Chapter 2, How it started.

612 14 0
                                    

Synna Point of View


"Nakakalokaaaaaa!" Excited na sigaw ko nang malaman kong kaklase ko pa rin si Olive.

"Sssshhhh! babaitang 'to talaga!" Reklamo niya. Siguro talagang destined kaming magkasama lagi. Akalain mo 'yon, kaklase ko siya nung grade 5 at grade 6, then kaklase ko pa din ng grade 7 at hanggang ngayong grade 8??? Wow. What if kami talaga? HAHAHAAHA kidding.

"Hindi ko talaga kakayanin olibya kapag 'di na tayo cm tapos may new bff ka!"

"Nako! Hindi talaga ako papayag na agawin ka sa'kin! Makikipagsabunutan talaga ako" Seryosong sabi ko. Tumawa naman siya ng malakas. Halos lahat ng mga kaklase naming nakapila sa harap ng room ay nakatingin sa'min, pake ko? HAHAHAHA

"Hoy, same lang sakin 'no! Sinasabi ko sayo Sysy panot! HAHAHAHAHA" Tumatawa nyang pang aasar. Nakakapikon talaga siya minsan kabonding, banggitin ba naman nickname ko sa bahay sa harap ng madaming persons.

"Ah basta, tabi tayo sa upu--" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang makita ko si Seven. Ex girlfriend ng friend kong si Gianna na mula no'ng naghiwalay sila, hindi na ako pinansin.

"Oh? Hi, Sev!" Nakangiti kong bati. Lumingon naman si Olive at bumati din, "Hello"

"Hinahanap mo room mo?" Tanong ko. Ngumiti siya saka tumango.

"Section 3B ako eh,"

"Oh? Ito pala HAHAHAHA" Aniya niya. Magkaklase pala kami.

Sa katunayan, mula nang nagbreak sila ni Gianna akala ko dahil sa'kin. Friendly kasi talaga ako sa lahat kaya everytime na kakausapin ako ni Seven 'yong vibe namin parang matagal na kami magkakilala. Kaya akala ko, baka kaya 'di na niya ko kinausap at pinansin dahil nagselos siya sa'kin. Akalain mo 'yon lahat ng kumakausap kay Sev 'di niya na pinapansin, kala mo tanga.

Lagi silang nagkakatampuhan ni Sev nung grade 7 dahil sa mga babaeng classmates ni Sev at classmates namin na kinakausap si Sev. Usap lang naman, walang flirt. Oo, gwapo si Sev, nagrank 1 sa buong grade 7 dahil sa katalinuhan niyang taglay lalo na sa math kaya no wonder din naman kung madaming magkakagusto sakanya. Pero kasi, si Gianna din ang may mali.

Honestly, base din talaga sa obserbasyon ko sakanila no'n pareho silang may pagkukulang at pagkakamali. Si Gianna ang toxic samantalang si Seven walang pasyensiya at tiyaga. Pero, mauubusan ka nga naman ng pasyensiya't tiyaga kung ang partner mo'y panay hinala kahit wala ka namang motibong pinakita para maghinala at hindi man lang kaya o subukan intindihin lahat ang side mo. Paano nga naman magkakaintindihan kung makitid ang utak ng isa? Malamang nagiging resulta ng toxic relationship.

"Kabog! Kaklase ka pala namin ni Olibya" Sabi ko.

"Okay lang ba kaibiganin ka namin ni Sy? Para may tropa na kaming magaling sa math, boi" Nakangising aniya ni Olive.

"Oo nga, kaya ko naman iraos ang English tapos si Olive naman sa Science" Proud na proud kong sabi.

"HAHAHAHAHAHA mag kaibigan talaga kayo" Tawang-tawa niyang sabi.

"Kahit lahat pa ng subjects kopyahin niyo, okay lang HAHAHAHAHA" Pagbibiro niya. Nagtawanan naman kami.

Ang tagal naming naghihintay sa labas ng classroom dahil wala pa 'yong adviser namin. Kausap naman ni Olive ang boyfriend niyang taga section 3F. Samantalang tahimik lang kami ni Sev sa isang tabi.

Sy & Sev: Eyes TalkWhere stories live. Discover now