Chapter 1, Miss Ganda.

1.6K 42 1
                                    

Seven Point of View

Hindi ko din alam kung bakit tumagal kami ng isang taon at tatlong buwan ni Gianna. Hindi ko naman siya gusto pero napilitan lang akong ligawan siya. Panay kasi ang udyok at pang aasar sa'kin na ligawan ko na daw 'yon, maski ang kapitbahay at nanay ko nakiki-simpatya.

Umamin kasi sakin si Gianna no'ng grade 6 pa lang kami. Hanggang dahil sa mga udyok sa'kin, niligawan ko siya para matahimik na sila. Gano'n din ang pangungulit niya.

Dumating din sa punto na same school kami ng pinag enroll-an para sa junior high pero buti na lang talaga at hindi kami naging magkaklase.





~

Tinext ako ni Gianna dahil natagusan siya't kailangan niya ng napkin at hiramin ang hoodie jacket kong lagi kong dala. Hiyang-hiya akong bumili ng napkin sa canteen. Ilang beses ko siyang hinindian pero wala akong magawa kun'di sundin.

After kong bumili'y naglakad na 'ko papuntang klasrum niya. Sa hindi kalayuan, kita kong may dalagang nag-iisa na nakaupo sa hagdan ng pinto ng klasrum nila.

Ilang sandali'y nasa harapan na ako ng dalagang nakaupo sa hagdan na nagbabasa ng libro. "Excuse me po" Aniya ko. Hindi ko alam pero parang bumagal ang takbo ng oras. Nasilayan ko ang dahan-dahan niyang pag-angat sa kanyang ulo't sabay ng magandang pag-ngiti nito sakin. Sa sandaling limang segundo, para akong nasa isang kwartong madilim na tanging ngiti niya lang ang nagbibigay liwanag nito. Nababaliw na ata ako!

"Uh?"

"Ah, ikaw ba 'yong boy friend ni Gianna?" Nakangiti nyang tanong saka tumayo't isinara ang librong binabasa niya.

"Opo. Pasensya na medyo natagal--" Hindi ko pa tapos ang sinasabi ko nang magsalita sya.

"Bibili na dapat talaga ako ng napkin pero she keep insisting na ikaw na daw ang bibili kaya hinintay na lang kita dito"

"Anyways, akin na para makapag palit na siya. 'Yan ba 'yong hoodie mo? Nako, need niya talaga 'yan"

"Nataon ba naman din kasi na wala ni-isa sa classmates namin may dalang jacket or whatsoever --" Huminto siya sa pagsasalita. At 'di ko na rin namamalayang nakangiti na pala ako habang nakikinig sa mga kwento niya.

"Hay! Ang daldal ko na naman!" Mahinang sigaw niya sa sarili. Natawa ako.

"Akin na nga hahaha" Natatawa niyang banggit saka ko naman iniabot sakanya.

"Thank you, kuya ah." Sabi niya saka ngumiti't pumasok sa loob.

"You're welcome, Miss Ganda" Bulong ko sa sarili.

After that day, gusto ko nang palaging nakikita 'yong maganda binibining kaklase ni Gianna. Nako. Dahil sakanya mukhang nagtataksil ako.

Mahigit dalawang linggo ko ng 'di nakikita si Miss Ganda dahil everytime na pupuntahan ko si Gianna para dalhan minsan ng snack, wala siya.

Not until today. I met her. Wow. After more than two weeks of waiting just to see this beautiful girl I've ever met...

I walked at Gianna's seat as I was inside her classroom. I put the burger and cola on her desk while sneaking a quick glance. Today I am incredibly lucky. I saw Miss Ganda sitting right next to the window, she's reading a book. She has smooth, bouncy hair that is being gently blown by the wind. I felt like everything was silent and at peace while I was staring at her and admiring her beauty. I am insane.

Sy & Sev: Eyes TalkWhere stories live. Discover now