KABANATA II. Ang dasal

842 38 27
                                    

JIMIN.

Habang naglalakad pabalik ng campus, bigla namang napatawag sila Chaeyoung. Hindi ko na rin naintindihan ang iba pa niyang mga sinabi bukod sa, "Tangina niyo nandito na si Ma'am!"

Mabilis naman kameng naglakad ni Taehyung at noong nakarating na sa harap ng classroom, payuko naman kameng pumasok para hindi mahuli. "Kung inipon mo na lang sana lahat ng pinambayad mo sa printing shop, edi sana nakabili ka na ng printer." Bulong ni Yeji sa akin pagka-upo ko. "Walang basagan ng trip beh." Sagot ko sa kanya.

Tinignan ko naman ang mga litrato ni Jungkook na prinaprint namin at hindi na mawala sa mga labi ko ang ngiting dulot nito. Nakakawala ka ng pagod. bulong ko sa sarili ko.

Gaya lang din ng ibang ordinaryong araw and araw na 'to. Nagklase, nag recitation— tapos. Noong nagpaalam na si Ma'am, kinuha ko naman agad ang cellphone ko saka binuksan ang Twitter account ko.

"Nawawala yung wallet ko, ilabas niyo na please kasi nandun yung picture ni ano... HAHHAHAHAHHAHAHA"

Wala pang limang minuto mula noong twineet ko yun, pinagpyestahan na ako agad ng mga kaibigan ko gamit ang mga mapanghusgang tingin nila sa akin.

"Hoy Jimin! Nawalan ka na ng pera tsaka resibo sa enrollment tapos mas prinoproblema mo pa yung 1x1 na nasa wallet mo?!" Sabi naman ni Hoseok na nakaupo sa pwesto niya habang may hawak na cellphone.

"Yung katangahan mo, dumodoble bawat araw." Sabat naman ni Sana.

Minasamaan ko lang siya ng tingin at sumagot, "Oo, parang ikaw lang nung exam kahapon, 12/65." Nagtawanan naman ang mga kaibigan namin. Chineck kong muli ang tweet ko, ngunit wala. Walang nag iwan ng comment o DM tungkol sa wallet ko.

Nasaan ka na ba kasi?

_____________

JUNGKOOK.

Nagmamadali naman akong sumakay sa sasakyan namin dahil base sa orasan ko, 7:54 na ng umaga. "Okay lang late, basta pogi." Sabi ko sa sarili ko. "Pero bakit ba kase alas ocho yung klase ko tuwing Lunes?!"

Hindi naman ganoon kalayo ang eskwelahan namin mula sa bahay, pero kapag ganitong oras, mauubos lahat ng natitira mong enerhiya sa traffic. Noong medyo kita ko na ang gate, tinapik ko naman ang braso ng driver namin at sumenyas na dito na lang ako bababa. Sobrang daming mga sasakyan ang nakaparada at nakapila sa harap ng gate. "Maglalakad na lang po ako, Kuya. Wag niyo na lang din po akong sunduin mamaya. May bibilhin po kasi kame ng mga kaibigan ko sa palengke mamaya para sa Culinary class namin bukas." Pagpapaalam ko. Tumango naman siya kaya kumaway na ako paalis.

Marami akong kasama na estudyante na naglalakad paloob ng campus, mga kagaya kong late na nagpapanic. Noong nasa mismong gate na ako, hindi ko naman napansin na may naapakan ako. Muntik pa akong ma-out of balance kaya pinulot ko ito at nilinisan.

"Wallet? Sinong tangang maghuhulog ng wallet dito?" Tumingin tingin naman ako sa paligid at wala namang pakialam yung mga tao. Marahil, hindi sa kanila ito. Nagmamadali ako noong mga oras na iyon kaya nilagay ko na lang yung napulot kong wallet sa loob ng bag ko, sabay takbo na papunta sa building namin.

Mabuti na lang at di ganoon kalayo yung first class ko ngayong araw mula sa entrance ng campus kaya nakarating din ako agad. Dirediretcho naman akong pumasok which caused my Professor to pause his lecture... para lecturan ako.

"Mr. Jeon, pang anim na late mo na 'to this sem. Sayang yung pagiging honor student mo kung sa pagiging matino, palpak ka." Nakatayo lang ako sa harap ng mga kaklase ko habang hinihintay siyang matapos magsalita.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 03, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LOST AND FOUNDWhere stories live. Discover now