato na nga lang diba?" Lumingon siya sakin, "Sige na. Hayaan mo na ako sa ganito. Support ka na lang." dagdag ko. Hindi rin nagtagal ay nakarating na kame sa printing shop kung saan suki na ako dito. Nasa harap lang ito ng university na pinapasukan ko at saktong kokonti pa lamang ang tao dahil maaga pa naman.

"Jimin!" Binati naman ako ni Kuya na may-ari ng printing shop. "Ano? Papaprint ka na naman ng picture ni pogi?" Pabiro niyang sabi.

"Wag niyo na pong tanungin, Kuya." Tumabi naman si Taehyung sa gilid at umupo habang naghihintay. Tumawa lang si Kuya at hinanda na ang printer, "Send mo lang sa bluetoot—"

"Kuya, naka flashdrive na po." Nakangiti kong iniabot ang flashdrive na hawak ko. Tinignan lang nila akong dalawa pero hindi ko na rin pinansin. Palibhasa, mga hindi pinapangiti ng pogi.

"Paano 'to, Jimin? Ganito ba border nito?" Tanong ni Kuya. Tumango lang ako. "Opo, parang polaroid kuya. Ilalagay ko kasi sa phonecase ko."

"Lagay mo na rin sa bag mo, tsaka sa I.D mo. Pati na rin sa wallet mo, para kumpleto." Sabi ni Taehyung.

"Ay." Umupo naman ako sa tabi niya, "Ayoko. May picture na siya sa wallet ko. Mas special yun kasi limited edition." Naputol naman ang usapan namin noong tinawag na ako ni Kuya. "120 pesos yung total, Jimin."

Na excite naman ako kaya tumayo na rin ako saka kinapa ang bulsa ko para kunin yung wallet ko. Nagulat naman ako noong napansin kong walang laman ang mga bulsa ko. Agad namang tumayo si Taehyung at lumapit. "Anong problema?"

"Nawawala wallet ko." Sagot ko sa kanya.

"Hah? Gago, di mo ba dinala?" Tanong niya.

Umiling naman ako, "Dala ko yun kanina. Sigurado ako jan. Hawak hawak ko yun." Paliwanag ko. Kinuha ni Taehyung ang wallet niya saka binayaran na muna ang pinagawa ko. "Bayaran mo na lang ako mamaya."

Hindi ko agad narinig ang sinabi niya dahil kinuha ko na muna ang pictures na pinaprint ko.

Sobrang gwapo mo, Jungkook.
Utang na loob.

"Puta, nagpapanic na ako dito dahil nawawala yung wallet mo tapos ikaw, kilig na kilig ka pa jan. Tara na nga!" Hinila naman niya ako kaya nagpaalam na kame kay Kuya at naglakad na paalis.

"Lakas ng loob mong magpaprint tapos wala kang pambayad leche ka!" Sermon ni Taehyung.

"Yung wallet ko..." dahan dahan nang nagsink in sakin na nawawala ito.

"Oh ngayon, problemado ka sa allowance mo." Sagot niya.

"Hindi beh..." napahinto naman ako at napatulala. "Y-Yung 1x1 ni Jungkook... nasa wallet ko." Naluluha kong sabi.

Tangina.
Kailangan kong mahanap yun.

LOST AND FOUNDWhere stories live. Discover now